Tuwing umaga pagkagising ko, lagi kong sinasabi sa sarili ko na, “Bukas ng umaaga lalabas ako ng mga 8AM tapos magiikot lang ako sa labas kahit mabilis lang.” Kasi feeling ko hindi man lang ako nasisinagan ng araw. Tapos pansin ko lagi akong lambot at tamad gumalaw. Low energy palagi kahit wala naman akong ginagawang nakakapagod. Kaya yun lagi ang dialogue ko sa umaga. Na mags-start ako bukas maglakad lakad. Pero kinabukasan, sasabihin ko ulit na bukas. Lagi na lang bukas tapos hindi natutuloy.
So kahapon, yun ulit ang sinabi ko. Maglalakad ako sa labas bukas ng umaaga. This time sinabi ko rin kay Kenneth. Nag-check ako ng weather bukas ng 8AM: -30, feels like -40. Tumawa si Kenneth. Alam na daw nya ang mangyayari. Pareho kami ng iniisip.
🥶
So kinabukasan (kaninang umaga) nagising ako ng past 8AM. Parang ine-evaluate ko yung sarili ko kung tototohanin ko na ba yung matagal ko nang balak. Siguro dahil gusto kong i-prove kay Kenneth na mali sya. Tsaka mabilis lang naman ako. Pero parang tanga lang kasi sa dinami-rami ng araw na gusto kong lumabas, pinili ko pa talaga yung araw na sobrang lamig na.
Grabe. Wala lang kasi binasa ko yung Christmas posts ko nung 2017, 2019 at 2020. Iba-iba yung mood.
Nung Christmas of 2017 wala akong idea na last Pasko ko na pala yun sa Pinas. Tapos hindi ko pa super nasulit kasi pareho kami ni Kenneth na nagttrabaho sa Maynila at may pasok na sya ng Dec 26. Kaya kelangan namin lumuwas agad ng Dec 25 kasi traffic. Hays kung alam ko lang. Pero masaya pa din naman kasi ang dami kong nakasama. Yung theme ng Christmas 2017 is: bittersweet. Pero natawa ko dito:
Favorite kong kasama si Benson pag may videoke kasi pareho kaming pasikat. Baka ganun talaga pag nangarap kang maging famous singer pero hindi ka naman naging ganun so dinadaan mo na lang sa videoke.
Excerpt from Christmas 2017
Tapos wala akong post nung 2018. Feeling ko distracted pa ko kasi nakatira pa kami sa mga tito ko non. Feel pa yung holiday spirit kasi ang daming niluto nung tita ko tapos may Christmas tree and decorations. Pero wag ka. Pagdating ng Christmas 2019 ang theme ay: devastated. Sobrang lungkot ko pala talaga nung Pasko na yun. Tapos wala akong concept of time. Teary eyed ako after kong basahin.
Sana phase lang to. Hirap na hirap kasi akong humugot ng saya sa mga bagay na meron dito at meron ako ngayon. Lahat na lang naiisip ko yung mga wala.
Excerpt from Christmas 2019
Pero. Bumawi naman nung Christmas 2020. Ang saya ko non haha. Ang theme siguro ay: revitalized?
Hindi ako palabati hangga’t hindi ako binabati, pero that time ang dami kong binabati ng Merry Christmas. Feel na feel ko lang.
Excerpt from Christmas 2020
Ngayon namang 2021. Ang theme ay: neutral. Hehe. Hindi ako super lungkot pero wala din ako masyado sa mood mag-celebrate ng Pasko. Tinatanong ako ni Kenneth ano daw plano namin sa Pasko. Wala talaga akong masyadong thoughts about it. Sabi ko kumain na lang kami sa labas kaso nahirapan kaming maghanap ng makakainan.
Si Kenneth halata ko, gusto nyang magluto kami. Kaso naisip ko, ininvite naman kami ng tito ko sa bahay nila na maghapunan ng Christmas Eve. Hindi ba pwedeng yun na yun? For sure ang daming food dun. Tapos nag-book naman kami ng movie tickets ng Spider-man: No Way Home ng mismong Christmas day. Ok na ko dun.
Christmas Eve kina Kuya Jon2Busog!
Nung Pasko na sa Pinas, nakita ko nanaman yung mga pics ng pamilya ko na magkakasama. Kung noon pure bitterness yung nararamdaman ko, ngayon kaya ko nang maging masaya para sa kanila. Pero few minutes into browsing ng pictures nila sabi ko kay Kenneth, “Nakakaiyak naman.” So teary-eyed nanaman ako. Kaya hindi ko na rin tiningnan lahat ng pics.
