Categories
Insights Life

Selfish?

Naalala ko nung college tapos nagdi-discuss yung CI (clinical instructor) namin (si Ms. U) about procreation. Na isa daw yun sa mga purpose natin kung bakit tayo nandito sa mundo. Tumaas ako ng kamay para itanong, “What if I choose not to participate in procreation?” Ang sagot nya (with kasamang gigil), “Then you’re selfish.” Tumatak yun sakin at naniwala ako sa kanya. Pero hindi pa rin masyadong nagbago yung pananaw ko sa pagkakaron ng anak. Tinanggap ko na lang na baka nga selfish nga ako.

Pero ngayon naisip ko, parang selfish din kung mag-baby ako. Kasi personally, eto yung mga reasons bakit minsan napapaisip akong mag-baby:

  • Pag tumanda kami parang ang lungkot, wala kaming kasama (This is selfish, it’s not their job to ease our existential worries)
  • Walang magaalaga samin pag nagkasakit kami (Self-serving. Again, it’s not their job.)
  • Sayang naman kasi baka maipasa ko yung artistic genes ko sa kanya at yung pagkagaling sa Math ni Kenneth (Self-serving)
  • Curious ako sa magiging itsura nya (Self-serving)
  • Baka pagsisihan namin (Fear based. Self-serving.)

Siguro magbabago yung isip namin kung wala na ‘tong mga ‘to. Thankful din ako kasi on the same page kami ni Kenneth. Pero hindi pa naman sarado yung isip namin. Ayoko lang syang gawin for the wrong reasons or dahil lang sa social pressures.

Nakagawa na ko ng post about dito pero napaisip nanaman ako kasi may nag-trigger. May chismosang tita nanaman na nagbigay ng unsolicited advice. Na minsan kelangan kong isulat para ma-process ko ng maayos. I-block ko na lang sya pag nag-message ulit haha.

Categories
Books Insights Money Diaries Non-Fiction

The Psychology of Money by Morgan Housel | Book Report

READ THIS IF…

  • You want to find out how humility plays an important role in financial independence
  • You hope to have a healthy (-ier) relationship with money
  • You want some powerful insights if you’re looking to invest or already investing in the stock market

I discovered this book through a YouTuber. Interested ako sa money matters kasi ayaw namin na maging problema ang pera pag retired na kami. Gusto kong maging prepared sa mga pwedeng mangyari. When it comes to budgeting, lahat ng expenses namin up to the very last cent naka-track. Pero lumalagpas pa din kami sa budget. Dumating yung point na na-frustrate ako. Parang wala naman effect yung expense tracking ko. So mas lalo akong naging interested sa book na ‘to kasi parang kulang pa yung alam ko pagdating sa pag-manage ng pera.

Lahat naman tayo gusto na pag nag-retire tayo, sapat yung pera natin. Pero feeling ko kasi hindi pa ko sobrang knowledgeable para ma-achieve yung financial independence. Ang hirap nung gusto mo lang pero hindi mo naman inaalam kung pano. Kaya curious ako kung anong matuturo ng book na ‘to. And gusto ko rin yung title kasi hindi sya yung tipong, “How to be a Millionaire in 90 Days” (whut) or “How to be Filthy Rich”. Gusto ko yung The Psychology of Money.

To rephrase an old saying: everyone talks about retirement, but apparently very few do anything about it.

Categories
Life

Haysss.

Nakaka… disappoint? asar? tawa? na hanggang ngayon, lagi pa din akong tinatanong ng Mama ko at ibang kamaganak ko kung ano daw ginagawa ko. Akala daw nila nagaaral ako kahit ilang beses ko nang sinabi na HINDI NGA AKO TUMULOYYY. Nakakafrustrate na kahit nanay ko hindi alam. Tinanong daw kasi sya ng lola ko tapos hindi nya daw alam ang sasabihin. Kahit nasabi ko na sa kanila ng ilang beses at kahit madalas akong magshare sa social media ng ginagawa ko (at nagcocomment pa sila lagi na okay daw maganda daw), parang hindi talaga nila magets yung concept of freelancing. Or in denial pa din sila hanggang ngayon na hindi ko piniling maging nurse? Parang sarado ata yung isip nila na, “Kung nurse ka dapat nurse ka.” 9 years na po akong hindi nagpa-practice. Mag-give up na po kayo.

