Categories
Happy Things Life TV

Happy Things #11

Ang tagal na pala nung last ‘Happy Things’ ko. One month ago na. Ang dami nang nangyari. Sana maalala ko pa. Siguro unang-una:

I Got My Refund!

Nabalik na sakin yung pinambayad ko sa French classes! Malaking halaga sya at may 5% sa isip ko na baka di na mapabalik sakin. Kasi baka hindi naman totoo yung promo nila. Baka pang-hikayat lang nila para mag-enroll ang mga tao. Pero iniisip ko na lang, madami naman akong natutunan at nag-improve talaga ko. Pero totoo ngaaa! Binalik nga nila! Mga 3 months siguro akong nag-aantay pero finally andito na. Yayyy!

My First Concert Experience

Nakailang ulit na ata ako dito 😂 Pero hindi ko sya pwedeng i-leave out sa ‘happy things’ list ko. Basta andito yung full experience ko sa concert ng Kamikazee.

Tapos nakita ko sa IG na may come back concert ang Blink 182! Di pa namin napaguusapan ni Kenneth pero for sure gusto nya rin. Magkano kaya ang tickets..

TFC

Meron na kaming Cinema One! Tapos meron din nung mga lumang movies ni Jolina Magdangal, my grade school idol. Ang nostalgic ng feeling. Tsaka naiibsan nya talaga somehow yung pagka-miss ko sa Pilipinas kasi eto yung usual na naririnig kong pinapanood ng mga magulang ko, lolo at lola ko. Minsan nga hindi naman talaga ko nanonood pero gusto ko nasa background lang sya. Ang comforting nya sa tenga.

Klasik

Films and Shows and Podcasts

Eto yung mga na-enjoy kong panoorin the past month aside from Jolina movies:

Films

Mulan | Disney Movies
Turning Red | Disney Movies
Thor: Love and Thunder (2022) - IMDb
Billie Eilish: The World's A Little Blurry — Official Trailer | Apple TV+ -  YouTube

Shows

Watch The Kardashians | Full episodes | Disney+
Moon Knight (TV Mini Series 2022) - IMDb
New 'House of the Dragon' poster shows off Rhaenyra's dragon Syrax | EW.com

Podcasts

Spiraling Higher | RedCircle
Wake Up With Jim & Saab | Podcast on Spotify

Telebabad

Sarap ng kwentuhan namin ni Arien. Naka tatlo’t kalahating oras kaming magkausap. Feeling ko kaya pa namin ng mas matagal eh. Sa daldal ba naman namin.

Naalala ko yung college memory na seatmates kami sa bus papuntang Maynila kasi field trip namin. Mga ilang oras din ang byahe at non-stop talaga yung kwentuhan namin. Di kami nauubusan.

Parang dito lang sa blog ko, di ako nauubusan ng kwento. Dami ko pa ngang naka-pending na posts na di ko pa nasusulat. Tapos meron akong 46 posts sa drafts ko na hindi ko na siguro mapa-publish ever kasi ang outdated na.

Finished a Book

I-highlight ko na lang kaya yung buong book

Nakatapos rin ng libro sa wakas! Ang saya basahin ng book ni tita Oprah kasi ang dami kong wisdom na napulot. This book is called ‘What I Know for Sure‘. Mapapa sanaol ka na lang kasi parang naabot na nya ang self-actualization, the highest level in Maslow’s hierarchy of needs.

Late Night Trip

Sama si Cashew 😍

Sobrang rare mangyari na ma-convince ko si Kenneth na lumabas ng gabi para bumili ng impromptu snack. As in first time nga ata ‘to nangyari. Nakakatuwa lang kasi medyo nagiging carefree na sya. Kasi kung yung dating Kenneth, ang dialogue nya ay, “Gabi na.” Pero kung iisipin mo, ano naman? Di pa naman tayo matutulog, may gasolina naman yung sasakyan, wala naman tayong ibang iniisip at this moment kundi tayo lang, bukas naman yung tindahan, etc. Haha bigla tuloy bumalik yung frustration ko pero babalik ako sa present. Mas nagiging loose at easygoing na sya and I am here for it.

Categories
Ramblings TV

Fake Twitter #10

Kakatapos ko lang panoorin yung Soul 🥺 Buti na lang aksidenteng nag-renew yung Disney+ namin. Nalimutan kong i-cancel.

Categories
Insights Life Ramblings

Hocus Focus

Umagang umaga, may nagpapa-bad mood sakin. Pinipilit kong wag dibdibin ang mga comments kasi wala naman silang kwenta sakin. Pero eto, affected ako. May internal struggle. Nangingibabaw ang ego. Naglalaban yung feelings at rational thinking ko. So dinadaan ko sa pagsusulat. Baka makatulong.

Categories
Happy Things Insights Life

Autumn

Few weeks ago, nagsisimula nang maging yellow-brown-orangey ang mga dahon. Madami kasing puno sa harap ng apartment namin kaya nawi-witness ko talaga ang pagbabago ng panahon. Tapos kanina, as in ilang minuto pa lang ang nakakalipas, napatingin uli ako sa bintana tapos ang dami na talagang yellow-brown-orangey leaves. Napangiti ako kasi gustong gusto ko talaga ang autumn. Lalo pa at wala namang 4 seasons sa Pilipinas. Nakikita ko lang sya sa movies tapos na-i-imagine ko yung coziness at yung atmosphere.

Categories
Life

Maputik

UGHHHH… AARGHHHH!!

I think I need to sort my muddy brain. I don’t like this feeling. Parang ang dami kong kelangan gawin na hindi ko ginagawa. Parang ang daming loose ends. Hindi nakaka-contribute yung mga kalat sa bahay so kelangan ko rin mag-impis. To do:

  • Itapon ‘tong box na ‘to
Categories
Career Insights

Carrot, Egg or Tea Bag?

A few days ago, sobrang discouraged ako kasi wala ako masyadong sales sa sticker shop ko. Kung meron akong one thing na gustong mangyari sa future, yun ay maging successful ang sticker shop business ko. But apparently, it’s not happening. So yun, malungkot, ang daming doubts.

Podcast notes
Categories
Ramblings

Lasapin ang Umaga

Yayy. 7AM na ulit sumisikat ang araw! (di tulad nung mga nakaraan na 5AM)

7:02 AM

Everytime sisilip ako sa bintana namin at ito ang makikita ko, nagla-light up talaga yung mata ko at napapanganga sa tuwa. As in every. single. time. It’s impossible to get used to sunrise and sunsets.

Categories
Ramblings

Fake Twitter #9

Nalilito ako kung PMS ba ‘to o talagang malungkot lang ako.

Categories
Happy Things Throwback

Kazeefest

Concert day! Ang dami ko nang na-witness na friends at kakilala na naka-attend na ng concert or music festival. Yung bunso nga naming kapatid naka-ilan na. Kaya parang for me, as a 33-year old music lover, medyo na-late ako. Pero it’s never too late naman. And I experienced it for the first time nung Friday!

Categories
French Ramblings

Random Things Today | I Try to Blog in French #10

Un de mes autocollants préférés
One of my favorite stickers

Il fait froid aujourd’hui. C’est refreshing parce que c’etait chaud ces dernier jours. Je viens de finir de faire des autocollants pour ma boutique et maintenant, je vais regarder des series ou un film to chill.

It’s cold today. It’s refreshing because it was hot the last few days. I just finished making stickers for my shop and now, i’m going to watch some series or a movie to chill.