After graduation, nung una, habang di pa ko tinatawagan ng mga ospital regarding sa application ko sa kanila, nag-aapply ako sa mga call center. Bale dalwa na naging trabaho ko bago maging staff nurse. Sa PLDT, nag-uuli kami sa mga bahay-bahay sa Quezon Province para mang-alok sa mga tao na magpakabit sila ng landline or internet. Nakakapagod. Pero joke-joke lang yung trabaho naming yun. Wala lang talaga ko magawa nun. Di ganun kaseryoso. Pagkatapos nun, nag-call center kami sa isang maliit na company sa Lucena. Mga 4 or 6 months ata ako dun. Di ko maalala. Pagkatapos nun, na-hire na ko sa Mt. Carmel Diocesan General Hospital. Eh di ok na. Tuwa na mga kamag-anak ko kasi nagtatrabaho na talaga ko as staff nurse.
One and a half years na ko sa Mt. Carmel. Mula una pa lang hanggang ngayon, di ko talaga nakikita ang sarili ko na magiging nurse ako hanggang mag-retire ako. Dati, nasa isip ko lang yun. Tamang nasa isip ko lang yung thought na yun pero di ko inaaksyonan. Pero ngayon, nagkaron ako ng strong feeling tungkol dito. Ngayon, desidido na talaga kong mag-quit sa pagiging nurse at maghanap ng ibang trabaho. Basta ayoko na sa ospital. Ok lang sakin maging company nurse pero talagang inayawan ko na ang ospital. Hindi ko kaya ang stress ng ospital. May mga araw na sa buong 8-hour shift, hindi man lang ako naka-inom ng tubig, nakakain, naka-ihi, di ko man lang nasulyap phone ko para malaman kung sino yung nag-text. Basta 100% pure trabaho. 110% pa nga kasi minsan, tapos na ang shift, di pa tapos ang trabaho kaya kelangan pa tapusin. Tapos may mga extra-curricular activities pa tulad ng CME (Continuing Medical Education), para syang mini seminar. Minsan kelangan na mag-renew ng BLS at ACLS. Kaya imbis na uuwi na ko para magpahinga, imbis na day off ako, kelangan ko pa umattend sa mga ganun. Tapos minsan, tatawagan ka pa ng station kapag may kulang ka or may nangyaring kung ano. Hindi naman araw-araw na ganto. Pero ayoko nang magkaron ng araw na ganun. Kaya parang hindi ko na kinaya.
Balak ko last day ko na sa June 8. Magpapaalam na ko sa kanila. Ang pinakamamimiss ko syempre sa trabaho ko eh yung mga kasama ko. Nakakalungkot lang. Mamimiss ko sila lahat, kahit yung mga hindi ko ganun ka-close at kasundo.
After ko umalis sa Mt. Carmel, ano na kaya mangyayari sakin. Magiging ok kaya ako? Makakahanap kaya ako agad ng trabaho? Ng magandang trabaho?
Basta. Hindi ako papayag na hindi.
Category: Life
double pays
Yahoo nagsweldo na ko! Haha. Naisama na yung mga double pay ko sa wakas! Haha. Halos 7k ang sweldo ko. Bihira yun. Tas may 13th month pay pa sa 19 daw tas yung pa-birthday ni bishop na 1k daw yun. Hahaha. Mayaman pala ang mga taga-carmel pag May. Hehe.
Ang ipon ko na eh 12.2k pero kulang na kulang pa din. Tas sigurado mababawasan pa to kase uuwi si Kenneth ng weekend. Tas punta kami Manila sa katapusan kasi sasama ko sa pagsundo kina Ate Beng. Makakapag-shopping ako. Haha. Parang gusto ko bumili ng dress saka mga blouse at maluluwang na damit. Haha. Saka pala gusto ko din bumili ng sapatos. Dun ko na lang kaya ibuhos ang 13th month pay ko? Hmm..Pero gusto ko na din kasi talagang magka-phone. Tas napapaisip pa ko kung Samsung Galaxy S 3 or HTC One S ang bibilhin ko. Haha parang may pera na ko. Wala pa naman. Napaka-unti pa. Haha.
May bago nga pala kong kinakaadikan na game sa iPod. Street Food Tycoon. Pinoy ang gumawa. Tas nakakatawa kasi may mga character na Manny Pacquiao saka si Pres. Ninoy tas may character din na nakasuot na t-shirt na may logo na ‘It’s more fun in the Philippines’. Haha ang cool. Tas may mga tinda na fishball at kwek-kwek. Nakakatawa.
perfect life
A perfect life would be:
• Makabili ng Nikon Coolpix AW100, 13-inch Macbook Pro, Canon PowerShot S100, HTC One S at piano
• Manood ng series, movies, mga gusto kong reality shows at cooking shows kahit kelan ko gusto
• Mag-tumblr at mag-blog
• Mag-piano
• Mag-travel around the world at mag ala pro photographer
Nakasakay ako sa jeep. Wala akong barya. Buong 500. Ibinayad ko kay manong driver. Problemado si manong kasi wala sya panukli. Ipinabalik nung pasaherong babae yung 500 sakin. Ibabayad na daw nya ko. Kakatuwa si ate eh ambait. May ganun pala…
Eto yung mga araw na parang andami kong gustong gawin. Gawin ang mga gusto kong gawin sa loob ng isang araw. Gusto kong magbasa ng libro, gusto kong pumunta sa malayo, gusto kong mag-beach, gusto kong mangolekta ng seashells, gusto kong kumain ng masarap, gusto kong mag-bake, gusto kong manood ng series, gusto kong mag-tumblr, gusto kong mag-inom, gusto kong mag-videoke, gusto kong mag-sugal, gusto kong magpa-tattoo, gusto kong magpatayo ng bahay, gusto kong bumili ng libro, gusto kong mag-marijuana, gusto kong sumakay sa Hogwarts Express, gusto kong manood ng concert, gusto kong kumain ng Ben & Jerry’s, gusto kong gumawa ng pizza, gusto kong bumili ng water proof camera, gusto kong mag-bowling, gusto kong magsagot ng mga puzzles, gusto kong mag-drawing…
Pero ngayon, nakahiga lang ako sa kama. Walang ginagawa.
happy ang puso
valentine’s day kahapon. pm-night duty ako. parang wala lang di naman ganon ka-special. nagbatian lang kame ng happy valentine’s day ni kenneth. tas naglokohan lang kami sa teks. nag type ako ng rose na image, ganito:
–‘-<@
sabi ko bigay ko sa kanya. tas ang reply nya sakin,
–‘-<@ 12x
tas yun nagkukulitan lang kami. tas nagnenet lang ako dito sa salas namin.
tapos…
maya-maya…
yan ang theme song ni nick nung gabing to. nagsama-sama ulit kameng apat. the ‘fuck buddies’:
(nick, xali, bong at ako)

