Kamikazee! Sa Friday na yung concert nila tapos yung binili naming ticket, may kasamang meet and dine two days before the concert date. So ngayon yung meet and dine at excited akong magpa-pic kay Jay at Jomal.

Na-late sila ng 1.5 hrs pero ok lang. Kumain na kami habang naghihintay sa kanila. Sulit na sulit yung additional charge for the meet + dine kasi buffet yung dinner tapos ang sarap ng food. Sarap nung kare-kare at shanghai! Naiinis ako nung nabubusog na ko kasi ang dami ko pang gustong kainin.








