Categories
Family Secrets

Thursday Letter #14 | Holiday Funk

You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

Good morning/evening!

Ang nasa utak ko ngayon ay Pilipinas. Kasi nai-imagine ko kung gano ka-festive dun ngayon. Yung ramdam na ramdam mo yung holiday cheer, lalo na sa mga malls. Ang sarap umuwi! Ang tagal ko nang dream na makauwi ng holiday season. Kaso hindi pa matuloy-tuloy. Sa ngayon, magpapatugtog na lang ulit ako ng “Di ba’t kay ganda sa atin ng… Paskoooo… Naiiba ang pagdiriwang ditooo…” like every other December, habang medyo teary eyed.

If we have unlimited funds, we would spend every Christmas and New Year in the Philippines.

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.

Categories
Family Life Pals

Holiday Season 2024

Christmas Eve

Simula nung nag-move kami sa Canada, parang Dec 24 talaga yung Christmas day. Kasi ito yung day na may handaan at games. Samin kasi noon Dec 25 mismo may pakana. After 6 Christmases in Winnipeg, we celebrated this year’s Christmas in a different city with different people. Actually wala kaming planong mag-celebrate kasi sobrang preoccupied pa rin namin sa pag-move. Kung wala pang nag-invite samin, baka nag-takeout lang kami ng pagkain at nanood ng The Voice Season 26. Masaya na kami nun. Pero since naka-receive kami ng invitation from Kenneth’s former dorm mate, mas okay yun kasi makakakain kami ng mas masarap na food hehe.

Categories
Family Life Pals

Holiday Season 2023

What I appreciate about this holiday season is, it was a bit chill. Wala masyadong strong emotions, may stress pero na-manage naman. Similar last year, wala kaming pakana for the New Year. Ang overwhelming na masyado pag nag-prepare pa kami for New Year’s Eve, kasi sunod-sunod ang Christmas parties plus pareho pang December ang birthdays namin ni Kenneth.

Categories
Family Life

Christmas 2022

After 5 Christmases here in Canada, eto ang pinakamasayang Pasko ko. Binasa ko uli ang mga nakaraang Pasko at eto ang summary:

2017 – Last Pasko sa Pilipinas

2018 – First Christmas sa Canada kaya distracted pa (di pa homesick). First time din maka-experience ng white people Christmas party.

2019 – Depressed sa pagka-homesick. Maghapong nagmukmok sa apartment, walang pakana.

2020 – Bumawi. Masaya at buong araw nagluto.

2021 – Neutral. May konting iyak pero may saya.

2022

Dec 24

Categories
Family Life Pals

Christmas 2017

Merry Christmas! Hindi ako masyado na-excite nung mga nakaraang days na malapit na ang pasko. Pero nung nasa mga Christmas parties na ko, dun ko uli naisip na December nga talaga ang favorite month ko. Umuwi kami ng Quezon province for Christmas pero 3 days lang. Bitin nga. Ang strict kasi kila Kenneth bawal basta basta mag-leave. So sa day 1 ng bakasyon namin, umattend kami ng binyag ni Leon.

Day 1 – Dec 23: Leon’s Christening & F Buddies Christmas Party

Andun mga friends namin sina Benson, Dimple, Kat Neric, Mcdo. Favorite kong kasama si Benson pag may videoke kasi pareho kaming pasikat. Baka ganun talaga pag nangarap kang maging famous singer pero hindi ka naman naging ganun so dinadaan mo na lang sa videoke. Nakakatawa pa kasi ang hina nung mic kaya hindi kami mapakali ni Benson. Bothered na bothered kami na hindi naririning ng mga tao yung kanta namin. Pag alis ni Benson, kachikahan ko lang si Dimple and Kat about HS life. Mga naging crush, ex, naka-away, naka-fling, kung sino bang pinakagwapo sa batch na to, mga katangahan, kung ano ano pa.

Tapos nagtext na Xali about sa Christmas party naming F Buddies. Dinadramahan pa namin yung dalwa ni Bong and Nick kasi hindi nagpaparamdam.

Napilitan na sila

Tapos ok na sinundo na ko ni Nick kila Lee. Nagsuggest sya ng videoke so syempre payag na payag naman ako at nabitin ako kumanta kaya napunta kami sa Welkin Tower. Naka-ilang skip kami ng F Buddies Christmas party through the years kaya medyo big deal na natuloy kami netong year with exchange gifts and all.