malungkot si nick ng gabing to kase ni-break sya ng gf nya. ang sitwasyon, nasa ICU dadi ng gf nya. nakuryente. tapos being the good bf, syempre andun lage si nick. nag-absent pa si nick nun sa trabaho. nasa ospital sya nung araw na to. tas parang makikipagkita lang sya samen ng saglit tas babalik na lit sya ospital. tas nung magkakasama na kame nila nick at xali sa sm, sinamahan muna namen si xali bumili ng mga gamit nya.

kase pa-laguna na sya dun na sya magtatrabaho (isa pang sad na pangyayare pero atleast maganda din kase may trabaho na sya) paalis na sya ng monday. friday nangyare to.
may na-discover nga pala kameng bagong beauty product ng maybelline. tadah!

saka natuwa din ako dun sa cotton na flat na bilog. buy 1 take 1 pa. haha.
ayun pumunta na kame kina xali tas naginom kame. sumunod si bong kina xali. bago nga pala kame pumunta kina xali eh pumunta muna kame dun sa ospital kase nga nakipag-break na si rachel ke nick. eh kakausapin ni nick si rachel. pero hindi nakipagkita si rachel. habang si nick eh pinupuntahan si rachel. pinuntahan naman namen si ian. boipren ni xali. duty si ian nung araw na yun.

