I was listening to this podcast (Wake Up with Jim & Saab) and I just felt a sudden surge of nostalgia. Parang nabalik ako dun sa highschool days. Kahit hindi naman sobrang perfect ng highschool life ko, it gives me a certain level of comfort and warmth. Kaya siguro napaka sentimental kong tao, bigla ko na lang naaalala ang mga bagay bagay.
Nung highschool ako, isa sa mga pastime ko ay magbasa ng magazines. Una Candy then naging Seventeen then Cosmopolitan nung college. Pero mas nag-eenjoy ako sa Candy and Seventeen. Dito ako super na-fascinate sa buhay sa Manila. Nakakapasyal kaming Maynila oo pero yung dun ka mismo titira, parang yun yung wini-wish ko nung mga panahon na yun. Sobrang ganda ng perception ko sa Manila that time. Sobrang oblivious pa ko sa mga krimen na nangyayari at sa traffic, sa pollution, at kung ano ano pa. Basta kung ano lang yung nababasa ko dun sa magazines (which is mostly good and fun), yun lang yung pinipili kong tanggapin about Manila.
Tanda ko nung may nabasa kong article about sa the best chocolate chip cookie, pinunit ko yung page na yun at dinikit ko sa dingding ng kwarto ko (na pinagalitan ako ng Mama kasi masisira daw yung pintura ng dingding pag dinikitan ng kung ano ano). At habang binabasa ko yung article na yun, ang tanging wish ko lang that time ay makapuntang Maynila at pumunta sa Brother’s Burger at umorder nung cookie na yun. Fast forward to mga 5 years, nung nagtatrabaho na ko sa Maynila, at last! Natikman ko rin! Tuwang tuwa ako pero truth be told hindi sya ang the best for me pero sobrang natuwa lang ako kasi naalala ko yung highschool self ko na pinunit yung page ng magazine at dinikit sa dingding.


Bukod sa food and fashion (which is hindi ako masyadong interested kasi lagi lang akong naka-pants and t-shirt nung highschool and college), meron ding mga articles na madidiscover mo yung iba-ibang adventures ng iba ibang tao na nasa ibang lugar. Ang interesting lang.
Sobrang na-miss ko tuloy sa Manila. Almost 6 years din akong tumira dun. At kahit na-holdap ako dun at nasungitan ng mga kung sino-sinong tao na kala mo kung sino, nakaka-miss pa din talaga. Na-miss ko yung ingay. Dito kasi masyadong tahimik. Parang sobrang kulang. Kulang sa personality yung lugar. Oh well. Pero ang sarap lang mag-reminisce. Parang limot ko na yung mga unpleasant encounters. Puro masasaya yung naaalala ko. Feeling ko ngayon may comfy blanket na nakabalot sakin. Although ibang iba na sa Maynila ngayon dahil sa pandemic, ayaw ko munang isipin yun for once. Let me have this blanket. It’s what I need right now.