Naalala ko last year nung ang theme ay revitalized, nagpapatugtog ako ng Christmas songs nung malapit nang mag-Pasko. Ngayon wala sa isip ko. Pero nung nakita ko nga yung mga pics nila na magkakasama, naligo ako after at napakanta na lang ako ng, “Diba’t kay ganda sa atin ng… Paskoooo… Naiiba ang pagdiriwang ditoooo…” “Ang Pasko ay kay sayaaaa… kung kayo’y kapiling naaaaa…” Hays. Yung next next uwi ko talaga, pipilitin kong makauwi ng Pasko at Bagong Taon.
Pero nung binihisan ko na ng Christmas costume yung mga pusa namin, dun nagpick up yung mood ko. Super cute nilaaa.
😻😻😻
May pics din ako ni Almond at Whiskey.
😘😘😘
Naisip ko naman hindi lang naman ako ang nalulungkot samin pag Pasko. Kasi nag-video call ako sa Mommy (lola) nung andun kami sa mga tito ko. Ayun sa kanya talaga ko nagmana.
I got her cry baby genes 😅 We miss you Mommyyy ❤️
3PM yung movie kaya naggayak na kami nung hapon. Halos puno din yung theatre. Ang ganda ng No Way Home. ANG GANDA. Sulit na sulit yung 2 hours. Balak ko next year ganto ulit. Nood ng movie. Parang eto na yung magiging tradition 🙂
HANGGANDA TALAGA
Medyo naasar pa ko kay Kenneth kasi gusto kong mag-picture kami dun sa photo booth as Christmas souvenir namin. Tapos sya ang unenthusiastic nya. Di naman nya ayaw. Parang wala lang yung reaction nya. Kaso di na rin natuloy kasi wala kaming $5 na cash. Meron akong $10 pero hindi daw nagbibigay ng sukli yung machine.
Nung nakalabas na kami naisip ko, eh di bibili ako ng kahit ano para ma-break yung $10. Kaso paglingon namin “ang haba” na daw ng pila papasok. Tapos si Kenneth parang ayaw na tumuloy. Yung mahaba sa kanya eh limang tao. Kaya tinamad na talaga ko. Medyo nawala ako sa mood.
Tapos nung nasa sasakyan na kami, dinidistract ako ni Kenneth ng mga thoughts nya about dun sa movie. Alam nya kasing nagustuhan ko yung pinanood namin at alam nyang asar ako sa kanya. Tsss.
Anywayyy. Paguwi namin medyo lumipas na rin naman at naging successful yung pag-distract nya sakin kasi ang dami kong thoughts about dun sa movie. Wala naman akong choice kundi sa kanya i-share. At naisip ko mag-picture na lang kami ng mga kitties.
Ayun. Next year mag-eextra effort na ko. Kasi alam kong ma-FOMO nanaman ako sa mga pics nila next year kaya kelangan kong ma-distract at magkaron ng sarili naming thing.
Subscribe to get access
Read more of this content when you subscribe today.
Sorry! This product is not available for purchase at this time.
Bago ako nag-start magsulat, chineck ko sa blog ko kung meron ba kong post nung previous birthdays ko. Nakita ko meron akong 29th at 32nd. Nung 29th birthday ko, yun pala yung last birthday ko sa Pinas. Tapos nagtaka ko bakit wala akong post for 30th at 31st. Tama yung hula ko kung bakit wala.
Bumawi ako sa birthday ko ngayon this year. Yung past two birthdays ko kasi hindi ganun ka-okey. Kasi nga wala dito yung family and friends ko. Pero ngayon siguro medyo naka-move on na ko kaya nakapag-celebrate ako ng maganda at masaya.
Excerpt from my 32nd Birthday Bop blog post
Parang ngayon pa lang pala ko nakaka-adjust kasi masaya din yung 33rd birthday ko. Hindi ako masyadong na-homesick. Plus hindi rin ako na-stress pagluluto. Kasi last year napagod kami sa festivities kasi nga ang dami masyadong handaan dahil parehong December ang birthdays namin. So ang plano this year, kain lang kami sa labas kung san namin gusto.
You’re in the mood for something weird and quirky but also dark and disturbing
You’re interested in a book that examines identity and conformity. But it’s also a love story between a woman and a store.
