Ang daming exciting na nangyayari sa art community ngayong April. Nakakatuwa kasi nagkakaron ng konting structure yung araw ko kasi medyo nagiging busy na. Although mahina pa rin ang pumapasok na cha-ching, at least mas productive na ko ngayon. Since ang original plan naman talaga eh nasa school ako dapat ngayon, kung tumuloy ako wala naman talaga kong income sa mga panahon na ‘to. So yun na lang ang iniisip ko para hindi ako ma-pressure na dapat meron akong steady flow of income. Iniisip ko na lang pumapasok ako pero ako yung gumagawa ng sarili kong curriculum.
Speaking of the ganaps, unahin ko siguro yung Digital Art Bootcamp ni @rossdraws. Medyo parang art school yung style kasi meron syang ginawang syllabus. Halos sakop nya lahat except wala akong nakita na ang focus is perspective. Bulok ko pa naman dun pero oks lang.

Yung duration is from April 2021 to January 2022 (so 10 months) and then around 1k pesos lang per month yung damage. Sobrang sulit na. But wait, there’s more! May pa-contest din sya. Every month kasi may assignment tapos sa end ng bootcamp, may judging ng assignments and yung mananalo may cash prize na $1,500! Hindi naman ako nageexpect manalo pero nakakatuwa yung pa-contest. Kahit 2nd place lang okay na ko kasi $1,000 yung 2nd placer haha. May $500 din for the fan’s pick. Ang saya lang nakaka-excite.
Second, nagpa-member ako sa WIA (Women in Animation). Organization sya for women who want to advance their career in animation. Dominated kasi ng males ang animation industry so yung goal nila is 50/50 by 2025. So para ma-reach nila yung goal, madami silang pa-events para matulungan yung mga aspiring female artists na magkaron ng career sa animation. So this April meron silang mentorship program for that. Sobrang gandang opportunity kasi unlike yung bootcamp, eto may meetings talaga with the mentor tapos small group lang kayo so medyo tutok. Pero kelangan mo pa din mag-apply tapos pipili yung mga mentors among the applicants. So nakapag-submit na ko ng application and hinihintay ko na lang kung nakapasok ba ko.
Technically free sya. Pero medyo hindi. Kasi para makapag-apply, kelangan member ka ng WIA. Yung membership nila is $50 annually so not bad na rin naman. Kahit hindi man ako mapili as mentee, may access pa din yung members sa exclusive events nila. Plus access sa job postings na hindi mo makikita sa public sites. Okay pa din.
Yung in-applyan ko nga pala is Matte Painting & Background Art in the Entertainment Industry. Sana makapasok akooooo. Sobrang idol yung mentor kasi nagwork sya sa Spider-Man: Into the Spider-Verse at sa Game of Thrones!!! Grrrr.
Lastly, the PleinAirpril Challenge. Yun yung ginagawa ko since the beginning of April. You have to paint for the entire month of April so 30 paintings in total and kelangan mo syang i-post sa Instagram daily. May mga rules and themes and hashtags na kelangan ilagay para makapasok yung entry mo. Again, hindi ako nag-eexpect manalo pero gusto kong magka-chance manalo ng iPad Pro! Haha. Pero wala. Sobrang daming magagaling. Pero okay lang. Tina-try ko pa din syang gawin kasi ang productive ko! Araw-araw nakakapag-produce ako ng painting at hindi yun normal sakin. Pa-5th consecutive day ko today at actually kelangan ko nang magsimula kasi aabutin nanaman ako ng 11PM. Ang tamad ko kasi talagang mag-drawing sa umaga. Gusto ko yung palubog na yung araw. Ewan ko ba.
Eto yung isa sa mga na-produce ko the past few days. Grabe nakakapagod.
Okay magddrawing na ko. Baka abutin nanaman ako ng ilang oras manonood pa kami ng Vincenzo ni Kenneth mamaya. Pero again, ang exciting ng mga nangyayari! Sobrang hindi ko talaga nire-regret na hindi ako tumuloy sa art school. Ang daming oppportunities na available online. Kung tumuloy ako, baon na siguro kami sa utang tapos hindi ko pa alam kung matutuwa ba ko sa program na pinili ko. Okay bukas na ulit!