Categories
Art Career Life

June 2020 Updates

Medyo madaming happenings compared sa mga nakaraan na linggo. Diba nag-apply ako sa Digital Media Design program. At medyo mabusisi yung requirements nila so big deal makapasok dun. Nagsubmit ako ng mga drawings, logo, game cover design, etc. So in short, nakapasok ako. At sabi nung ibang applicants, marahil daw isa ako sa mga matataas ang scores kasi isa ako sa mga naunang i-e-mail. Di na ako nagtaka. Jooooke.

Pero ayun nga. Nang dahil sa COVID, ito yung first time na gagawin nilang online yung program nila. Hindi pa din pwedeng magbukas ang mga schools. At dahil sa fact na yun, nawalan ako ng gana na tumuloy. Sobrang excited ako nung una pero kung pure online lang yung mangyayari, naisip ko na hahanap na lang ako ng ibang online courses at mag-self study na lang ako. Mas mura pa. Ang reason ko naman bakit gusto kong makapasok dun sa program ay hindi dahil para magkaron ako ng diploma na mailalagay ko sa resume ko. Ang rason talaga ay gusto yung sense of collaboration kapag nasa isang classroom kayo. Makikita ko yung gawa nila, matututo ako sa kanila, tapos may konting competition. Feeling ko yun ang makakapagpa-motivate sakin. Pero kung nandito lang ako sa bahay at solong gumagawa ng projects, bakit pa ko mageenroll. Hindi sulit. Tapos hindi pa nagbaba yung tuition. Ipambibili ko na lang ng magandang computer yung ipangti-tuition ko sana. So yun ang decision ko. Agree naman si Kenneth.

Ang mga supposed classmates ko na very Gen Z

Isa pa pala, since first time nga nilang gagawin na online ang lahat, parang magiging experimental ang year na to sa kanila. So wala ako masyadong tiwala na smooth and organized ang lahat sa end nila. Basta hindi talaga to yung ineexpect ko. Nakaka-disappoint. Pero ang good news pa din, nakapasok ako! Nakaka-validate lang. Kasi out of 100+ na nagsubmit ng portfolios nila, isa ako sa mga natanggap. At nakita ko yung mga gawa nung ibang applicants, magaling din yung iba tapos yung iba sakto lang.

Sobrang daming resources ngayon online at may mga magagaling na artists na hindi naman pumasok ng art school. Ang kalaban ko lang talaga dito ay yung katamaran ko. Ang tamad ko kasi. Hays. Minsan pag nanonood ako ng online courses aantukin ako agad. Ang dali na maglaro na lang ng Coin Master or manood ng Modern Family sa Netflix. Please naman sana naman wag na akong magpadala sa katamaran ko. Ilang beses ko na to sinulat dito. Nakasalalay ang kinabukasan ko dito.

Speaking of Coin Master, adik na adik kami ni Kenneth sa Coin Master. Mobile game sya na inintroduce ni Nick samin. Ang galing nung gameplay at sobrang naappreciate ko yung graphics at illustrations dun sa game. Kaya naman nung unang araw ng paglalaro ko, nagising ako ng 7am tapos hanggang 3pm naglalaro pa din ako. Halos hindi ako nakakain ng maayos kaka-spin. At isa pa pala, ang saya din nung community ng Coin Master players sa Facebook. Ang supportive nung mga players. Okay tama na ang tungkol sa Coin Master.

Say bye to your balls Cashew

Isa pang balita, pinakapon na namin si Cashew nung isang araw. Nakaka-stress kasi nagkaron ng complication. Kaya awang awa ako kay Cashew at naiyak. Nagdadalwang isip tuloy ako kung dun pa namin ipapa-spay si Walnut at baka ang bulok nung clinic na yun. Mabuti naman at nakaka-recover na sya ngayon. Wala nang masyadong dugo sa incision site. Ang nakaka-stress lang ngayon ay ang sungit ni Walnut kay Cashew. Nagtataray pag nakikita si Cashew. Kasi nga sensitive ang pangamoy ng pusa at dahil galing sa vet si Cashew at meron syang wound, iba yung amoy nya para kay Walnut. Hindi narerecognize ni Walnut yung kakaibang amoy kaya feeling nya intruder si Cashew. Sana naman ay magbati na yung dalwa bukas kasi ang hirap din lagi ka dapat nakabantay tapos hindi pwedeng nasa isang kwarto lang sila. Kahapon kasi kinalmot ni Walnut si Cashew sa muka buti hindi tumama.