Kung at one point in your life you felt like you didn’t belong in your inner circle (or the society as a whole) which resulted to a “need” of having to fit in
QUICK AND TAMAD SUMMARY
Keiko is a 36 year-old Tokyo resident who works in a convenience store since she was 18. Masaya naman sya at wala syang balak na mag-quit kasi sobrang kuntento sya sa trabaho nya at sa buhay nya in general. Kaso andaming echosera na sobrang judgmental kasi sa age daw nyang yon, dapat daw may asawa at anak na sya. At dapat daw makahanap na sya ng ibang trabaho kasi minamaliit nila yung trabaho ni Keiko as a convenience store worker.
I would assume you already read the book so hindi na ko magta-try ikwento, pero gusto ko lang i-highlight yung mga moments na meron akong na-feel na strong emotions while reading the book like yung sobrang natawa ako or nagulat ako. Tapos may konting personal stories kung pano ko naka-relate.
At speaking of gulat, matiwasay lang akong nagbabasa kasi sinimulan nung author yung storya na bata pa si Keiko. So na-imagine ko naglalaro sila sa park with her playmates. Cutie cute cute. Tapos may nakita silang patay na ibon. Nung pinakita nya yung dead birdie, at nai-imagine ko pa yung enthusiasm nya, sabi nya sa nanay nya, “Let’s eat it!” At dun ko na-realize na kakaiba ‘tong si Keiko at kakaiba ‘tong librong binabasa ko.
Ang ganda ng gising ko ngayon. At ang ganda ng lighting dito sa apartment. Wait picturan ko.
Nung nagising ako ayoko pang bumangon. Tapos biglang nag-tiptoe si Walnut sa likod ko tapos minassage ako. Sarap 🥰
Kagabi sabi ko kay Kenneth bumalik na kaming Pilipinas. Baka mas magandang dun na lang kami. Feeling ko sanay na sya. Kasi parang hindi nya masyadong sineryoso yung sinabi ko. Tapos na-realize ko din na baka eto na talaga ang epekto ng December sakin. Tapos nababasa ko pa sa family group chat namin na may out of town sila. Nalawasan nanaman ako.
Hindi ko pa talaga siguro tanggap. At feeling ko hindi ko talaga matatanggap. Na malayo ako sa kanila at ang daming okasyon na hindi ako kasali. Na tamang tingin na lang ako sa pictures nilang magkakasama at masasaya. At ang worst pa, ako naman ang nagdesisyon na pumunta dito. So bakit ako nagrereklamo.
Wait wait. Nagsimula ako sa ang ganda ng gising ko tapos biglang eto nanaman ako sa pagra-rant ko about sa distance ko sa family. Tigil muna. Isipin ko na lang muna kung anong gagawin ko sa magandang araw na ito.
Magbabasa ako. Mag-eexercise ako bago maligo. Tatapusin ko yung book review ko ng Convenience Store Woman. Maglalaro ako ng AI. Baka manood ako ng k-drama. Ongoing na ang paglalaba so that’s good. Nakapag-yoga na rin ako. Gagawa ako ng bagong posters for the book club. Yun. May in-applyan nga pala kong Illustrator job. Ay wait wait wait!
Bakit hindi ko ‘to nakwento. Kinontak ako ng Procreate!! As in legit sila talaga yun kasi nag-DM sila sa IG ko tapos totoong account talaga nila kasi may verified badge.
Procreate slid into my DMs 🤩
Kahit nakita ko na yung badge, hindi pa rin ako makapaniwala. Feeling ko na-hack sila. Ang tagal ko nang hindi nagd-drawing so hindi ko alam bakit out of the blue nahanap nila ko at kinontak nila ako! Ako! Grabe yung validation na na-feel ko. Kaya bigla akong napaisip kung bibili ba ko ng iPad para mag-continue ulit kasi nga wasak yung screen ng iPad ko (thank you Walnut).
Yung home button tanggal na rin kaya nilagyan ko ng washi tape 😅 Naibenta ko naman yung Wacom ko so meron akong kaunting funds pero nanghihinayang pa rin ako. Tingnan natin.
So may in-applyan akong illustrator job pero malabo naman akong makuha dun. Lalo pa ngayon hindi naman ako active. Pero love ko kasi yung company kaya I took my shot. Ayun.