Nasa isip ko, ano bang problema nila sa pinili kong gawin? Dahil ba hindi nakakaproud sabihin na:

AMIGA: O nasa Canada pala yung anak mo. Anong trabaho?

MAMA: Nagd-drawing.

Kailangan ko bang makapasok sa Disney para maging proud sila na ang trabaho ko ay mag-drawing? Hayssss. Eh hindi naman kami nangungutang sa kanila, hindi kami nagugutom, nakakapagbigay naman kami sa kanila ng papasko, pabirthday etc., sobrang kuntento ko sa buhay namin dito pero ba’t parang sila yung hindi mapakali? Hayssss ulit.

Categories
Art Books Life

Injury + Current Reads + Polar Bear and Almond

Sira ang plano ko ngayon. Kung kelan finally nagkaron ako ng motivation na mag-film ulit ng video para sa YT channel ko—balak ko sana gumawa ng isa pang ‘Draw with Me’ video kasi nasa mood din ulit akong mag-drawing—pero sumasakit nanaman yung braso at kamay ko. Nagse-self diagnose ako pero feeling ko repetitive strain injury pero sana naman wag carpal tunnel. Nakakaasar ilang beses na ‘tong paulit ulit. Parang kelangan kong maghinay-hinay sa mga hobbies ko.

Pansin ko kasi sumasakit pag medyo matagal akong nagd-drawing or after ko mag-piano. Hays miss ko na mag-piano ulit pero natatakot ako na baka sumakit nanaman katulad nung dati. Nakakainis talaga. Pero kelangan kong ipahinga ‘to at baka lalo pang lumala. Pero eto yung nasimulan ko kasi balak ko gumawa ng new sticker sheet para sa aking online shop.

Vintage pottery
Categories
Calm Life

Internal Monologue #1 | Why?

Q: What is my why?

A: To live comfortably but simple, while having enough time and resources to travel and do my hobbies (reading, playing the piano, learning languages).

Q: But this is what I’m already doing now (except for the traveling).

A: So my goal is to maintain this lifestyle? Maybe I should add another layer to my purpose.

Q: Okay. I want to sustain and nourish my relationships with people I care about and help the world become a better place. What do I have to do now?

A: So put more effort in connecting with people and hustle more to earn extra income to help the world.

Challenges:

  • Not recognizing that I’m already living 70-80% of the life that I desire because I’m not used to this kind of feeling — the feeling of satisfaction. I didn’t expect that this would come early in my life.
  • Aways attaching monetary value to my hobbies which makes me feel pressured. It strips the enjoyment that comes from that hobby. Sometimes, a hobby is just a hobby.
  • Taking for granted the amount of time that I have. Or maybe I’m already making use of my time in the best way possible and I just fail to recognize it because my work is unconventional. This is a reminder to go easy on yourself because of your health condition.

Advice:

  • It’s alright to do a variety things. It sparks creativity. Just give more focus to the one thing that is the most purposeful.
  • You don’t have to have a label.
Categories
Insights Life Pilipinas

Dugo, Pawis at Tae

Paglabas ko ng apartment namin, hindi pa sumisikat ang araw. Medyo nakakatakot kasi 5:15 AM pa lang at medyo madilim pa. Pero ganitong oras dapat magsimula ang byahe ko para hindi ako ma-late sa opisina. Six years na ang nakalipas pero tandang tanda ko kung anong bag ang gamit ko at damit na suot ko.

