Categories
Career

Best Interview Experience

Finally tapos na ang mga interviews ko! Makaka-relax na ko ng maigi. Naka-tatlong interviews ako the past two weeks tapos may online assessments pa. Hays sana naman matanggap ako. Kahit isa lang dun sa in-applyan ko okay na. Mas okay sana yung isa kasi parang 6 months lang sya tapos pag di na ulit sila busy, end of contract na. Parang di pa ko ready maging regular employee. Tsaka kung matapos yung 6-month contract ko, may mari-receive pa rin ako na financial assistance from the government kasi hindi naman ako nag-resign, tinanggal nila ko. So that’s the plan.

Kahit medyo sablay ako nung pahuli, best interview experience ko yung kanina. Kasi we talked about books ng very slight! Parte ng plano ko na i-mention yung book club pag tinanong sakin yung question na “What’s your weakness?” (di ko na i-explain kung pano ko na-maneuver yun). Tapos sabi nya, “Off topic, anong book yung nagustuhan mo recenlty” (English yung question pero tinatamad na ko alalahanin) May dalwa akong naisip isagot pero nalimutan ko yung titles! Grr. Ngayong na-Google ko na, ‘The House in the Cerulean Sea’ or ‘Stardust’ yung gusto kong isagot. Pero since ayokong magkaron ng mahabang dead air, ‘Where the Crawdads Sing’ yung sinagot ko. Naging favorite ko rin naman yun so okay lang.

It turns out, mukang mahilig din magbasa yung interviewer kasi nabasa nya rin daw yun! Binanggit ko na di ko pa napapanood yung movie. Sabi nya napanood na nya at sakto lang daw, mas maganda raw yung book (lagi naman 😄). So yun ang saya lang. Medyo nawala kahit papano yung kaba ko. Tsaka hindi super formal yung interview. Hindi sya puro tanong. Nagshe-share din sya ng mga thoughts nya. Sana ma-hire ako haha!

Siguro naman mawawala na yung anxiety ko kasi tapos na. Waiting na lang sa results. Pag di ako natanggap, eh di maghahanap ulit. Pero sana matanggap kasi excited na kong sumahod ulit. Excited na kong kumita ulit ng pera. Yung twice a month may siguradong papasok sa bank account ko. As much as gusto kong maging artist forever, hindi pa sya sustainable for now. So pagsasabayin ko na ulit ang office work at art work. Souhaite moi bonne chance!

Mon dîner 🤍
Advertisement

2 replies on “Best Interview Experience”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s