Categories
Career Family Life Manitoba

The Weekend

It’s the weekend! And April na! Ambilis. Ngayon ko extra na-appreciate ang weekends nung nagka office work na ko ulit hehe. Lumabas kami kahapon. Gusto kong maglakad lakad kasi feeling ko ambilis kong mamamatay sa trabaho ko. May nabasa kasi ako na mas dangerous daw ang sitting for long periods of time kesa sa smoking. Eh sa work ko, kung gusto kong ma-reach yung target, walang galawan. Tapos minsan napapansin ko parang hindi na ko humihinga, or sobrang shallow ng paghinga ko. Kasi feeling ko konting kibo lang mamamali na ko ng type. Kaya naman during breaks, naglalakad lakad ako tapos maghahagdan ako instead of escalator.

📍 St. Pierre Jolys

Kaya everyday na rin akong nagyo-yoga sa umaga. Sobrang sarap pag nababanat yung katawan ko. Parang naririnig ko yung katawan kong nagpapasalamat sakin everytime nagyo-yoga or nag-e-exercise ako. Kahapon meron akong finollow na video sa YT na ‘yoga after sitting all day’. Ang hirap nung ibang poses pero at least nagkaron ng bagong stretch yung katawan ko.

Pretty sunset during one of my breaks

Finally, nagkaron ako ng time na makipag-telebabad sa pamilya ko. Ang saya na updated ako sa mga buhay nila. Yung as in directly nilang sinabi sakin at hindi yung basta nabasa ko lang sa family group chat. May love-hate relationship kasi ako sa mga group chats in general. Sayang di pa rin kami magkatagpo ng sched ni Aryen kaya di pa ulit kami magkausap 😂

Ngayong Sunday, chill lang. Dito lang kami sa bahay at plano kong mag-update ng journals at yung monthly money tracker namin since tapos na ang March. Sana makapagbasa din ako ng libro ng mas matagal at mabasa ko yung mga naipon na newsletters sa e-mail ko. May French class ako mamaya pero 1 hour lang naman yun. Kelangan ko din palang ayusin yung mga class notes ko.

Pinakita ko ‘to sa Mama tapos nag-congrats. Sabay sabi, “Anong ibig sabihin?” Haha. Sabi ko certificate na ang ibig sabihin ay pwede na ko sa intermediate classes. Tapos na ko sa beginner classes. Mali daw ang translation nya 😂

Okay magbabasa na ko ng newsletters. Natapakan ni Kenneth yung suka ni Walnut hahaha!

More photos from yesterday:

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s