- Ang fun makipaglaro sa mga kitties lalo nowadays kasi ang active na ni Cashew. Dati SOBRANG TAMAD. As in kahit anong cat toy hindi nya papansinin. And pag swerte ka, aabot-abutin nya lang yung laruan pero mags-stay lang sya sa pwesto nya. Hindi nya susundan at hindi man lang sya tatayo. Ngayon sobrang ligalig na kaya ang saya. Hindi sya magiging obese.

- At last natapos din sa mga request nung mga pinsan at pamangkin ko na i-drawing ko daw sila. Makaka-move on na ko sa portraits at makaka-focus sa pagaaral magdrawing ng backgrounds and sceneries.

- Productive ako today in terms of homemaking. Ang dami kong inayos na drawers at ang saya sa feeling.
- Nagluto ako ng spaghetti. Hindi pinoy spaghetti for a change. Store bought marinara, sausage, bacon, spinach and parmesan cheese. Sarap.
- Medyo badtrip ako sa Coin Master kasi naubos yung spins ko.

- Nag-binge ng podcast ni Saab and Jim. Feeling ko kelangan kong ulitin kasi hindi ko na-note yung mga words of wisdom.
- Received 3 orders today! Nung minsan 7 orders yung pinack ko. Medyo nagiimprove naman yung sales ng shop.
Ang dami naman palang magandang nangyari ngayon. Nakakaasar kung bakit ba ko nagffocus sa maliliit na bagay na kinaaasaran ko. And since yun yung last na feeling na nararamdaman ko, parang nasira na tuloy yung buong araw. I need to be more in control of my emotions.