Masaya ako sa trabaho ko kasi relax lang. Wala rin akong kaaway. Looking forward ako na umupo sa desk ko, mag-sounds habang nagmumukang busy at makipag-kwentuhan sa officemates ko. Hindi malaki ang sweldo ko pero naisip ko, dito na ko magre-retire. Basta gusto ko madali lang at komportable. Looking forward ako sa isang ordinaryong araw sa office.

Isa’t kalahating oras after kong lumabas ng apartment, nasa emergency room ako. Umiiyak habang dinidiin ko yung tela sa braso ko para hindi lalong magdugo. Butas din yung paborito kong slacks. Asar na asar ako sa nangyari.

Tatlong bagay ang tumatakbo sa isip ko habang nakahiga ako sa ER. Una: “Kailangan kong tawagan ang boss ko para sabihin na hindi ako makakapasok.” Pangalwa: “Gano kaya kadumi yung pinanghiwa sa braso ko. Baka puro kalawang pa yun ma-tetano pa ko.” At panghuli: “Ayoko na talaga dito sa Pilipinas.”

Balik tayo sa apartment. So paglabas ko, may nalampasan akong dalwang lalake na nakamotor dun sa kanto. Siguro mga isang minuto after ko silang lampasan, may nagsalita ng, “Holdap ‘to”. Halos nakadikit na sya sakin pero hindi ko sya naramdamang lumapit. Unang pumasok sa isip ko, “Ows di nga??” Alam kong talamak ang holdapan sa Maynila pero nung pagkakataon na yun, pakiramdam ko nasa pelikula ako. Kasi sa pelikula lang ako nakakakita ng hinoholdap. Nung naghihigitan na kami ng bag, dun ko pa lang na-realize na totoo nga. Holdap nga to.

Medyo matagal kaming nagrarambulan ni kuya holdaper. Ayokong bitiwan yung bag ko. Hindi dahil sa ayokong makuha nya ang wallet at cellphone ko. Ayoko lang talagang bumitaw. Eto pala yung sinasabi nila na ‘fight or flight’.

Sa sobrang ipinaglalaban ko yung bag ko, napadapa na ko sa kalsada. Pero nakakapit pa din ako ng mahigpit sa bag ko habang hinihila nung holdaper yung kabilang dulo. Kaya everytime hinihila nya yung bag, nakakaladkad ako. Ang lakas ni kuya holdaper kahit mukang mas matanda ako sa kanya. Malamang naka-rugby ‘to.

Eto pala yung sinasabi nilang ‘adrenaline rush’. Kasi hiniwa na pala nya yung braso ko para bumitiw na ko. Pero wala talaga akong naramdaman na sakit. Ayoko pa din ibigay yung bag ko. Ang daming nagsabi sakin na dapat daw binigay ko na lang yung bag. Pero wala akong magagawa kasi yun talaga yung initial reaction ko nung time na yun. Kaya tuloy pa din ang kapit ko habang kinakaladkad at umiiyak at sumisigaw ng tulong.

Pero mukang mas malakas ako kasi hindi nya nakuha yung bag. May dumating na tulong bago pa maubos ang energy ko at bumitaw. Hindi nya nakuha ang mahiwagang bag. Nung nakasakay na ko sa taxi papuntang ER, naisip ko na between sakin at ni kuya holdaper, ako pala yung may nakuha. Nakuha ko yung hiwa sa braso, nakakuha din ako ng madaming gasgas at sugat at sakit ng katawan. Dun ko pa lang naramdaman at naamoy lahat. Naamoy kasi habang kinakaladkad ako, may nakuha din pala akong tae ng aso.

Habang sinusulat ko ‘to, nagdadalwang isip pa din ako kung anong mas pipiliin ko. Yung mawalan ako ng bag o yung hiwa, gasgas, sugat, sakit, iyak at tae. Alam kong masaklap yung nangyari sakin pero nagdadalwang isip pa din talaga ko. Siguro kung hindi ‘to nangyari, baka nag-stay pa din ako sa komportable kong trabaho. Umupo sa komportable kong desk at isipin na eto na talaga yun. Na hanggang dito lang yung mundo ko. Hindi ko siguro maiisip na umalis. Baka nag-stay lang ako sa comfort zone ko forever.