Still a cutie with his cone on

So ang plan of action ko ngayon, manood ng manood ng online courses, matuto, i-apply ang natutunan at mag-drawing ng mag-drawing as much as I can. Kung gusto kong makatipid, yan dapat ang mga gawin ko. Sisimulan ko na after nitong post ko na to. Kung kailan 11pm na itutulog na. Hay nako.

Ito ata ang pinaka-mahal na cookie na natikman ko pero isa sa pinakamasarap (if not the best)
Categories
Life

Down Down Down

Ang down ng pakiramdam ko ngayon. Parang ilang araw na ata. Nag-pause kasi. Naging ok ako tapos ngayon ganun nanaman. Eh malamang alangan laging masaya. Pero ang sama lang talaga sa pakiramdam pag dumadating yung mga ganitong araw na pakiramdam mo ginagawa mo naman yung kailangan pero walang nangyayari. Nakakapanghina ng loob. Pakiramdam mo hindi na magbabago kung ano mang nangyayaring hindi maganda. Sumasakit tuloy ang ulo ko.

Minsan talaga kapag ganito yung pakiramdam mo, nakakalimutan mo na magiging okay din ang lahat. Na hindi pa naman katapusan ng mundo (hindi ba talaga? hello covid). Para sa isang pessimistic na katulad ko, ang hirap maging optimistic. Pag maganda nga ang nangyayari naiisipan ko pa din ng negatibo, ano pa kaya kapag ganitong malungkot. Kaya eto nagsa-soundtrip na lang ako (currently playing: big big world by emilia).

Gusto ko lang magsulat dito ngayon kasi nakakatulong talaga pag naglalabas ako ng sama ng loob sa kawalan. Kahit 99% na walang makakabasa nito, nakakatulong kahit papano. Minsan nga mas therapeutic pa to kesa mag-share ako sa ibang tao. Kasi kapag sa ibang tao, may certain expectation ka sa isasagot nila para mapagaan yung pakiramdam mo. Eh pano kung tinawanan ka lang o na-sense mong wala naman silang pakealam, eh di madidisappoint ka lang. Baka lalo ka lang malungkot. At least kapag dito, nami-meet yung expectation ko kasi wala akong ineexpect na sagot. Gets ba.

Anyway, kulang din kasi ako sa tulog. Alas-tres ng madaling araw na ko nakatulog kakapanood ng Youtube tapos ang walang kwenta nung pinapanood ko. Gusto kong bawiin yung isang oras na panonood ko ng walang kwentang video tungkol sa isang Youtuber. In short, chismis. Ang sama din talaga pag di mo makontrol yung sarili mo minsan. Alam mo namang basura yung pinapanood mo pero di mo mapigilan. Pag gising ko tuloy, lambot na lambot ako tapos ang sakit pa ng ulo ko. Pagkakain ko natulog ako ulit. Halos kakagising ko nga lang ulit ngayon (time check 5:46pm) at diretso ako dito sa office para gumawa ng something productive. Pero pinaalala nanaman sakin yung rason kung bakit ba talaga ako nasstress kaya napunta ako dito sa blog ko. Para maglabas ng negative chakra.

Inaantay ko lang si Kenneth matapos mag-vacuum at maghahapunan na kami. Baka naman gumanda ang mood ko sa bulalo. Siguro dahil ilang days ko na din hindi nakakausap ang mga Mama. Matawagan nga.

Categories
Life Pilipinas

Magasin at Kumot

I was listening to this podcast (Wake Up with Jim & Saab) and I just felt a sudden surge of nostalgia. Parang nabalik ako dun sa highschool days. Kahit hindi naman sobrang perfect ng highschool life ko, it gives me a certain level of comfort and warmth. Kaya siguro napaka sentimental kong tao, bigla ko na lang naaalala ang mga bagay bagay.

Nung highschool ako, isa sa mga pastime ko ay magbasa ng magazines. Una Candy then naging Seventeen then Cosmopolitan nung college. Pero mas nag-eenjoy ako sa Candy and Seventeen. Dito ako super na-fascinate sa buhay sa Manila. Nakakapasyal kaming Maynila oo pero yung dun ka mismo titira, parang yun yung wini-wish ko nung mga panahon na yun. Sobrang ganda ng perception ko sa Manila that time. Sobrang oblivious pa ko sa mga krimen na nangyayari at sa traffic, sa pollution, at kung ano ano pa. Basta kung ano lang yung nababasa ko dun sa magazines (which is mostly good and fun), yun lang yung pinipili kong tanggapin about Manila.