Kakatapos ko lang magpakain ng mga pussies. Maglinis ng litter box nila at magvacuum. Lapit na birthday ko pero parang hindi na ganun ka-special. Parang hindi na nagma-matter yung edad pag nasa 30s ka na. Hindi nga ako sure kung pa-32 or pa-33 or pa-34 na ko this year. Para naman kasing walang nagbago. Hindi katulad dati na laging may milestones. Pag ganitong age, highschool na, pag 16 or 17 college na. Pag early 20s job hunting stage. Pag late 20s inaabangan mong mag 30 ka tas feeling mo ang tanda tanda mo na. Pero after 30 parang wala lang. 10 yrs pa yung aantayin para maging significant ulit kasi 40 ka na.
Ang gusto ko lang sa birthday ko, ayaw kong ma-stress. Gusto kong kumain na lang sa labas. Pero at the same time, gusto ko rin makipag-socialize kaso tinatamad akong magluto. Kaya baka umorder na lang kami ng pizza, bumili ng roasted chicken at cake. Okay na siguro yun. Basta busog. Nakakahiya lang kasi dun sa mga bonggang maghanda. Tsaka nakagawian na ng mga Pinoy na pag nang-invite, madaming food. Kaso since birthday ko naman, ako na lang masusunod.
Bakit kaya nakagawian na magpapadala ka ng pangkain sa Pinas pag birthday mo? Para sakin ang unfair. Maghahanda sila para sakin tapos ang saya saya nila magkakasama sila, tapos kami nandito lang, pinapanood yung mga pictures nilang masasaya at sama samang kumakain. Hindi ba pwedeng i-classify as torture yun. Na-miss out mo na nga yung masayang kaganapan, nagastosan ka pa. Hays bakit ba ganun ang mga Pinoy. Sino bang gumagawa ng tradisyon na yun. Ang pangit pa sa ganitong age, sobrang rare mo na makatanggap ng regalo. Na-miss ko nang magbukas ng regalo sa birthday ko. Puro ako na lang lagi ang nagbibigay.
Na-ooverwhelm lang siguro ako sa gastos ngayong December. Kasi birthday ni Kenneth at birthday ko December, tapos Pasko. Tapos bagong taon. Nakaka-miss yung mga times na favorite month ko ang December. Kasi bibigyan ako ng pera ng magulang ko, ililibre ko mga barkada ko. Tapos reregaluhan ako ng lola ko ng libro. Yung ibang mga tita ko din may regalo. Anyare.
So good news. Naka-recover na ang Mama at Tricia. Kaso may nag-positive naman sa pinsan ko. Pero mukang okay naman sya. Mild case lang. Hays sana last na sya. Based sa nasasagap ko at based sa kaibigan namin na doktor, bumaba naman na daw ang cases. Sana magtuloy tuloy.
Sabi ko ipapahinga ko yung mata ko kasi kanina pa ko nakaharap sa screen. Pero parang di ako mapakali. Kaya nagsusulat ako dito ngayon.
Kanina bigla kong naisip yung bestfriend ko nung elementary at kung bakit kami nagkaron ng falling out. At kung pano sya nakaapekto sa attitude ko towards friendships. Pero saka ko na ikkwento. Naalala ko lang na naalala ko sya kanina.
Excited ako this weekend kasi makikita ko na yung baby ng friend namin dito. Kakapanganak lang nya last week ata. Magb-bake ako ng lactation cookies para may dala kami pagpunta dun. Nakakainis lang kasi nalimutan kong bumili ng chocolate chips kanina nung sumaglit ako sa No Frills. Ang tagal kong pinagisipan kung lalabas ba ko kanina kasi ang lamig na. Tapos nung nag-decide akong lumabas may nalimutan pa ko. Kakasura.
Nagkaron nanaman ako ng time magmumi muni since solo nanaman ako dito sa apartment. Narealize ko lang kung gano ako kakuntento ngayong moment na ‘to. Oo marami pa kong mga bagay na gustong gawin pero tanggap ko na hindi pa sya abot ng kamay ko ngayon (tulad ng paguwi sa Pilipinas para makasama ko na ang pamilya ko). Tanggap kong sa future pa sya mangyayari. Kaya tuloy ngayon, ang gaan ng pakiramdam ko.
Thank you Mama at Papa dahil pina-experience nyo sakin ang buhay. Kahit alam kong hindi ako planado, salamat dahil hindi kayo marunong mag-family planning, nabuhay tuloy ako.
Oo madami ring hindi magagandang nangyari sakin. Pero mas madami pa din yung masasaya at makabuluhan. At feeling ko yung mga pangit na nangyari, yun din yung nagbibigay ng extra saya sa mga moment na masasaya. Parang sa ibang tao kung ire-rate nila yung isang masayang bagay na 6 out of 10, sakin 9.
