
Christmas Eve
Simula nung nag-move kami sa Canada, parang Dec 24 talaga yung Christmas day. Kasi ito yung day na may handaan at games. Samin kasi noon Dec 25 mismo may pakana. After 6 Christmases in Winnipeg, we celebrated this year’s Christmas in a different city with different people. Actually wala kaming planong mag-celebrate kasi sobrang preoccupied pa rin namin sa pag-move. Kung wala pang nag-invite samin, baka nag-takeout lang kami ng pagkain at nanood ng The Voice Season 26. Masaya na kami nun. Pero since naka-receive kami ng invitation from Kenneth’s former dorm mate, mas okay yun kasi makakakain kami ng mas masarap na food hehe.
After doing more house related errands maghapon, ka-video call ko ang Mama at si Tricia kasi Pasko na dun. Nagchichikahan lang kami tapos biglang may nag-doorbell. Na-curious ako kung sino pero hinayaan ko lang si Kenneth. Nung narinig ko yung, “Hi we’re your neighbors..” sabi ko sa Mama wait lang kasi gusto ko rin ma-meet yung neighbors namin. Tapos ang sweet, may dala silang box of Christmas-themed cookies. Gusto lang daw nilang i-introduce yung sarili nila. Si ate yung nag-bake nung cookies, business nya raw yun—business strategy pala haha. In fairness, masarap. I’m keeping them in mind pag gusto kong umorder. Maganda ring pang-gift in the future.

Noche Buena
Sabi ko kay Kenneth magpa-late kami kasi ayokong mauna kaming dumating. Pero kahit 30 minutes late kami, ang aga pa rin namin. May mga bisita na rin naman na pangilan-ngilan. Inanticipate ko nang madami silang invited kasi madami raw food. Pero kahit ni-ready ko na yung sarili ko sa madaming tao, nakakailang pa rin. Friendly naman lahat plus chinichika kami ni lola. Ang laki daw ng napanalunan nya sa casino haha.
Pagpasok pa lang namin, napansin ko na agad yung food. Ang dami nga! Tapos pagbaling ko sa bandang kaliwa, nakita ko yung lechon. As in isang buong lechon! Sponsored by lola raw yun. Mukang malaki nga ang napanalunan sa casino hehe. Nagpa-house tour din sila kasi bago rin pala yung bahay nila. At this point, I already felt at ease.


Ang dami nilang paganap after magkainan. Sobrang prepared nila sa games and prizes, tapos naglaro din kami ng bingo. Nanalo ako sa blackout bingo so nakuha ko yung grand prize na parol haha. Mahal daw pala yun. Kaso hindi namin alam kung pano isasabit ng hindi guguluhin ng mga kitties kaya baka next year na lang namin i-display.





Akala ko puro kamaganak nila yung bisita, pero may mga friends din pala. Bukod samin, may two extra couples pa, kaya sobrang natuwa din ako dun sa magasawa na host kasi ang thoughtful. Kasi baka yung mga couples na invited nila ay mga wala ring family dito, kaya sinama na nila sa Christmas party nila. Thank you for making our first Christmas in Calgary fun and memorable! 4AM na kami nakauwi. Grabe non na lang ako nakapagpuyat ng ganun. Masyado kaming nalibang paglalaro ng Coup.

A bittersweet and scary Christmas day
Christmas morning, tinawagan ko ang Kuya Jon2 at si Trix kasi hindi ko nasagot yung mga tawag nila kahapon. Chikka chikka lang, update update kung kumusta ang Christmas nila. Nagstart na rin akong magpost sa IG stories nung Christmas ganaps namin kahapon, tapos na-teary eyed ako sa reply ni AJ na, “Masama ba na sad akong may iba na kayong kagames sa Christmas.” Hays namimiss ko sila. Naisip ko na bago pa kami mag-move na pwede kaming mag-spend ng Christmas sa Winnipeg in the future. We’ll see!





Finally, no errands today. Ang plano lang ngayon ay manood ng sine. This has become our Christmas tradition since 2021. Kaso ang fail nung pinili ni Kenneth na movie. Nosferatu. Horror. Hindi bagay pang-Christmas. Pinagbigyan ko na lang pero ang gusto ko talagang panoorin ay Moana 2. Natatawa na lang ako habang nanonood kasi sobrang layo nya dun sa fun and cheerful Christmas vibes of yesterday. Ang disturbing. Two days ata bago ako nakamove on. Pero for fans of the macabre, feeling ko patok ‘to sa kanila.

Christmas extended
Sabi ko kay Kenneth nung Pasko, on the way na ata kami sa sinehan non, “Tuloy ba yung steak night with Gico at Kosh? Kasi gusto ko pang i-extend ang Christmas vibes.” Haha. Natawa lang si Kenneth pero I know he gets it. Masyado ata kaming nag-enjoy nung Christmas Eve, nabitin kami.
Buti game sila Gico and Kosh so pumunta sila dito nung 27th for dinner. Meron silang isang malaking slab of beef tapos si Kenneth yung pinagluto namin ng roast beef. Nag-bake din ako ng broccoli cauliflower casserole para may ka-partner. First time naming mag-host dito sa new house and it was a fun evening. Sa sobrang fun, si Kenneth naman yung nagtanong sakin na, “Baka gusto na rin dumaan dito ni Drew sa weekend?” Haha wow. Sabi ko mukang masyado syang nag-enjoy sa pagiging host. Nagdahilan na on-call na raw kasi sya next week. Hays. My emotionally evasive husband 😅







New Year’s Eve

Tinawagan ko ang mga Mama at naki-countdown ng New Year sa kanila since mas mauuna dun. First time na hindi sila magkakasama ng New Year kasi naka-confine ang Mama. Ang Mama, Papa, at si Tricia nasa ospital. Si Kim at family ng Kuya, nasa mga Mommy (our lola). Happy pa rin naman kahit papano kasi successful yung surgery ng Mama. At for sure extra happy din ang Mommy kasi may mga dumagdag magcelebrate ng New Year with them.




Since na-ooverwhelm ako during holiday season, tamad na tamad akong magluto. Sabi ko kay Kenneth umorder na lang kami. Pero sya yung gusto na laging merong luto. After namin i-pickup yung order ko na food dun sa Chinese resto, busy sya nung hapon pagluluto ng steak at baked macaroni. Habang ako, sitting pretty panonood ng YouTube videos. Nung kinamusta ko sya sa kusina, yung muka nya sobrang seryoso. Pagod na raw sya. Haha sino bang may sabi na kelangan nyang magluto 😅 Tapos na nyang lutuin yung baked mac sauce at cheese sauce, so kung pwede raw ako na daw ang magluto nung macaroni. So from there, I took over at ako na rin yung nag-assemble at nag-bake. Ewan ko next year kung matututo na sya haha.


Bandang 11PM antok na antok na ko, hindi ko na kayang hintayin ang bagong taon. Ilang beses na kong napaidlip sa pinapanood namin (Rhythm + Flow and St. Denis Medical). Di ko na talaga kaya.


2025!
It was snowing pagkagising ko at natuwa akong tingnan yung mga bubong ng mga kapitbahay namin na covered in snow. Tinanong ko si Kenneth kung anong agenda namin today pero gusto ko lang mag-stay dito sa bahay, manood ng shows namin, at kumain ng mga tirang food. It’s going to be a chill and peaceful New Year’s day. Sana ganito lang buong 2025.

Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