Ayun masaya lang kami tapos nung pahuli nag iyakan. Nakakatawa. First time ko makita umiyak si Bong. Si Nick siguro mga second time (hindi kasali yung mga fake cries nya). Ako cry baby naman talaga. Si Xali lang ang strong siguro kasi hindi naka-inom. Parang sya lang ang pinaka matinong kausap nung gabing yun. Haha. Almost 5AM na kami natapos. Hindi ko na namalayan ang oras. Si Ian at Kenneth sumuko agad tulog sa kotse. Basta ang mga tanda kong tidbits ng pinagdramahan namin: Pag si Bong ay may gustong i-share about sa life nya, hindi na nya iisipin na babarahin lang namin sya. Tapos si Nick naman, ittry nyang hindi na maging super OA sa pagka-neutral pagdating sa mga opinions nya. Parang yun lang naman ang laman nung ilang oras naming dramahan.

Masaya pose

Day 2 – Dec 24: Diaz Christmas

Siguro mga past tanghali na kami nagising. Sumaglit lang kami sa SM bumili ng gift wrappers tapos pumunta nang Pagbilao. Tumambay lang ng konti at gumawa ng oobleck. After nun, umuwi na ulit Lucena (around 10PM) pumuntang RGR kila Lee, tapos pumuntang bayan kila Lola tapos sa Site kila tito Joey then umuwi na sa bahay. Nasweetan ako sa gift ni Kat Sister kase art related. Super na-appreciate ko. Yung gift ni Kenneth na Kindle (na ako din ang bumili) on the way pa. Super excited na din ako dun ang tagaaal.

Lagot ang dami

Day 3 – Dec 25: Merene Christmas Party

Last day na namin sa Quezon tapos luluwas na din pa-Manila ng hapon. Kelangan umuwi ng medyo maaga para hindi ma-traffic. Pero mga past 5PM na din ata kami nakaalis. Mga past 10AM na ata ako nagising tapos kelangan ko pa magbalot ng mga gifts. Isa pa lang nababalot ko. Pagka gising ko direcho agad ako sa taas para magbalot. Eh 11AM daw kasi kelangan nandun na sa Pagbilao sa mga Mommy. Pagdating namin sa Pagbilao ng mga 12NN, mga tulog ang tao. Sila Ate Gigi pala galing din Manila.

After kumain (sarap nung pata tim at carbonara), games naman. Kahit ang tanda ko na tuwang tuwa pa din ako makisali sa games. Pinaka favorite ko yung musay kasi kahit matatanda agawang agawan. Na-injure pa yung likod ko kasi napasalpok sa kuya. Work from home tuloy ako ngayon. Para akong nabugbog. After games, intermission number ni Illysa. Nagprepare daw sya ng 6 na sayaw (pero sabi nya sakin nung isang araw 4 lang daw so nadagdagan pa haha). Sabi ni Ate Beng2 gabi gabi daw nagppractice ng sayaw si Illysa para sa Christmas party. Haha. After sayawan, gift giving na tapos kailangan na namin umalis. Huhu. Sinisigawan kami ng “Boringggg!”. Ayoko pa talaga umalis pero yun nga, kesa mapagod magdrive si Kenneth baka biglang abutin ng sobrang traffic. Naiyak ang Mommy nung gift giving kasi naaalala ang Daddy. First Christmas namin na hindi kasama ang Daddy. 😔

So yun ang Christmas 2017 namin. Fun and emotional. Injured ako sakit talaga ng likod ko parang feeling ko pa ay kinakapos ang hinga ko. Pagka gising ko lang ngayon saka ko naramdam yung sakit.

Bruised knees every year

Sa Friday ay uuwi ulit kami for New Year naman. Sa Pagbilao naman kami magbabagong taon. Yun ang setup namin. Christmas kila Kenneth then New Year sa amin. Wala pa akong namimiss kahit isang New Year sa bahay kaya sobrang importante sakin ng New Year. Tsaka hindi kasi kami naghahanda ng Pasko, New Year lang talaga. Ang Papa pala hindi ko na nakita nung uwi namin kasi duty, sa New Year na lang daw. Then may slumber party din kami nila Isabelle and Illysa. Haha.