Kaya talagang kailangan ko palang alagaan ang sarili ko. Yun lang yung pwede kong maisukli sa mga magulang ko. Alagaan yung buhay na binigay nila sakin. Kailangan kong hindi lang pahabain yung buhay ko, kundi siguraduhin din na makabuluhan sa abot ng aking makakaya. At dahil dyan, maliligo na ako.
Nagpapahinga muna ako sa paglalaro ng Axie. So magsusulat muna ako dito. Mga nangyayari sa buhay ko ngayon. In general ano nga bang nangyayari sakin ngayon? Ah. Medyo nagiging busy ako ngayon. Kasi manager na ko. Haha. Wala akong magagawa kasi manager yung tawag nila pag meron kang pinapalaro na Axie teams sa iba. Yun yung pinagkakaabalahan ko these past few days. Pagha-hire ng scholars. Hindi ko rin alam bakit sila tinawag na scholars.
Tanginang shield yan
Busy din ako paglalaro. Yun lang naman yung routine ko eh. Make sure na may pagkain kami during meal times whether magluto ako or umorder online, matapos yung paglalaro ko ng Axie, at try na isingit ang pagbabasa between those two. Plus maki-update sa nangyayari sa cryptoverse para maging at ease na meron pa kaming pera pagdating ng retirement namin. Yun. Importante na meron tayong routine para hindi kung ano-anong pumapasok na mga unnecessary things sa utak natin.
Na-discover namin sa Costco. Crispy apple chips. Kakaadik.Isa sa mga nil-look forward ko sa araw-araw ay ang magmeryenda
Kausap ko kagabi ang Mama. Nagkkwentuhan lang kami at kinakamusta ko sila kasi nag-positive sila ni Tricia. Ayoko munang makampante hangga’t hindi pa sila nakakarecover talaga. Basta everyday winiwish ko sana maging okay na sila at maging back to normal na. So sa pagkkwentuhan namin, tinanong nya ano daw hapunan namin. Sabi ko ito:
Ayun. Tapos ngayon anniversary nila. Hindi sila makapag-celebrate ng maayos dahil nga naka-quarantine pa sila. Baka umorder na lang daw sila ng food or magluto ang Papa. Hays sana talaga ok na sila. Buong family kasi ng kuya nag-positive din. Daddy rin ni Kenneth. Buti naka-recover sila ❤️ Kaya Mama at Tricia magpagaling na kayo.
Kahapon ‘to nung nasa totoong office nila si Kenneth. So sya muna officemate ko kahapon.
Dami naming nadiscover sa Costco last week. Nung nasa Costco kami ewan ko pero parang walang topak si Kenneth. Anything na ituro ko umo-okey sya. Madalas kasi laging kontra. Mahal daw etc. Pero that day di sya masyadong kontra so ang dami naming snacks. Pero nung pauwi na nag-away kami haha. Biglang naging masungit. Lagi talaga yun! Umiinit ang ulo pag naggrocery kami. Sinabi ko na nga na wag na syang sumama. Mag stay na lang sya sa sasakyan. Nakakahawa kasi yung negative energy. Ang saya saya kong maningin ng mga prutas, karne, chocolate, tapos biglang pag tingin mo sa kanya feeling mo tinotorture sya. Kakasura.
Eto yung nakakaadik
Ah tapos last week, pumunta kami sa birthday-an nung officemate ni Kenneth. So na-meet ko din officemates nya. Ang saya din nung gabi na yun. Ang sarap ng food at company. Tapos may karaoke pa so nagkantahan din. Nagpalitan lang kami ng mic ni Hope (katabi ko) kasi mahilig din pala syang kumanta. Sana maulit!
Haha nakakatawa naki-twinning pa si Kenneth dun sa may birthday
Ang saya din pala nung baby shower nila Trix kaso wala akong picture. Noon na lang ako ulit nakapaglaro ng Pusoy Dos tapos super cute ni Muy.
Ang lawak at ang ganda ng bahay nila. Nakaka-inspire.
Wala na kong maisip na significant na nangyari. Ah last. May Nintendo Switch na sila Nick so naglaro kami nung minsan ng Overcooked 2.
Bulok ni Nick! Hahaha joke. Pero medyo kasi merong game na tarantang taranta sya (naka-video call kami) tapos sigaw ng sigaw pero yung character nya nakatayo lang 🤣🤣🤣 Tanga eh hahaha. Sana maging available ulit sya gusto ko ulit maglaro. At para magamit naman yung Switch namin na naka tengga na lang.