tas pumunta na din kame kina xali kase nga ayaw ni rachel makipagusap ke nick. medyo naguguluhan nga kame dun sa babae kase nga parang mas kailangan nya si nick sa mga panahong yun dahil nasa ospital nga tatay nya kelangan nya ng companion pero nakipag-break sya kay nick. kakaawa nga si nick. pero may mga theories kame kung ba’t ganun si rachel kase siguro magulo lang isip nya kase nga gawa ng nangyare sa dadi nya. ayun. nun lang namen si nick nakitang umiyak ng ganun. tas may moment pa na tahimik lang kameng apat sa sobrang lungkot ng pangyayare. ayun. masaya din yung pagiinuman namen kase nagbond kame. may sinabe pa si nick na, “bute na lang kayong tatlo ang kasama ko ngayon.” aww how sweet.
may moment din na nagtatanggal kame ni xali ng mga black heads ko.

super sakit. first time ko magtanggal ng black heads. naiyak ako sa sakit. ansakit! tas namula pa ilong ko kala ko di na mawawala yung pagkapula. magkikita pa naman kame ni kenneth kinabukasan (hai. ang mga nangyare nung nagkita kame ni kenneth. mas malungkot pa sa nangyare kay nick). ok moving on..
ang old school ng mga pulutan namen:


tas pinatugtog ko nga yung ‘need you now’ ng ‘lady antebellum’ tas gumawa kame ng short music video. pampatawa lang.

grooving to the music. haha.
tas kelangan ko na umuwi kase pinapauwi na ko ng mama. tas maaga pa ko bukas kase papunta pa ko manila. ang alam ng mama am duty ko. ayun nagpikchuran kame ng madame.

eto pinakagusto kong pik namen. mag-pose daw kame ng kunware eh mga astig kame. haha.

