Categories
Life

Down Down Down

Ang down ng pakiramdam ko ngayon. Parang ilang araw na ata. Nag-pause kasi. Naging ok ako tapos ngayon ganun nanaman. Eh malamang alangan laging masaya. Pero ang sama lang talaga sa pakiramdam pag dumadating yung mga ganitong araw na pakiramdam mo ginagawa mo naman yung kailangan pero walang nangyayari. Nakakapanghina ng loob. Pakiramdam mo hindi na magbabago kung ano mang nangyayaring hindi maganda. Sumasakit tuloy ang ulo ko.

Minsan talaga kapag ganito yung pakiramdam mo, nakakalimutan mo na magiging okay din ang lahat. Na hindi pa naman katapusan ng mundo (hindi ba talaga? hello covid). Para sa isang pessimistic na katulad ko, ang hirap maging optimistic. Pag maganda nga ang nangyayari naiisipan ko pa din ng negatibo, ano pa kaya kapag ganitong malungkot. Kaya eto nagsa-soundtrip na lang ako (currently playing: big big world by emilia).

Gusto ko lang magsulat dito ngayon kasi nakakatulong talaga pag naglalabas ako ng sama ng loob sa kawalan. Kahit 99% na walang makakabasa nito, nakakatulong kahit papano. Minsan nga mas therapeutic pa to kesa mag-share ako sa ibang tao. Kasi kapag sa ibang tao, may certain expectation ka sa isasagot nila para mapagaan yung pakiramdam mo. Eh pano kung tinawanan ka lang o na-sense mong wala naman silang pakealam, eh di madidisappoint ka lang. Baka lalo ka lang malungkot. At least kapag dito, nami-meet yung expectation ko kasi wala akong ineexpect na sagot. Gets ba.

Anyway, kulang din kasi ako sa tulog. Alas-tres ng madaling araw na ko nakatulog kakapanood ng Youtube tapos ang walang kwenta nung pinapanood ko. Gusto kong bawiin yung isang oras na panonood ko ng walang kwentang video tungkol sa isang Youtuber. In short, chismis. Ang sama din talaga pag di mo makontrol yung sarili mo minsan. Alam mo namang basura yung pinapanood mo pero di mo mapigilan. Pag gising ko tuloy, lambot na lambot ako tapos ang sakit pa ng ulo ko. Pagkakain ko natulog ako ulit. Halos kakagising ko nga lang ulit ngayon (time check 5:46pm) at diretso ako dito sa office para gumawa ng something productive. Pero pinaalala nanaman sakin yung rason kung bakit ba talaga ako nasstress kaya napunta ako dito sa blog ko. Para maglabas ng negative chakra.

Inaantay ko lang si Kenneth matapos mag-vacuum at maghahapunan na kami. Baka naman gumanda ang mood ko sa bulalo. Siguro dahil ilang days ko na din hindi nakakausap ang mga Mama. Matawagan nga.

Advertisement

5 replies on “Down Down Down”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s