Parang hindi ko pala nakwento kung gano namin na-appreciate ‘tong bagong apartment namin. Nasa ‘washroom’ kasi ako kanina (hindi uso dito sa kanila ang CR) tapos maghuhugas ako ng kamay so binuksan ko yung gripo at bigla kong naalala na dun sa luma naming apartment, mga dalwa o tatlong beses sa isang buwan, ay madilaw yung tubig. Lumang luma na kasi yung apartment na yun. Kaya kalawangin na siguro yung mga tubo. Kaya hindi kami makaligo agad minsan kasi aantayin pa naming luminaw yung tubig.
Ano? Sa Canada naninilaw ang tubig?? Oo. Hindi ko din inexpect. Akala ko dito sa Canada hindi problema ang kalinisan ng tubig. Madami pa akong nadiscover na salungat sa ine-expect ko nung lumipat kami dito sa Canada. Napataas ata masyado ang expectations ko.
Pero dito sa bagong apartment, since last year lang ito itinayo, tapos pangalwa pa lang kaming tenant dito sa unit na to, almost brand new lahat. Kaya love na love namin ‘tong bagong apartment namin. Kaya naman medyo napapasipag ako ng kauntian para ma-maintain yung kagandahan. Pareho pa naman kaming tamad ni Kenneth. Pero kahit sya medyo sumipag.
- No more sketchy people
So bukod sa tubig, neighbors. Nakwento ko na before pero again, sketchy yung mga neighbors dun sa dating apartment. Yung landlord na mismo ang nagsabi. Dito hindi kami nawawalan ng package. Mas matitino ang tenants dito.
- Location
Katapat namin ang No Frills (grocery store), Shell, Starbucks, Dollarama (mga stuff na mura sa standards nila dito), Pizza Hut, may pet store, KFC, A&W (famous burger chain dito) at tsaka may isa pang kainan na burrito ata yung tinda. Yung No Frills pa lang ok na ok na. Sobrang walking distance lang. Pero for sure pag winter na kahit gano pa kalapit yan hindi ko gugustuhing maglakad papunta dun.

- Parking
Sa basement yung parking namin kaya kahit mag-snow, hindi na mahihirapan si Kenneth magpa-init ng sasakyan o magtanggal ng tumigas na snow sa ibabaw ng sasakyan. Less hassle.

- Appliance
In short, yung convenience. Sobrang sobrang convenient dito sa bago naming apartment. Yung kahit mas mahal ang binabayaran namin dito, parang sulit na sulit. Siguro madami pa pero ang last ko na lang naiisip ay yung dishwasher. Since pareho nga kaming tamad, hate na hate namin magdayag (maghugas). Eh since may eczema ako, si Kenneth ang designated dishwasher. Pero nung lumipat kami dito, may dishwasher nang kasama. Kaya ang ginhawa. Parang hindi na namin alam ang buhay ng walang dishwasher. Mawala na yung microwave wag lang yung dishwasher.


Orayt yun lang. We love you new apartment. Kahit si Cashew at Walnut (mga pusa namin) sure kami na mas gusto nila dito.