inedit ko pa yan. hahaha.
PS: syanga pala, ok na sila nung gf nya. nagbalikan na din sila nung kinabukasan neto. o di ba naguluhan nga lang yun. sabe pa ni nick baka nakukulangan daw si rachel sa kanya kaya nakipagbreak sa kanya. eh mukang hindi naman. di ba nick hindi naman? haha.
tangina kanina pa ko nagiisip ng short story o kahit ‘character sketch’ man lang wala talaga ko maisip. parang natatawa lang ako sa mga naiisip ko. gusto ko kaseng maging isang magaling na writer. pero hindi ako magaling sa gawa-gawang storya. mas madali saken yung nagkekwento lang. kahit gano pa kadetalyado. pero ang hirap gumawa ng short story. ayan bigla ako may naisip. itutuloy ko na lang yung napanaginipan ko dati.
nagiinom sila sa isang maliit na bahay. gawa lang sa kahoy. simple lang. parang halos kubo na. tas hindi ko alam yung ibang parte ng bahay basta ang nakikita ko lang eh isang malaking bintana. gabi nun. nagiinom lang sila dun. masaya sila. pero hindi ko lam pinaguusapan nila. parang mahal nila ang isa’t isa. sigurado pala. na mahal nila ang isa’t isa. tapos hindi ko alam kung ba’t sila tumalon dun sa bintana. basta parang ang pagkakakita ko eh magka-hawak sila ng kamay habang sabay silang tumalon sa bintana. di ba sabe ko nga kanina malaki yung bintana. kaya kasya sila dun. mababa lang yung bintana kaya di sila nasaktan.
tas sa labas ng bahay eh kagubatan na. parang isolated lang yung bahay na yun. parang sila lang ang may alam kung san yun. sakto sa kanila yung kanta ng keane na ‘somewhere only we know’. tas nung nakatalon na sila palabas nung bintana eh tumakbo sila sa kagubatan. parang apak pa nga sila ih. tas magka-hawak pa din sila ng kamay. hanggang dito lang yung panaginip ko. try kong ituloy.
tas inexplore lang nila yung kagubatan. siguro first time nilang makalabas ng bahay kahit any time naman eh pwede silang lumabas dun sa bahay na yun. siguro nakainom sila kaya naisipan nila na lumabas. first time din siguro nila maginom nun. san kaya galing yung alak nila. wala ding nakakaalam. sila lang. ang misteryoso naman nung dalwa. tapos mukang nasisiyahan naman sila sa pageexplore ng gubat. madameng puno. walang wild animals. ayoko ng may wild animals. gusto ko relax lang. may nakikita silang mga aliptaptap. tuwang tuwa si..ano kaya pangalan nung babae..uhmm. crea na lang. parang creatinine lang. haha. tas yun tuwang tuwa si crea dun sa mga alitaptap. first time nya kaya makakita ng alitaptap? uhmm hindi siguro. baka nakakita na din sya last week nung minsang nakatambay sya sa may bintana nila. nakita nya siguro sa malayo. tas ngayon nakita na nya up close and personal. haha. tuwang tuwa na nga sya. tas nakita ni…ano kaya pangalan nung lalake. uhmm..sodiu na lang (pronounced as ‘soju’). parang sodium lang. haha.
eh di nakita nga ni sodiu na tuwang tuwa si crea sa mga alitaptap. sinubukan nya manghuli. kahit isang alitaptap lang. tas ilalagay nya dun sa maliit na garapon na nasa bulsa nya. oo may garapon dun sa bulsa nya. ewan ko din kung bakit all this time eh may maliit syang garapon sa bulsa nya. baka ganun lang talaga sya. eh di sinubukan nya manghuli. lalo tuloy naiinlab si crea kay sodiu. tapos nakahuli na nga si sodiu ng alitaptap. hindi lang isa. dalwa pa. tas nilagay na nya dun sa maliit na garapon.
uuwi na kaya sila after? parang gusto ko na sila umuwi. la na ko maisip eh. tumakbo ulit sila papunta dun sa bahay nila habang magkahawak ulit ang kamay. nasa kabilang kamay ni crea yung maliit na garapon na may dalwang alitaptap. kelangan nilang butasan yung garapon kase nabasa ko na kaya nailaw ang alitaptap eh may isang klaseng kemikal ang alitaptap na nasa katawan nila na pag nagkaron ng interaction sa oxygen eh mag-gglow.
* Copy pasted from my old blog. Forgive my jeje writing style.
mother-daughter
hai. kakatapos ko lang manood ng house. super iyak nanaman ako ih. hindi yung basta may luhang natulo sa mata ah. yung may sounds talaga na iyak. tapos na yung palabas eh iyak pa din ako ng iyak. masyado kase akong na-touch dun sa relationship ni cuddy sa nanay nya. basta yung nanay nya eh masyadong mahigpit sa kanya tas parang hindi sya mahal. pero sa huli naintindihan na ni cuddy kung bakit ganun. hindi ko masyado ma-explain basta nagkaron sila ng pagkakaintindihan sa huli. kahit magkaiba sila ng ugali eh parang naintindihan nila ang isa’t isa. kahit mas magkapareho ng ugali yung nanay nya at yung isang kapatid ni cuddy na babae eh hindi ibig sabihin eh mas mahal nya yung isa. basta hindi ko talaga mapaliwanag ng maayos. basta sobrang naiyak lang ako. bow.
miss ko na nga pala ang mama at taba. nasa singapore pa din sila. uuwi na din ata sila bukas. kung pwede lang talagang ben & jerry’s ang ipasalubong sakin ih. hmp.
* time not accurate
* Copy pasted from my old blog. Forgive my jeje writing style.
no mama and tricia for 4 days
stuck with my 3 boys (kuya, kim & papa) for 4 days. mama and tricia will go to a 4-day singapore trip tomorrow together with my other relatives. so i’ll be the only girl around. for sure our house will be in for a lot of mess (smelly clothes, unwashed dishes and all that grossness). ooh good thing ate glo will be here. thank gregory house for that (gregory house is my god).
i think i’ll go to sleep now. i need to get up early tomorrow for our BLS training (spell boring).
expecting a tiresome day tomorrow. good thing emi will be there with me. see you later earth!
* time not accurate
* ‘thank gregory house’ is like saying ‘thank god’
* Copy pasted from my old blog. Forgive my jeje writing style.
