Doing this para ma-distract ako sa kulungkutan.
TUESDAY
6:55 AM
Nagising ako ng 4:44 AM at si Almond agad ang una kong naisip. Chinat ko yung vet clinic slash pet hotel kung kumakain ba si Almond. May chat din ang Mama tungkol sa crypto na scam daw.
Natulog ako ulit pero pilit. Nagising ako ng 6 AM pero wala pa ding reply yung clinic. Baka maaga silang magsara.
Kaya nga pala nasa pet hotel si Almond kasi mangangasal ang in-laws ko at 3 days silang wala. Pinagisipan na namin at wala talagang ibang paghahabilinan kay Almond kaya no choice na dun sya iwan. Pwedeng sa iba, OA yung lungkot at iyak ko, pero wala akong time at energy mag-explain kung gano ko sya kamahal.

Sobrang wala kong gana ngayon. Wala akong ganang gumawa ng kahit na ano sa sobrang pagiisip ko kay Almond. Pinipilit ko lang ang sarili ko na gawin ang mga usual kong ginagawa sa umaga tulad ng pag-plano ng araw ko. Wala tuloy akong maisulat. Baka ang mangyari buong araw, i-distract ko lang ang sarili ko sa paglalaro nung mga bago kong games.
Sa Friday pa nila makukuha si Almond, Tuesday pa lang ngayon huhuhu.
7:15 AM
Checked my e-mails pero walang effect sa mood ko yung mga updates sa mga online orders ko.

Kahapon nga, dumating yung early birthday gift ko na ilang araw ko nang inaantay. Walang effect. Ayoko munang buksan kasi hindi ko ma-eenjoy hangga’t di pa nakakauwi si Almond. Or pwede rin na sa birthday ko na lang mismo buksan. Kasi since lumipat nga kami dito sa Canada, naging malamya na ang mga birthdays ko.
7:30 AM
I’d like to think that this is the universe trying to cheer me up.


8:10 AM
Nag muni-muni ako for 10 minutes at ginawa ko yung space-time bridging na natutunan ko dito (from Andrew Huberman’s YT channel). Basta yung effect nya sakin, it gets me out of my own bubble at mas lumalawak yung current perspective ko. Kelangan ng konting focus at imagination pero effective sya for me. Medyo na-refresh ako at nakatulong sya sa mood ko.
Dahil dyan, nagkaron na ko ng gana magbasa. Itutuloy kong basahin yung Under the Whispering Door ni TJ Klune. Fantasy adventure sya na may pagka-comedy kaya I think this is a good choice.

10:10 AM
Naligo, nag-vacuum, nag-ayos ng hugasin, nag-scoop ng cat poop, at ngayon, kakain habang nanonood ng Raising Hope.

12:15 PM

Studied French for an hour. This is a good sign. A sign that I’m feeling a bit better.
12:35 PM
Not that I play many games, but I have found the most beautiful game I have ever ever played. The art, the music, the emotions. Aghh. I’m so happy I discovered this game. It’s called GRIS.
Nalaman ko ‘to from a watercolor artist na fina-follow ko sa IG. Basta bigla na lang syang nag-post about a game tapos from his posts, ang interesting at ang ganda nung art. Nung naging available na yung game, since kuripot ako, hindi ko muna binili. Nakalagay lang sya sa wish list ko.

Ilang months nang walang gumagalaw ng Switch namin at naisip ko na syang ibenta kasi parang di nasusulit. Sinubukan ko lang ulit laruin yung nilalaro ko before (Cozy Grove) tapos medyo na-hook na ko ulit. Tapos kahapon pumunta ko sa wish list ko at nakita kong naka 60% off yung GRIS, $5 na lang! Ayun binili ko na at enjoy na enjoy ako—kahit medyo nahihirapan akong i-figure out pano maka-move on from one challenge to the next. Hays ang ganda talagaaa.
4:30 PM

Nag-dinner (leftover lechon paksiw) at kakatapos ko lang panoorin yung first episode ng Wednesday. Muka syang fun pero hindi pa ko sobrang hooked. Trying to warm up pa sa mga characters.
6:40 PM
Kakatapos lang namin ni Kenneth manood ng isang episode ng The Voice at naiyak ako dun sa last performance. Umiyak kasi si Gwen Stefani, nadala lang ako. Pero ang galing. Ang pambato ko ay si Parajita.
Nakakatawa si Kenneth mas invested pa sya sakin. Pag may natatanggal na magaling tapos may nag-stay na hindi kagalingan, sobrang affected sya. Galit sya sa mga voters 😂
7 PM
Yay nagreply na yung taga pet hotel! Kumakain daw si Almond at nagsend uli sya ng mga pics. Buti na lang mabait kausap yung taga dun.

Tapos sabi ko baka pwedeng i-pet nila kasi mahilig si Almond magpa-cuddle. Yes daw. Mag-send daw ulit sya ng pic mamaya. Hays. Konti pa Almond uuwi ka na rin 😢
9:20 PM
Pinapanood ko lang si Kenneth maglaro nung GRIS. Mukang nagustuhan nya rin hehe. Tulog na rin ako maya-maya. Good night!