Tanda ko nung may nabasa kong article about sa the best chocolate chip cookie, pinunit ko yung page na yun at dinikit ko sa dingding ng kwarto ko (na pinagalitan ako ng Mama kasi masisira daw yung pintura ng dingding pag dinikitan ng kung ano ano). At habang binabasa ko yung article na yun, ang tanging wish ko lang that time ay makapuntang Maynila at pumunta sa Brother’s Burger at umorder nung cookie na yun. Fast forward to mga 5 years, nung nagtatrabaho na ko sa Maynila, at last! Natikman ko rin! Tuwang tuwa ako pero truth be told hindi sya ang the best for me pero sobrang natuwa lang ako kasi naalala ko yung highschool self ko na pinunit yung page ng magazine at dinikit sa dingding.

Nakita nyo ba yung cookie article
The caption πŸ˜†

Bukod sa food and fashion (which is hindi ako masyadong interested kasi lagi lang akong naka-pants and t-shirt nung highschool and college), meron ding mga articles na madidiscover mo yung iba-ibang adventures ng iba ibang tao na nasa ibang lugar. Ang interesting lang.

Sobrang na-miss ko tuloy sa Manila. Almost 6 years din akong tumira dun. At kahit na-holdap ako dun at nasungitan ng mga kung sino-sinong tao na kala mo kung sino, nakaka-miss pa din talaga. Na-miss ko yung ingay. Dito kasi masyadong tahimik. Parang sobrang kulang. Kulang sa personality yung lugar. Oh well. Pero ang sarap lang mag-reminisce. Parang limot ko na yung mga unpleasant encounters. Puro masasaya yung naaalala ko. Feeling ko ngayon may comfy blanket na nakabalot sakin. Although ibang iba na sa Maynila ngayon dahil sa pandemic, ayaw ko munang isipin yun for once. Let me have this blanket. It’s what I need right now.

Categories
Art Career

Art Binge

Nowadays, sobrang nagbi-binge ako sa anything art related na makita ko sa IG and Youtube. Tapos nagsupport pa ko ng mga artists sa Patreon. Nagiisip nga ako kung gagawa ba ko ng creator account sa Patreon pero for sure naman walang magiging interesado. And isa pa, wala naman akong maisip na content na worthy ng money nila. Btw, Patreon is a platform to support artists by subscribing to their paid content. And actually kung tutuusin affordable lang sya kasi may iba-ibang tiers. As low as $1, magkaka-aaccess ka dun sa ibang content. Pero the higher the tier, syempre mas valuable yung maa-access mo.

So currently, andun ako sa $10 tier ni Samantha Mash and Sara Faber tapos nasa $5 tier ako ni Janice Sung. Sila yung mga idols ko ngayon at kino-consume ko yung past posts nila simula nung nag-start sila ng Patreon nila. And meron ding artist like si Samantha Mash, may sticker freebies na exclusive lang sa “patrons” nya. So patrons yung tawag saming mga supporters.

Kaya ako na-engganyo magsubscribe kasi yung paid and exclusive content nila, merong thorough tutorials ng illustration process nila. And sobrang curious ako dun. At meron pang business related tips and advice. So yun yung mga kailangan ko ngayon dahil wala akong ibang source of info. And dito sa platform na to, sobrang generous talaga nila sa information.

Si Sara Faber yung bini-binge ko ang content ngayon. More than a year na kasi syang nasa Patreon and sobrang dami na nyang na-produce na content. May blogs, vlogs, tutorials, step by step process, weekly updates, ang dami talaga. And meron na syang 1k+ patrons. Ang galing nya and parang super sweet and bait nya. Worth it yung money. So yun lang halos yung ginawa ko maghapon.

Was able to finish this yesterday!

I’m happy dito sa latest creation ko. Mas gusto ko sya kesa dun sa huli. The colors, shadows and highlights mukang nag-improve naman. Kaso sobrang ngalay yung kamay at braso ko kaya pahinga muna ngayon. 8 hours yung total tracked time so sana sa next mas bumilis ako. Kasi kung commission to, mga USD200+ siguro isisingil ko dito. And hindi ganun kasulit yung 8 hours sa $200 ngayong nandito na kami sa Canada. Kung sa Pinas ang laking pera na ng $200 pero iba ang cost of living dito so sana mas gumaling pa yung skills ko para mas bumilis ako. And to give context, meron kaming grocery shopping (lalo na pag sa Asian store) na ang total babayaran namin nasa $150. Tapos hindi naman ako bumibili ng mga kung ano-ano. Sakto lang. So yung $200 parang ang liit na para sakin. Eh kung sa Pinas yun tapos icoconvert eh di around 10k pesos. Aba mga sampung groceries na yun! Oh well. Lagi na lang ako sinasabihan ng mga tao na “Wag ka kasing magcoconvert!” Ay sa hindi ko mapigilan.

