- Nagluto ako ng chicken sopas. Binigyan kami ng libreng chicken buto-buto nung mama nung bumili kami ng tatlong slab ng pork belly. Kaya naisip ko magandang gawing sopas. Pero hindi ako nakakain ng sopas. Kinain ko muna yung tira kahapon na chicken wings at yung niluto kong bacon sausage chuchu in basil chuchu tomato sauce.


- Nag-grocery ako at ang init sa labas ngayon. Minsan kasi may araw na ang lamig na kailangan mong mag jacket kahit summer na dito.
- Nagpapa-drawing yung mga pinsan ko kaya sinimulan ko na kahapon dun sa pamangkin ko tapos kanina si Isabelle naman. Bukas ko tatapusin.

- Nag-picture ako ng mga binebenta kong stickers para sa bago kong website.
- Modern Family is my jam nitong mga nakaraang linggo kaya lagi lang syang nasa background lalo na pag nagddrawing ako para hindi ako antukin. Minsan bago ako matulog manonood ako ng mga dalwang episodes tapos 2AM na ako makakatulog.
- Tinuloy kong basahin yung Steal Like an Artist ni Austin Kleon kaya ako nagsimula nitong daily log. Isa sa mga advice nya na gumawa daw nito pero limot ko na kung bakit.
- Almost 11PM na at nag-aakit si Kenneth manood ng Ozarks.