Categories
Games Hanash

Tamagotchi Deprived Adult

Tandang tanda ko nung elementary ako, nasa mall kami ng Mama (sa Ocean Palace Mall na wala na ngayon). Hindi ako yung tipo na nagpapabili ng mga laruan kasi alam kong di kami mayaman. Kaya gulat na gulat ako nung tinanong ako ng Mama kung ano daw gusto ko. First time ko narinig sa kanya yun tapos nasa mall kami! Di ako nagsayang ng segundo, tamagotchi agad ang sinabi ko.

Nung andun na kami sa bilihan ng tamagotchi at tinanong ng Mama kung magkano, nase-sense ko nang hindi ako magkakaron ng tamagotchi nung araw na yun (and apparently kahit kailan). After sabihin ni ate yung presyo, sabi sakin ng Mama, “May iba ka pang gusto?”

Ang ending, doll house ang binili namin. Nung moment na yun, wala sa top list ko ang magkaron ng doll house. Pero nung tinanong ako ng Mama kung gusto ko daw yun, umoo ako. Masaya pa rin naman ako that day kasi nga minsan lang yun mangyari. Minsan lang kami pumuntang mall at may plano pala ang Mama na bilhan ako ng laruan ng walang okasyon!

Nung may kakayanan na kong bumili ng tamagotchi, syempre iba na. Hindi na ko bata. Iba na ang interes ko. Nagkataon lang talaga nung time na sabik na sabik ako, can’t afford namin. At kaya ako lalong nasasabik that time kasi may tamagotchi yung tita ko. So minsan hihiramin ko at pag sineswerte, papayag sya.

Minsan pag may pasok yung tita ko, hahalughugin ko yung kwarto nya para hanapin kung nasan yung tamagotchi nya, kasi minsan hindi nya dinadala sa school. Sa paghahanap ko ng tamagotchi, minsan ang mahahanap ko eh mga diaries nya na puro tungkol sa crush nya. So madi-distract ako pagbabasa.

Favorite part ko eh pag tumatae sila tapos tawang tawa ko sa poop icon dun sa screen. Tapos may walis at dustpan na animation pag lilinisin mo na. Maganda rin talagang ma-deprive sa mga bagay-bagay paminsan-minsan. Feeling ko yung sayang naramdaman ko sa mga konting minutong nahihiram ko yung tamagotchi ng tita ko, ay doble pa sa saya kumpara sa mga araw-araw na naka-tamagotchi.

Minsan, tulad ngayon, naiisip kong bumili ng tamagotchi para lang siguro ma-fulfill yung inner child ko. Kaso pag na-iimagine ko, parang walang sense. Anong gagawin ko dun. Magiging kalat lang yun. Kaya eto, dinadaan ko na lang sa kwento. Tsaka meron na kaming real-life tamagotchis.

At ang dami rin palang nag-reply sa IG story ko ng, “Same!!” nung sinabi kong hindi ako nagkaron ng tamagotchi sa buong buhay ko. So ang dami rin pala naming tamagotchi-deprived adults. Okay na sakin na magkaron ng karamay.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s