
I had my French skills assessed today and honestly, hindi ako masyadong kinabahan. Hindi rin ako nag-prepare kasi gusto kong ma-gauge talaga yung totoong level ko. Hindi naman ‘to IELTS na dapat mataas yung score. In-evaluate yung speaking, listening, writing at reading skills ko.

Speaking
English pa sya magsalita nung una. Explain explain sya kung anong gagawin namin for the next few hours. Pero nung bigla na syang nag “Bonjour.” Ayan na! Kailangan nang paganahin ang brain cells, kailangan nang halukayin ang mga inaral nung mga nakaraang buwan. Eh di sabi ko rin, “Bonjour.”
Kamusta raw ako. Sabi ko okay naman, ikaw? Okay rin daw sya. Ipakilala ko daw yung sarili ko. Master na master ko na ang pagpapakilala dahil nga araw-araw ko ‘tong ginagawa nung may classes pa ako. Panis. Bakit ko daw gustong mag-aral ng French. Easy. Ano raw date ngayon. Sisiw. Ano daw hobbies ko. Walang problema. Any recent travels? Alam ko na rin sagutin ‘to. Kung may isang bagay daw akong babaguhin sa buhay ko, ano raw yun. Patay…
Second part ng speaking, may pinakita syang picture at pinapa-describe sakin ang nangyayare. At dahil hindi ko alam ang French word for ‘bring’, wala ako halos nasabi. Hindi ako makapag-construct ng sentences. Okay lang. Sa hindi ko alam eh.
Listening
Wala talaga akong maintindihan. Ang bilis magsalita nung mga nasa audio recording. Siguro 2% lang ang naintindihan ko sa mga words na pinagsasabi nila. Yung nire-recall ko pa lang yung ibig sabihin nung words, may sasabihin nanaman na kasunod. Kaya naman eto yung section na pinaka mababa yung score ko.
Medyo kaya ko pa pag mabagal eh. Tulad nung sa speaking nung tinatanong nya ko ng mga questions. May mapick-up lang ako na key word, mage-gets ko na yung context ng tanong. Ganito yung naririnig ko nung kausap ko pa yung evaluator:
“Askt09 37tskg*3# shgl ‘loisir (hobbies)’ lsk28$@ ?”
So gets ko na tinatanong nya kung anong hobbies ko. Or:
“Akhdsg2* kdgo voyager ‘(travel)’ dkhs^&# ?”
So kung nag-travel daw ako. Ganyan yung nangyayari kaya ako naka-survive sa speaking part. Eh etong listening:
“293T8YASGOIGw9375t*(%&)#ndhglakghoaihe)(&#)(*TJkH.”
Writing
Madali lang yung topic so may nasulat naman ako. At since mas mabagal yung train of thought pag nagsusulat, mas nakakapag compose ako ng sentences. Nakatulong din sigurado yung pag attempt kong mag-blog in French dito. Eto yung section na pinaka mataas ako. Tapos nakakatuwa pa kasi pinuri nya yung spelling ko. Mahilig kasi ako sa spelling kaya tina-try ko na wala ako masyadong spelling errors. Ang hirap pa naman ng spelling ng French. Ang dami masyadong sunod-sunod na vowels. Tulad ng ‘beaucoup’ (a lot) at ‘aujourd’hui’ (today).
Bigla ko tuloy naalala nung elementary at college nung sumasali pa ko ng spelling bees. Pag isi-search ko yung mga ‘commonly misspelled words’ para aralin, laging andun yung word na ‘hors d’ouvres’ (I tried na hindi i-Google, check ko kung tama). Haha mali! ‘hors d’oeuvres’ pala. Naalala ko na French word nga pala sya for appetizers pero mukang English word na rin sya (?).
Reading
May 5 or 6 sections ‘tong reading. Yung first two sections madali pa. Pagdating ng 3rd hanggang 6th, sobrang gibberish na. Puro na sya lengthy articles tapos yung last pa, para syang scientific article na sobrang alien ng mga salita.
Nag-give up na ko at hindi ko na tinapos. Pwede naman daw umayaw pag talagang di mo na kaya. Tsaka pag nanghula pa ko, baka maging tama pa yung hula ko tapos hindi maging accurate yung assessment.

Ayun. At last tapos na. Ni-refer nya ko sa isang school para makapag take ng French classes ulit. Syempre libre kasi hindi ako mag e-effort kung may bayad yung klase. For fun lang naman ‘to so ayokong gumastos.

Short anecdote pala, first time kong sumakay ulit ng bus after 2+ years. Nung inaabot ko yung bus ticket sa driver, na-sense ko na agad na may mali based sa reaction nya. Meron nga palang maliit na box sa tabi nya na may slot para ihulog dun yung ticket. Pero dalwa kasi yung slots. Yung isa para sa mga coins.

Upon realizing na hindi ko dapat ibigay sa kanya ang ticket, namataan ko na yung dalwang slots pero nalito pa rin ako at ihuhulog ko yung ticket sa lagayan ng coins. Feeling ko na-amuse din sya sakin kaya kinuha nya yung ticket tapos sabi nya, “You want me to take care of this for you?” Haha basta mabait naman sya. Super nag thank you na lang ako.

The end. Sobrang napagod yung utak ko talaga. Sana may available slot dun sa school para makapagsimula na ako agad.