We’re back to Downtown. Dito lang kami buong day except sa aming last stop (another mall 😂). We have two main events. Visit Calgary Tower and the most beautiful library I’ve ever seen in my life. Hayy. What a dream 🤍
Hindi nakakapagod pero sobrang init ng araw na ‘to. But worth it! Ang ganda ng mga nakita namin. Day 3 is Drumheller day. Ang sabi sa research ko about this place ay:
This region is known as the Canadian Badlands. It is home to the largest deposits of dinosaur bones in the world
Ang dami kong blog posts na hindi natutuloy kasi hindi ko sya matapos ng isang upuan, so naiipon at naiipon lang sila sa drafts kasi nawala na yung enthusiasm ko to finish writing them. Pero eto pipilitin kong ituloy kahit antok na ko. Naka 3 hours lang ako ng tulog kagabi huhu.
Last day ko sa work kahapon and it was bittersweet. But it was more sweet than bitter. Bitter kasi wala na ulit akong regular income. Pero sweet kasi miss ko nang magkaron ng more time to do stuff, like writing here. Looking forward akong magbakasyon at ipahinga ang likod, braso, at kamay ko. Eto naman talaga yung dream ko as of now: work ng ilang months, pahinga ng ilang months. Kasi sobrang nakakabitin ang weekend after a 5-day work week. Pahinga muna tayo ngayon.
Hays I’m so sad na nagdadalaga na yung mga bulinggit kong pinsan. Hindi na malambing at hindi na pati namamansin. Yung dati habol na habol sayo at super kulit, ngayon may sarili na talaga silang bubble. Naging teenager naman ako dati so dapat gets ko pero ang hirap kasi tanggapin huhu. Dahil dyan, mas nangangayaw akong magka-anak. Di ko kakayanin ang rejection from my own child 😭
Sobrang tagal ko nang gustong bumili ng slime kay @snoopslimes. Nanghihinayang lang ako. Kaya nung first sweldo ko, sabi ko bibili na talaga ko nung slime. Naka-order na ko at excited na kooo!
It’s the weekend! And April na! Ambilis. Ngayon ko extra na-appreciate ang weekends nung nagka office work na ko ulit hehe. Lumabas kami kahapon. Gusto kong maglakad lakad kasi feeling ko ambilis kong mamamatay sa trabaho ko. May nabasa kasi ako na mas dangerous daw ang sitting for long periods of time kesa sa smoking. Eh sa work ko, kung gusto kong ma-reach yung target, walang galawan. Tapos minsan napapansin ko parang hindi na ko humihinga, or sobrang shallow ng paghinga ko. Kasi feeling ko konting kibo lang mamamali na ko ng type. Kaya naman during breaks, naglalakad lakad ako tapos maghahagdan ako instead of escalator.
May pinapanood ako at bigla kong naalala yung time na na-stranded ako sa Incheon Airport. Konting konti na lang nasa Pilipinas na ko tapos nagkaproblema pa grrr. Pinipigilan ko yung emotions ko that time pero nung kausap ko na ang Mama, wala umiyak na ko. Ang layo na kasi ng nilakbay ko (18 hrs!) tapos papabalikin lang ako?! Pero yung best part, wala akong ibang narinig sa Mama kundi, “Makakauwi ka.” Kahit 99% sure akong hindi na ko makakauwi, ang sarap pa rin pakinggan nung konting hope na baka nga makauwi ako. As a recovering pessimistic, kelangan ko talaga ng mga positive people sa buhay ko. At bilang ganti, kelangan ko rin mas maging positive para sa ibang tao.