Yayy. 7AM na ulit sumisikat ang araw! (di tulad nung mga nakaraan na 5AM)

Everytime sisilip ako sa bintana namin at ito ang makikita ko, nagla-light up talaga yung mata ko at napapanganga sa tuwa. As in every. single. time. It’s impossible to get used to sunrise and sunsets.
Nandito pa rin ako sa bintana. Nakaabang sa pagliwanag. 7:16 daw ang sunrise sabi sa weather app, 7:03 pa lang. Dito muna ako.

Nagiging orange na rin yung bandang taas. May lumipad na ibon. Sumampa si Cashew sa lamesa.

Unti unti nang lumiliwanag.

Sinamahan ako ni Cashew mag sunrise watching. Aww sweet namin.

Ang dami nang sasakyan sa labas. Ingat pagmamaneho!

Nilalasap ko pa rin ang umaga. Ang tahimik. Ang sarap tumunganga. Eto ba yung sinasabi na “just be”?