Sinabayan ko ng music at meditation yung yoga ko kanina. Ang sarap. Ang gaan sa pakiramdam.
Category: Life
Today’s Log #19 | Almond on My Mind
Doing this para ma-distract ako sa kalungkutan.
TUESDAY
6:55 AM
Nagising ako ng 4:44 AM at si Almond agad ang una kong naisip. Chinat ko yung vet clinic slash pet hotel kung kumakain ba si Almond. May chat din ang Mama tungkol sa crypto na scam daw.
Natulog ako ulit pero pilit. Nagising ako ng 6 AM pero wala pa ding reply yung clinic. Baka maaga silang magsara.
Kaya nga pala nasa pet hotel si Almond kasi mangangasal ang in-laws ko at 3 days silang wala. Pinagisipan na namin at wala talagang ibang paghahabilinan kay Almond kaya no choice na dun sya iwan. Pwedeng sa iba, OA yung lungkot at iyak ko, pero wala akong time at energy mag-explain kung gano ko sya kamahal.

Iwan si Almond
Iwan si Almond sa pet “hotel” for 3 days. Ganda ng tawag—pet hotel—pero nakakulong lang naman sya sa cage. Tapos ang dumi pa. Hays. Gusto ko nang dalhin dito si Almond sa next uwi ko. Sobrang hirap kasi. Bawal sila na kasama ng pasahero, sa air cargo lang daw. Eh ayoko naman na solo si Almond dun tapos ilang oras ang byahe, 15-18 hours. Di ako mapapakali.
Kanina pa ko umiiyak. Nai-imagine ko kung gano sya ka-uncomfortable ngayon. Sobrang sweet pa naman ni Almond. Lalo akong naiiyak nung ka-chat ko si Aryen kasi umiiyak din sya. Hay gusto ko nang mag-Friday night para makabalik na ulit sya sa bahay. Sorry Almond 😭

Best TikToks I Watched Today
1. What a 67-year old woman thinks about aging
https://vm.tiktok.com/ZMFuMeK4R/
2. Bilib na bilib talaga ko sa magagaling sumayaw
https://vm.tiktok.com/ZMFu6pQo2/
3. Funny video of a cute kid and a cat
https://vm.tiktok.com/ZMFu6tCJh/
4. This got me teary eyed
https://vm.tiktok.com/ZMFuMREWC/

Na-realize ko lang na natawa, namangha, at nalungkot ako in a matter of minutes. Healthy ba ‘to.
Hay. Life is short. Rest in peace ate Tin 🤍 I feel guilty that we drifted apart because you’re a wonderful and kind person. We had a lot of good memories and fun conversations. You were like a big sister to me. Nakakahinayang at nakakalungkot na wala ka na 😔 I miss you.

Tagal ko nang di nakakagawa ng ganito. Na-miss ko so gagawa ako ngayon.
WEDNESDAY
5:40 AM
Aga kong nagising. Bumangon na ko kasi natatae ako.
6:10 AM
May ka-chat ako na may apply din dun sa company na inaantayan ko ng update. Hays ang tagal naman magkaron ng linaw. Ano ba? Tanggap ba ako o hindi??
* hays sabi ko di na ako magbubukas ng social media sa umaga
6:35 AM
Nagbabasa ako ng mga articles na naka-save sa Instapaper ko. Yung isang article ay yung sinend ng journaling buddy ko last week na ngayon ko lang naisip basahin. Tungkol sya sa manifestation.
7 AM

First Man by Camila Cabello

We’ve been enjoying watching the new season of The Voice where Camila Cabello was a judge. She mentioned once or twice the time when she performed a song to her dad during the Grammy’s. I remembered it now and looked it up then decided to watch it. Four minutes later, I was BAWLING.
After 2 months of online classes, first time namin mag-meet in person kagabi! Pero di lahat nakapunta. Siguro half ng class nasa Zoom tapos kaming other half nasa classroom. Feel na feel ko talaga yung pagka-estudyante kagabi tapos ang ganda nung campus. 1818 sya tinayo so 204 y/o na sya. Gabi yung klase namin so hindi ko sya na-picturan ng maganda.

Fake Twitter #14
After 4 months, I updated my now page. I’m thinking of converting this to a newsletter (kung free magka-newsletter). Ngayon kasi, natanggap ko na na may nagbabasa pala talaga ng blog ko. Di kasi ako makapaniwala nung una. Eh pag newsletters kasi may option to reply via e-mail yung reader. La lang parang mas masaya lang na makausap kayo ng hindi via comments lang.
After kong i-enumerate kahapon ang mga happy things na nangyari the past few weeks, may ikikwento akong sad thing. Hindi ako na-hire dun sa isa kong in-applyan. Matanda na ko para magmukmok pero may percentage pa rin hanggang ngayon na nasasaktan ako. Mga 5% na lang naman. Tapos di ko alam kung yung 5% ba na yun ay kalungkutan ba talaga dahil hindi ako natanggap? O disbelief na, “Bakit hindi ako natanggap?” Is it pure sadness or is it my ego? Either way, okay lang yun. It’s normal to feel these feelings.
Sa buong proseso ng paghahanap ng trabaho, interview talaga ang pinaka pinaka hate ko. Alam kong kaya ko yung trabaho pero ang hirap patunayan through interview. Hays. Pero ang alam ko lang ngayon, kung magkakaron man ako ng isa pang interview, mas makakasagot na ko ng maayos. Baka mas less na yung dugdug sa dibdib ko dahil parang nagkaron ako ng practice sessions from my previous interviews. Kaya go lang. Try ulit.
Meron pa kong dalwang pending applications na hindi pa alam ang result. So sana naman kahit isa dun makuha ko. Kasi kahit mas prepared na ko, ayokong ma-interview nanaman! Sobrang nakaka-stress. I-hire nyo na lang ako please!
