Mga random ganaps:
Pinanood ko yung documentary ni Billie Eilish kasi napakinggan ko sa WUWJAS podcast na super ganda raw. Eh wala akong Apple TV+ so finally in-avail ko na yung 1 year free trial kahit matagal na kong aware na merong ganun. Parang hindi kasi magaganda yung shows dun. Parang yung pinaka okay na ata is yung kay Jen Aniston/Steve Carell/Reese Witherspoon na The Morning Show. Although di ko pa rin yun napapanood. Nasagap lang ng radar ko.

Anyway, sobrang ganda ngaaa! Hanggang ngayon may lingering effect pa din yung documentary na yun. Ang full title nya is Billie Eilish: The World’s a Little Blurry. Feeling ko ang worth it na magbayad ng one month subscription of Apple TV+ para lang mapanood yun. Ganda talaga! After ko mapanood yun parang biglang nagkaron ng spark yung creativity ko. Naatat ako bigla mag-paint at gumawa ng something na artistic. Nakaka inspire yung magkapatid. Bukod dun, pinakita talaga yung vulnerabilities ng isang music artist. Super ganda rin ng editing. Basta panoorin nyo na! Hindi ako super Billie Eilish fan pero nagustuhan ko talaga ng sobra. One of these days papanoorin ko ulit yun.

Diba nabanggit ko noon na gusto kong matutong mag-French. Kaso on and off yung attempts ko. Sa Duolingo lang din ako nag-aaral (add me @mariyangglinez). Surprisingly, nagkaron ng interest si Kenneth sa French language. Tapos bigla na lang din nya dinownload yung Duolingo app. So ngayon ang saya! Kasi nagpapagalingan kami haha. Diba parang normal naman sa mga couples yung nagpapagalingan sa mga games. Eh sa Duolingo kasi merong ranking or leagues so medyo parang game din pero natututo ka ng ibang language. Hindi ganun ka-swak yung mga interests namin kaya nakakatuwa na meron kaming additional thing na pareho naming na-eenjoy.
Speaking of pagkakasundo, isingit ko na rin yung bago naming pinapanood na K-drama. Vincenzo! Since naging crush ko si Song Joong-ki sa DOTS, na-curious din ako dito sa bago nyang drama. Looking forward kami every weekend kasi may new episodes every Saturday and Sunday. So nung lumabas yung bagong episode for Saturday, pina-pause ko kay Kenneth. Sabi ko parang ang sarap kumain ng Korean noodles habang nanonood. So tumigil muna kami panonood para bumili ng noodles, wine at beer.


Eto yung na-paint ko few days after ko mapanood yung Billie Eilish docu.

Pagdating sa mga binabasa ko, natutuwa ako sa mga binabasa ko nowadays. Kaso since ang dami ko ngang pinagsasabay-sabay, hindi tuloy ako makatapos. Pero ang honorable mention sa pitong binabasa ko ay yung Big Magic by Elizabeth Gilbert. Yung author ng Eat, Pray, Love na medyo mababa yung rating ko. Pero etong Big Magic kahit hindi ko pa sya tapos, sure 5 stars ‘to sakin. Sobrang swak na swak sakin ‘tong libro na ‘to. Ang gandaaaa. Sa sobrang ganda (at rare ko ‘tong gawin) umorder ako ng physical copy. Para syang bible for the creatives. Kaya ako bumili kasi gusto kong nakapatong lang sya somewhere na lagi kong makikita para pag kelangan ko, dadamputin ko lang yung book at magbabasa ng random chapter para ma-feel better ako. Sobrang therapeutic nya sa mga nararamdaman ko this past few months at gusto ko lagi lang syang andyan.

More random pics:











