Category: Life

  • MONDAY 10:10 AM Wow nasusunod ko ang morning routine na ginawa ko. Tapos na kong mag-meditate, yoga, magbasa (naka 45 mins ako agad sa goal kong 1 hour per day), kitty care (scoop litter + refill tubig + vacuum ng nagkalat na litter) at gratitude journal. Naksss. Pero mukang hindi ko magagawa yung exercise. Kasi…

  • SATURDAY 7:20 AM Nagulat ako gising na rin si Kenneth. Ilagay ko daw yung weighted blanket sa kanya hindi nya daw kaya. Kawawa naman. Nagpa-booster shot kasi sya kahapon plus flu shot. Tig kabilang braso kaya hinang hina. 8:12 AM Mali. Bakit ko in-open ang Messenger. Pagkatapos ng Messenger, Instagram naman. Wala na. Dire-direcho na.

  • Nagpa-booster shot ako kanina. Nakakainis kasi nanghihina ako pero ang ganda ng mood ko. Nagmi-mini concert ako dito sa home office namin pero ramdam ko yung katawan ko bumabagsak. Tapos yung sayaw ko unti unting nawawalan ng sigla. Nilalabanan ko pero baka magkasakit pa ko. Makapunta na lang sa salas at mag-doom scroll sa TikTok.

  • WAAAASDGHLSDJGSLKG!!!! TANGINA!!!🤬

  • Time to collect my thoughts and make a 2022 game plan. But first: 2021 REFLECTIONS The year that I… Explored A LOT of hobbies. Kaya naman little success lang ang na-achieve ko in terms of mastering a skill. Aside from exploring hobbies, we also explored new places here in Manitoba. This is also the year…

  • I’m back from 2020 Highlights (meron din akong 2017 Highlights)! Sarap lang talaga mag-reminisce. Also, credits to my IG stories. Hindi ko lahat ‘to maaalala kung hindi ako serial story sharer. This winter pictorial of the kitties 😻 I made 700+ sales so far on my not-so-active-anymore online sticker shop. Thank you sa mga clients…

  • Bakit ang swerte ko? Hindi ako makapaniwala na meron akong MacBook Pro. Meron akong iPad Pro tapos parating na yung Apple Pencil? Tapos meron akong iPhone? Tapos meron akong Airpods?? Tapos padating din yung Apple Watch??? Paano ako napunta dito?? Hindi talaga ako makapaniwala. Ang saya ko ngayon pero ang saya din nung old self…

  • At the beginning of this year, nag-set ako ng 2021 Game Plan. Gusto kong i-review kung anong mga na-accomplish ko at yung hindi. Yung format nung ginawa kong game plan ay “Do’s and Don’ts”. Eto yung mga do’s. DO’s Read at least 40 books 👎🏼 Akala ko talaga malalagpasan ko ‘to. Kasi end ng January…

  • Tuwing umaga pagkagising ko, lagi kong sinasabi sa sarili ko na, “Bukas ng umaaga lalabas ako ng mga 8AM tapos magiikot lang ako sa labas kahit mabilis lang.” Kasi feeling ko hindi man lang ako nasisinagan ng araw. Tapos pansin ko lagi akong lambot at tamad gumalaw. Low energy palagi kahit wala naman akong ginagawang…

  • Grabe. Wala lang kasi binasa ko yung Christmas posts ko nung 2017, 2019 at 2020. Iba-iba yung mood. Nung Christmas of 2017 wala akong idea na last Pasko ko na pala yun sa Pinas. Tapos hindi ko pa super nasulit kasi pareho kami ni Kenneth na nagttrabaho sa Maynila at may pasok na sya ng…