Pero ngayon na nakapagisip-isip na ko at inalala ang mga nangyari, biglang nawala yung pagdadalwang isip. Minsan pala kailangan mo pang literal na masugatan at mapahiran ng tae bago ma-realize na may kailangan ka palang baguhin.

Categories
Canada Family

Out in the Woods

01•10•21

Isang rare occasion ang nangyari! Lumabas kami ng apartment hindi para mag-grocery, kundi para mag-stroll at mamasyal ng kauntian. Thank you sa aming kapitbahay, nakita ko yung mga pics nila dito sa lugar na ‘to. Buti na lang din nasa mood akong magtanong non. Kasi nga since wala akong craving na lumabas ng apartment, useless na itanong ko kung san sila pumunta dahil wala naman kaming balak lumabas. Pero tinanong ko. At nung sinabi nya na malapit lang daw yun dito sa apartment namin, naisip ko, “Ano nga kaya? Lumabas nga kaya kami?”

At yun na nga ang nangyari. Sinama rin namin ang mga kitties kasi ang tagal na nung last family picture namin na ang setting ay sa labas ng apartment. Muntik pa nga hindi matuloy kasi Saturday yung original plano ko. Pero sabi ni Kenneth Sunday na lang daw kasi yung Sabado ay grocery day. Hindi fan si Kenneth na gawin ang mga bagay-bagay sa isang araw lang. Ang gusto nya one activity per day. Sobrang tamad talaga.

Cutie pies 😻

Pagdating ng Sunday, medyo nawala na ko sa “tara labas tayo” mood. Medyo lumipas na yung excitement. Pero alam ko, for a fact, na hindi namin ire-regret na lumabas. Kasi ang tagal na rin talaga simula nung lumabas kami ng for fun lang. So kahit medyo tamad, tumuloy kami. Binanggit din namin kila Trix and Kris na pupunta kami dun. Game din sila kaya nag-meet kami dun and kahit papano nakapag-catch up.

Ang saya ko lang talaga nung araw na yun. Ang rare kasi for us na nasa labas kami ng bahay with friends tapos ang backdrop pa is nature. Kaso nung pahuli super nag-worry kami kay Walnut. Nanginginig na sya tapos nag-poop na sya sa carrier. Super stressed na sya kaya umuwi na rin kami. Pero okay na sya ngayon. Kaya next time hindi na namin sila isasama pag ganun kalamig.

Balak ulit sana namin bumalik dun ngayon. Kaso hindi nag-cooperate ang weather. Masyadong malamig. Hindi na masaya mag-stroll.

Dito pala madaming ganito hindi na kelangan bumili

I hope magkaron pa ng madaming ganitong moments this year. Yung hindi namin papairalin yung katamaran namin na lumabas at mag-explore. Buti na lang natututo na si Kenneth na ma-appreciate yung paglabas at umalis sa comfort zone. Sana maka-travel din kami outside Manitoba. Gusto kong makapunta sa BC at Alberta. Sana soon.

Categories
Insights Life

2021 Game Plan

DO’S

Read at least 40 books

50 talaga yung original target ko pero baka hindi ko kayanin so 40 na muna. Also, read a variety of books from different topics. It sparks creativity.

Invest at least $5,000 sa stocks

Gustuhin ko man na mas malaki pa dito yung ma-invest namin. Parang eto yung achievable sa current situation namin.