Ay. Naalala ko. Hindi dumating yung package ko. Ngayon dapat yun dadating ba’t kaya hindi dumating. Umorder kasi ako ng backing cards para sa shipping ng stickers ko. Excited pa naman akong makita. Umorder din ako ng stickers ni Samantha Mash hindi pa dumadating. Shipped from US kaya siguro medyo matagal. Sana bukas dumating na.

Ok yun lang. Back to binging na ko. Nasa January 2019 na ko ng posts ni Sara so medyo madami pa. Bukas try ko mag-drawing ulit. Medyo wala din kasi ako sa mood ngayon. Tapos sumakit pa yung dibdib ko kanina hindi ko alam kung bakit. Basta may mga episodes akong ganito na bigla na lang kikirot tapos mawawala after a few minutes. Medyo nakakatakot nga baka heart problem kasi may mga times din na basta parang may naffeel ako sa pagtibok ng puso ko (arrhythmia) tapos bigla akong mahihilo and mahihirapan huminga. Hays ano nanaman kaya to. Kailangan ko nanaman i-remind ang sarili kong mag-healthy living.

UPDATE:

Still reading through Sara Faber’s blog posts and it’s making me feel bad kasi ang problema nya eh sobra syang overworked. Na sobrang stressed sya kasi ang dami nyang nagagawa sa buong araw and mentally drained na sya. Tapos ako naman ang problema ko feeling ko ang chill ko naman masyado. Na parang napasobra naman yung pagrerelax and destress ko. Ewan ko. Actually hindi talaga yun ang feeling ko (gulo), feeling ko ang busy busy ko everyday pero kung ibabase ko yung pagka-busy ko sa napproduce kong art, unproductive ako. Pero kung i-eevaluate ko yung araw ko, hindi nga ako masyado nakakapanood ng Netflix. As in parang twice or thrice a week lang. Pero ang takaw ko sa IG at Messenger. Hindi lang talaga siguro ako magaling sa time management. Subukan ko nga gumawa ulit ng schedule.

Categories
Art

Puyat Everyday

Lately, lagi na lang akong 2 AM or 1 AM natutulog. Kasi nagsisimula yung mood kong mag-drawing and gumawa ng anything art related pag tapos na si Kenneth magtrabaho. So mga 5 PM sya matatapos, dun pa lang ako magsisimula. Kaya parang nanlalambot ako netong mga nakaraang araw. Tas wala pa kong exercise nga kasi kung ano ano nanamang sumasakit sakin. Kakawalang gana tuloy.

So feeling ko kelangan kong magbago ng routine. Kasi kahit isipin ko na productive naman ako kahit puyat ako, eh hindi naman maganda dahil baka kung ano nanamang maramdaman ko, mas makakasama pa in the long run. Kaya ngayon matutulog ako ng maaga. Mga 10:30 PM matutulog na ko. Tas sa mga susunod na days aagapan ko pa.

Anyway, excited na kong dumating yung washi tapes na inorder ko sa manufacturer. Apat na designs yun so nakakatuwa na makita yung designs ko sa ganung klaseng product. Sana maganda ang kalabasan. Bukas padating din yung order ko na backing slash thank you card para sa mga future orders. Mas professional na syang tingnan pag may ganun. Inutang ko muna sa savings namin yung pinambayad dun so sana naman kumita. Ang dami pa namang kompetensya na washi tapes sa Etsy tapos mas mura. Bahala na. Buti medyo mura lang naman kasi direct manufacturer.

Nakakainggit yung ibang artists na idols ko sa IG, talagang halos araw-araw sila nakakapag-drawing. Ako depende sa mood so ang konti ng napproduce ko. Ang hirap talaga pag innate na tamad. Naffrustrate ako sa sarili ko.

Drawing ko kahapon. Sana ganito everyday.

PS:

11:35 PM na. Matutulog na talaga ko. Toothbrush muna. Nakapag-drawing naman ako kahit papano.

