Feb 15-19
DAY 11
Halos buong araw nasa bahay lang ako ng lola ko. May pa-going away lunch for Mclein at AJ kasi pabalik na silang Canada. As usual, super iyak ang Mommy hehe.

Feb 15-19
Halos buong araw nasa bahay lang ako ng lola ko. May pa-going away lunch for Mclein at AJ kasi pabalik na silang Canada. As usual, super iyak ang Mommy hehe.

Feb 10-14

Few months ago, pinapapili ko ang Papa kung uuwi ako sa 60th birthday nya, or uuwi ako ng Pasko. Mahagad kasi masyado kung twice ako uuwi this year. Sabi nya Pasko na lang daw ako umuwi. Lahat kasi ng relatives namin na nasa abroad ay uuwi ng Pasko, so parang ang gustong sabihin ng Papa ay mas sulit kung Pasko ako uuwi.
After some weeks, tinatanong ko kung anong gusto nyang regalo. Ang sagot nya, “Gusto ko ay nandito ka.” Tina-try nyang sabihin in a joking manner pero alam kong he means it. Ang hindi nya alam, uuwi talaga ko sa birthday nya kasi hindi ko matiis na hindi umuwi huhuhu.
February 5-9

Dumiretso kaming Glorietta pagkasundo nila sakin sa airport. Nung naglalakad na kami sa loob, it was pure nostalgia. Pagkakita ko sa Burger King, naalala ko yung isang date namin ni Kenneth na kakagaling lang namin sa away kaya bad mood pa rin ako. Nakita ko rin yung Mcdo, na lagi kong binibilhan ng chocolate cake na sobrang sarap. Pizza at lasagna ng Shakeys. Food court!! *buntong hininga habang nakapikit* Ang daming memories 🤍
April 30 – May 4
Ito ang last installment sa aking PH 2022 series. At last matatapos ko na! And I made sure na organized para mabalikan ko ng maayos ang mga memories.
Papunta kaming Maynila ngayon kasi ninang sa kasal ang Mama at kami (Ate Beng2, Tricia at ako — the Boholers) ang mga PA ng Mama. Nag-stopover kami sa Mcdo para mag-lunch at nagulat ako na may ebi burger. Yung first and only time kong natikman ‘to ay nung pumunta kami sa HK ng Mama so na-excite akong i-try ulit kasi nalimutan ko na yung lasa.

April 24 – 29

Etong time na ‘to, meron na lang akong 10 days at magbaba-bye na muna ulit ako sa Pinas. Pero bago ako magba-bye, mauuna munang umalis ang mga taga UK. Kelan kaya namin uli sila makakasama 😢
April 23
Dito na kami lumabas ng resort. City tour ng konti tapos nag-river cruise. Hindi kami pumuntang Chocolate Hills. Sabi ng Mama ok lang naman daw kahit hindi namin puntahan.

April 22

Day 2! Ang agenda ngayon ay mag-stay lang sa resort buong araw. Kumain, mag-swimming, kumain. Malawak yung resort kaya mukang ma-ooccupy naman kami maghapon.
April 21
First time kong makapuntang Bohol. Yung first day namin, may konting inconvenience nung una pero naging okay na rin nung naka-relax na. Tsaka maganda yung resort at masarap yung food kaya na-distract na rin kami.

April 16-20
Swimming day again. Days pala kasi overnight kami this time. Commercial muna sa Papa na paglabas ko ng kwarto nasa dining table nagvi-videoke mag-isa hehe.

Sa Agdangan naman kami nag-swimming. As usual, ang sasarap nanaman ng pagkain. At as usual, wala uli akong planong mag-swimming dahil tinatamad akong magbanlaw pagkatapos. Too much effort sakin ang maligo ng 2x a day kaya din siguro ako tinatamad.
So dun sa pinuntahan naming resort, merong mga floating cottages. Ganito yung itsura:

April 11-15

Excited akong magswimming kahit hindi naman ako magsi-swimming. Wala lang. Gusto ko lang tumambay by the beach/pool tapos kakain ng masarap pag nagutom na. Gusto ko lang yung summer vibes kasi sa Winnipeg snow pa rin ng snow that time.