Learn 5 new piano pieces.
Categories
Family Life

Happy and Guilty

Pwede ko bang sabihin nang hindi na nagi-guilty na sobrang saya ko na nakapag-resign na ko sa office work ko at freelancer-businesswoman-housewife na ko ngayon. Kahit ngayon lang. Pagbigyan nyo na ko. Pramis magi-guilty na ko ulit bukas. Sa dami kasing masamang nangyayari ngayon sa mundo at sa mga tao na close sakin, nakaka-guilty maging masaya. Pero gusto ko lang syang i-acknowledge ngayon.

Categories
Canada Career Family Life Pals Pilipinas

2020 Highlights

I stumbled upon my 2017 Highlights post and medyo nalungkot ako kasi hindi ako nakagawa ng 2018 and 2019 highlights. So ngayong 2020, kahit masalimuot ang mga pangyayari sa buong mundo, gusto kong i-highlight din naman yung mga magagandang pangyayari.

  • Nagsimula ang 2020 na fairly masaya. Mejo sad kasi hindi ko nanaman nakasama ang family ko nung holidays, pero masaya din kasi nag-book ako ng ticket pauwi. Kaya nung Feb, I’m back to Pinas! Yehu! Thank you talaga sa Papa sa pag-sponsor ng kalahati ng ticket ko. Siguro eto talaga yung pinaka-highlight ng 2020 ko. At sobrang timely pa kasi ito yung time before i-announce yung pandemic. So nakauwi at nakabalik ako ng maayos. At dahil walang kasiguraduhan kung kelan ako makakauwi ulit kasi magulo pa rin, at least nakauwi na ko kahit mabilis lang. Read my whole back to Pinas experience here.
  • Kaya din gusto nila akong makauwi kasi retirement ng Papa. At age 55, nag-retire na ang Papa. So may pa-party tapos may mga awarding kaya gusto ng Mama’t Papa na kumpleto kami. Since nag-retire ang Papa, ang pinagkakaabalahan nya ngayon ay yung pinaparentahan nila na apartment at Shopee and Lazada online shopping 😅
  • Bukod sa nakasama ko uli ang family at mga kaibigan at former officemates ko, nakita ko ulit si Almond! Huhu ang laki na ni Almond. At ang sweet pa din nya. Hays excited na uli akong makita sya.
  • Nung umuwi din ako nagkaron ng opportunity na magbati kami ni Xali. Siguro 6 months kaming hindi nag-usap pero salamat sa efforts ni Nick, naging okay din kami ulit. The F Buddies are reunited again 😂
  • Dahil sa layovers, nakabalik akong Japan at Korea pero sa airport lang. Haha counted ba yun.
  • We moved to a new and improved apartment! Eto ulit yung isa sa mga top highlights. Alamin kung bakit dito.
  • I resigned! Finally may freedom na kong i-pursue ang art ko. And the ‘Most Supportive Husband’ award goes to Kenneth. Sobrang salamat talaga kay Kenneth kasi hindi ko naman ‘to magagawa kung hindi sya sobrang supportive. Super thank you talaga. I love you so much.
  • Balak ko talaga mag-aral after ko mag-resign. Kaya nag-apply ako sa Digital Media Design program at natanggap ako! Sobrang in-anticipate ko yung araw na ma-receive ko yung e-mail na tanggap ako. Kasi nga dito, hindi ganun kadali makapasok sa gusto mong program (or course kung tawagin satin). Pero hindi ako tumuloy. Pero confidence booster pa din yung natanggap ako. I felt validated.
  • Natupad ang wish ko simula nung bata pa ko. Nagkaron na ko ng sarili kong piano!
  • Naka-1 year ang podcast namin ni Nick. Akalain mo yun umabot ng more than a year ang F Buddies podcast. But it came to an end nung September ata kasi nga naging clout chaser si Nick. Hahaha! Joke lang (pero half meant 😆).
  • Speaking of anniversaries, naka-1 year na din ang Pod Sibs Book Club. At sana magtuloy-tuloy pa sa coming years.
  • And in line with the above bullet point, I read 25 books this year! A personal record. Wow sobrang amazed talaga ko na nakabasa ko ng ganito kadami. To more interesting reads next year!