Categories
Art Life

Productivity

Nung last day ng April ni-log ko yung ginawa ko sa isang buong araw para ma-check kung productive ba ko. Kasi nga feeling ko parang ang konti ng nagagawa ko simula nung nag-freelance ako. So ito ang kinalabasan:

7:10 am Woke up

7:15 am Pooped

7:30 am Nagiisip ng gagawin kung magw-workout

7:40 am Food prep

7:45 am Workout

8:05 am Rest

8:30 am Vacuum

8:45 am Prep and cook (with social media in between kasi pinapakuluan pa yung sopas)

9:45 am Ligo while sopas is cooking

10 am Continue cooking

10:20 am Brunch

10:40 am Impis dishes + laundry

11:10 am Chill

11:35 am Work (ended up journaling)

12:15 pm Figure out what productive thing to do (ate sopas)

12:40 pm Chill

1 pm Work (Etsy store, new listings, business social media posts)

4 pm Chill and eat

5 pm Piano

5:55 pm Chill

7 pm Work (new designs + future plans)

9:45 pm Chill

10:45 pm Zzzz

So ico-compute ko yung hours na productive ako and chill lang. Pero eto ang gusto ko sa freelance. Magbbreak ako kung kelan ko gusto. Hindi katulad sa office na minsan sasapit ang 10 or 11 am tapos antok na antok na ko pero hindi ako makapag-break dahil 12 pm pa ang lunch break ko. Tapos 30 mins lang yung lunch break. Okay so eto ang kinalabasan:

  • Work – 5 hrs 45 mins
  • Chill – 3 hrs 55 mins
  • Homemaking – 1 hr 40 mins
  • Eat – 1 hr 45 mins
  • Self care – 2 hrs 10 mins
  • Daily routine – 30 mins

Hindi ako ganun kasaya sa work hours ko pero since araw-araw naman ako nagttrabaho (including weekends), okay na siguro ang 6 hours a day. Pero siguro yung chill hours ko need kong bawasan ng konti, gawin kong mas productive like reading or learning a new language. Yung sa pagkain ko talagang mabagal na ko kumain ever since so normal na yan. So mukang ang need ko lang i-adjust is yung chill hours. Kahit reduce lang to 3 hours kasi hindi ako pwede nang nas-stress dahil nga ang dami kong health issues.

Ang saya palang mag-keep track ng daily activities. Gagawin ko uli to bukas.

Si Cashew na laging tulog pero sobrang ingay pag gising
Categories
Life

Favorite Conversations #2

Hindi ko na alam kung anong pinapanood namin basta ginaya nya yung sinabi nung actor na:

β€œI appreciate you.”

Tapos sinundan nya ng:

β€œYou’re the best wife ever.”

Di ko napigilan yung luha ko 😭❀️

Categories
Insights

Motivation Hack #1

Haha eto nanaman ako sa blog series ko. Masundan kaya tong ‘motivational hacks’ ko na to. Basta may nadinig kase ako sa isang podcast na sobrang na-inspire ako and up to now nag-stick sya sakin.

Sya daw ay everyday pumupunta sa gym. So tingin siguro ng mga tao sa kanya ay “this guy enjoys working out”. Pero hindi daw. Sobrang hate daw nya mag-gym. Pero kaya pa din nya ginagawa is kasi yun yung type of person na gusto nyang maging β€” a person who goes to the gym. And that keeps him going. So yun. Kaya everytime tinatamad ako o ano man (whether drawing, reading or exercise), naiisip ko yun lagi.

So yun lang ang motivational hack for the day. Sobrang kelangan ko ng mga ganito kasi nga fulltime freelancer na ko. Hindi ako pwedeng parelax relax lang. Okay goodluck!

Categories
Life

Dendereren dereren

Okay so. Sobrang excited ako ngayon kasi binili ko yung digital piano ng pinsan ko at dadalhin daw nila dito ngayon. Yahooo!! Sobrang tagal ko nang dream (as in grade 1 pa lang ako) na magka piano. As in ito yung isa sa mga pinaka-aasam asam ko. Digital lang sya pero para syang the real thing. I have been a keyboard snob (naks) kasi para syang laruan pindutin. Since clasically trained ako (sobrang yabang pakinggan nakakajirits), never ko naenjoy magpiano sa keyboard. Pag piano kase, mejo may resistance yung keys (or tiklado). Unlike sa keyboard na soft yung keys. At kahit yung mga piano teachers ko din ang nagsabi hindi daw ako gagaling magpiano sa keyboard/organ. Pero dito sa digital piano, matigas syang pindutin hindi parang laruan. Kaya nung na-experience kong tumugtog dun, sobrang sayo ko! Ang mahal kase ng totoong piano and kahit may pambili ako non, hindi naman yun pwede dito sa maliit na apartment. Pano pati iaakyat yun. So nung nadiscover ko sa pinsan ko tong digital, medyo abot kaya and para na din syang the real deal.

