Good morning! It’s your birthday! 🎉
Sabi ko kaninang madaling araw bago ako matulog (around 1:30AM), pagkagising ko magbblog ako agad. Gagawin ko na syang everyday routine. Eh pag gising ko (mga 9:30AM), cellphone agad hinanap ko. Nalimutan ko ata yung deal namin ng sarili ko. Ok lang naman. Maganda naman ang result kasi madami na bumati sakin. Maganda ang gising. Buti naman. Medyo bad mood kasi ako kahapon. Bumaba na naman self-esteem ko kahapon. Kaya nag-Tumblr ako bago matulog and sinearch ko yung #magma hashtag ko. Ayun umokey naman ako somehow. Nakangiti naman ako bago matulog.
Excited na ko bukas kasi bukas yung parang celebration ko since weekday ngayon. Baka mag-dinner lang kami mamaya ni Kenneth. So ang itinerary bukas:
- Buy Aly’s cookies at the Spectrum Fair
- Avail Eatigo’s 50% off on Applebee’s
- Print Watercolor Zodiac Galaxies Series
- Go to BGC Art Mart
- Avail Eatigo’s 50% off on Tipple and Slaw (di pa sure)
Parang may nalimutan ako. Mamaya ko na lang aalalahanin.
Christmas party namin sa Monday. Hindi talaga “namin” kasi hindi ko na sila ka-team. Pero natuwa naman ako ininvite pa din nila ko.
Gutom na ko kaya umorder na lang ako sa KFC. Ittry ko yung bago nilang hotdog sandwich at nuggets. Ano kayang difference nung nuggets sa fun shots nila. Buti tumatanggap na ang KFC ng credit card kasi 92 pesos na lang pala ang cash ko.
Wala na ko masabi ang boring na ng mga kinekwento ko. Ay. Work from home ako ngayon. Buti pinayagan ako ng mabait kong boss. Kaya super chill lang ako dito sa bahay. Tapos kakain lang kami mamaya. No fuss birthday. Hindi naman talaga ko mahilig magpakain or magpainom sa birthday ko. Kuripot kasi ako. Saka na ko magpapa-party pag millionaire na ko.
Sasabihin ko sana as conclusion, “Enjoy your day!”. Pero naisip ko mas okay ang, “Enjoy everyday!” Kaya enjoy everyday! Wag na masyadong weak. That’s so not you.