  • We made new friends! Nung medyo maluwag pa ang protocols, madalas kami mag-hangout with our neighbors na couple din, si Trix and Kris. At dahil nga magkapitbahay lang kami, madalas kami nakakanood ng movies or maglaro dun sa Switch or mag-bake. Kaso sad kasi before Christmas, nag-red zone dito sa Manitoba and bawal na tumanggap ng bisita. Bawi na lang kami next year.
  • At dahil mas adventurous si neighbor couple, for the first time, nakapunta kaming beach dito. Two years na kami dito sa Winnipeg pero di namin naisip mag-beach. Siguro nga kasi alam namin na hindi ganun kaganda compared satin sa Pinas. Pero na-enjoy pa din naman namin. Sabi nga, make the most of where you are.
  • I became a part of the Linya-Linya creatives team as a Linya-Linya intern sensation! Saya nung experience kahit 1 month lang and na-challenge ako ulit kasi may mga deadlines, kelangan mong magproduce at mag-present ng madaming drawing, etc. Back to work yung feeling kumbaga after months of being a freelancer na hindi masyadong busy. Pero masaya kasi ang saya nung team. Pero dun ko din na-realize na kahit gano kabait nung team, lone wolf talaga ko. Gusto ko talaga hawak ko yung oras ko. Yung pwede akong tamarin pag tamad ako. Pag wala ako sa mood mag-drawing at feel kong mag-cross stitch halimbawa, magagawa ko. Pero super happy pa din na na-meet ko sila 😊
  • Kakaunti man, super saya ko pag nakakatanggap ako ng freelance work. Kaya thank you sa mga kaibigan kong suki na binigyan ako ng extra income this 2020 lalo na at resigned na ko.
  • This is the year for games. Kasi for the first time in a long while, naadik ulit ako sa isang mobile game. Dati Clash of Clans pero sobrang ilang years ago na yun. This year naman Coin Master. Haha. Tapos eto din yung year na bumili kami ng Nintendo Switch. Pero mukang wala talaga kong potential maging gamer kasi sa una ko lang inaraw-araw yung Switch. Tapos after a few weeks waley na. Pero hindi naman nasayang kasi bumili din kami ng fitness game at yun yung madalas namin “nilalaro”.
  • At since mahilig ako sa gadgets, ang mga bago kong gadgets ay yung Wacom Cintiq 16, Google Nest Mini (free from Spotify), robo vacuum, Airpods Pro, plus yung na-mention ko kanina na piano nga at Switch, at yung latest na hindi pa dumadating, iPhone 12 Mini. Tagal kong inaantay na sana magkaron ulit ng maliit na iPhone. XS yung gamit ko ngayon pero nabibigatan pa din ako at nalalakihan sa screen. Ang wish ko siguro in the future, not necessarily for 2021, ay iPad Pro at MacBook Pro with the new Apple chip. Yun lang naman sana 🤣
  • Naka-attend ako ng LighBox Expo kahit online lang. Sana next year maka-attend ako in person with someone na mahilig din sa art.
  • I discovered meal kits.
  • I became a digital minimalist and a stoic. Well at least trying to be. Sobrang beginner ko pa pero I’m trying to improve everyday. Pero naisip ko may advantage din pala ang pagiging serial story sharer ko sa IG. Kasi ngayon, yun yung reference ko sa paggawa ng blog post na ‘to.
📷: @bitesbythepage
  • I discovered a new hobby. Macrame. Kala ko na-max ko na ang limit sa hobbies na magiging interesado ako pero hindi. Ang dami pang interesting na pwedeng gawin. Tsaka yun nga, bakit ko naman ili-limit ang sarili ko.
  • I made 450+ sales sa aking Etsy shop. Nag-increase yung orders lalo na nung December. At ngayon, may orders na din dun sa new hobby ko. Kaya mamaya yun ang gagawin ko.

Paalam 2020!