So eto na nga. Tinanong ko kse yung pinsan ko magkano ang bili nya dun sa kanya. Nasa 50-55k daw. Tas biglang sabi, β€œWanna buy mine instead?” Tapos half the price daw. Say whaaat? Yayayayayay!! Eh halos hindi nagamit yun. Alam ko kse 6 months kaming nakatira sa kanila dati. Yeheyyy! Sana wag maudlot at dumating na talaga mamaya.

And sa sobrang excited ko, umorder na ko sa Amazon ng piano books a few days ago.

Thanks sa Amazon gift card from our bank

Hays I can’t wait! Kaya siguro hindi pa ako makaligo ngayon. Mamaya siguro tatawag na yung tito ko para sabihing on the way na sila. Hihihi. Hay feeling ko maiiyak ako mamaya. Huhu ang saya kooo 😭

UPDATE:

Sobrang saya ko 😭😭😭
Categories
Canada Food Pilipinas Wellness

Cooking Skills + Virus

Lately, sobrang nahihilig akong magluto at magbake. Hindi ko sure kung nahihilig ba o kelangan lang kasi wala naman ibang magluluto dito. Sino bang madaming free time saming dalwa, syempre yung walang trabaho. Pero parang mixed na hilig at no choice kase natutuwa din naman ako lalo na pag masarap yung gawa ko (which is 90-95% of the time). Yun eh sa panlasa ko lang ha. Baka kay Kenneth lang pumapasa yung luto ko. But nevertheless, na-upgrade talaga yung cooking skills ko habang tumatagal and lalo ngayon na mas napapadalas ang pagluluto ko. Exhibit A to C:

Crispy pork binagoongan. Sarap!
Chewy chocolate chip oatmeal cookie. Ang sarap!
Lomi. Sabi ni Kenneth masarap pero sakin sakto lang.

Tapos thank you saking Etsy shop, hindi zero ang nacocontribute ko sa household na to. May ilan pa din na bumibili ng stickers despite of COVID-19. Madaming nagsu-support sa mga small businesses. Pero syempre, konti lang ang kinikita ko dun. Kelangan ko pang mag-isip ng ibang source of income. Sa ngayon, pagiging illustrator na talaga ang tina-target ko. May special place pa din sakin ang graphic design pero mukang nage-enjoy akong magdrawing nowadays. We’ll see kung sa ang punta nito.

My messy desk

And konting balita lang sa mga nangyayari ngayon para sa future self ko pag binalikan ko tong post na to:

  • Pataas pa din ng pataas ang cases ng COVID-19 positive. Sa Pinas, naka-lockdown pa din sila and mukang maeextend pa din ang quarantine. Dito naman sa Canada, specifically sa Manitoba, pwede naman lumabas pero strict ang pag-observe ng social distancing.
  • Isa sa mga struggles nila sa Pinas ay ang pagbili ng pagkain. Kung san makakapag-grocery. Tapos may schedule din kasi ang pag-labas. Ang Papa naman, ang struggle nya ay kung pano makakatiis na wag umalis ng bahay. Napagalitan ko nga nung minsan kasi lumabas daw tapos naginom. Sinumbong sakin ni Tricia. Eh di chinat ko pinagsabihan ko. Pero sineen lang ako hehe. Baka tampo sakin.
  • Yung isa sa mga pinakamasaklap na nabalitaan ko eh yung mga bangkay na nakatambak lang sa hallways ng ospital kasi hindi na kasya sa freezer sa sobrang dami. Grabe yung video nakakapanindig balahibo. Grabe talaga. Kaya Papa please wag kang makulit. Kasi kahit sabihin na ayos kami dito, hindi ka naman masasatisfy ng ganun kung alam mong yung mga kamaganak mo sa Pinas ganun ang sitwasyon. Hays. Kung pwede lang talagang dito na kami lahat.
  • Madaming galit sa gobyerno at madaming nagaaway-away.

Okay wala na kong maisip. Hanggang sa muli.