Categories
Games Hobbies

Games

May bago kaming gadget! Bumili kaming Nintendo Switch nung isang araw. Wala talaga sa plano naming bumili ng Switch kasi PS5 ang natitipuhan namin. Pero hindi kami gamers, so nung nabalitaan namin na sold out na yung pre-orders ng PS5, hindi kami nalungkot.

Excited pa rin kahit hindi adik sa games πŸ˜„

Kaya lang din pati namin naisipan bumili ng console, parang regalo lang sa sarili namin. Kasi hindi kami mahilig bumili ng damit, sapatos, hindi din kami yung tipong palit phone every year. Napapagastos lang kami sa pagkain. Kahit nung nasa Pinas pa kami mahilig kaming kumain at magtry ng iba-ibang kainan. So hanggang dito nadala namin. Mahilig kaming magpadeliver so parang yun na yung luho namin.

Commercial muna ng niluto ni Kenneth na roast pork. Sarap!

So yun na nga. Out of curiosity and para lang din may paglibangan kami pag naiinip, naisipan namin bumili ng PS5. Pero since sold out, aantayin na lang namin yung official release date which is mga 2 weeks from now. Eh kaso nakausap ko yung kaibigan namin. Kino-convince ako na Switch na lang yung bilhin. Eh na-convince naman kami so bumili kami nung mismong araw na yun πŸ˜‚

Grabe yung gastos nung araw na yun at yung sumunod na araw. Kasi syempre pag bumili ka ng Switch, sunod sunod na yung pagbili ng accessories. Screen protector, hard case, another set of controller, charging dock ng controllers, ano pa ba. Basta yung mga yun.

πŸ’ΈπŸ’ΈπŸ’Έ

At ang isa pang unexpected buy, yung AirPods Pro. Haha. Naconvince ko si Kenneth. Sabi ko ibabawas ko dun sa napagbentahan ko ng stickers and sa mga art commissions ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naatat. Siguro dahil malapit nang mag-end of the world.

So yun. Ayaw ko pang tingnan yung credit card bill namin kung magkano na. Kakabayad ko lang last week nung kalahati ng bill eh. Ano na kayang itsura non ngayon.

So far, enjoy na enjoy naman kami paglalaro. Yun pa pala yung isa pang expense, games. Ang mahal pala ng mga laro. Kala ko 1k lang sa peso. Nasa 3k din pala. So pumili sya ng game which is yung The Legend of Zelda: Breath of the Wild kahit wala kaming idea sa story ni Zelda πŸ˜‚ Pero since lahat ng pinanood at binasa namin ay Zelda daw yung the best, eh di yun na. tapos ang pinili ko ay Overcooked 2 at Two Point Hospital.

Kagabi naglaro kami with the couple next door. Ang saya πŸ˜„

Nilalaro ko din yung Zelda. Inabot na ko ng tanghali paglalaro simula nung pagkagising ko. Kaya bukas ayoko munang hawakan yung Switch hanggat hindi pa ko tapos sa mga chores at tasks ko.

Mario lang alam ko πŸ˜„

Ang mga naka-line up na games sa next purchase namin ay Mario Kart 8 at Super Mario Odyssey. Siguro next year na yun pag may bonus na πŸ˜„

Orayt 10 PM na. Antok na din ako. Hindi dumating yung meal kit namin from Chef’s Plate. Sana dumating na bukas para may ready to luto na.

UPDATE: Ang laki ng bill namin! Waaa. Buti na lang dumating na yung welcome bonus. Welcome bonus yung $300 (around 11.5k sa peso) na promo ng bank pag nag-open ka sa kanila ng account. Tapos yung credit card namin may cashback na $200 (mga 8k) eh di may $500 na kaming pambayad na hindi nanggagaling sa bulsa namin. Free money talaga sya kung iisipin. Kaya din malakas yung loob ko na medyo gumastos kasi alam kong may paparating na pera hehe. Pero kahit ibawas sa bill namin yung $500, ang laki pa din πŸ˜…πŸ˜« Bawas delivery muna and tipid tipid.

Categories
Insights Life

Kids or No Kids

Sa ngayon, especially dahil nagkaron ng pandemic, ayaw ko pang mag-baby. Ilang taon ko na ring napag-desisyonan ‘toβ€”although minsan aaminin kong napapaibig akoβ€”kaso for the wrong reasons naman.

Minsan pag may mababalitaan akong parent na hindi maganda ang trato sa anak nya, mapapaisip ako na, “Pag ako naging magulang hindi ganyan ang gagawin ko, ganito dapat…” or “Ano kayang magiging itsura ng magiging anak namin?” or “Pag ako nagkaanak ganito ko sya papalakihin, i-eenroll ko sya sa foreign language class or sa piano or sa ballet…”

So in short, more of ako yung masa-satisfy, and for self indulgence lang yung reasons. Kaya bumabalik at bumabalik ako sa desisyon na ayaw ko pa, or ayaw ko talaga forever.

Categories
Life Today's Log

Today’s Log 6 | Good Day

Ngayon ko lang napagtanto na ang ganda pala ng araw ko ngayon. Ang dami kong nagawa and parang almost perfect day sya kung tatanungin ako kung anong perfect day para sakin. Tsk sana wag ma-jinx hindi pa tapos ang araw. Matulog na kaya ako.

Commercial πŸ˜„ Halloween costume ni Cashew πŸ˜‚

Una, nagising ako ng 7:30 ng umaga tapos almost every morning ganun na yung routine ko. Magtitiklop ako ng kumot, aayusin ang kama, ilalagay yung mga tuyong pinggan sa lalagyan, magwawalis ng nagkalat na litter ng dalwa naming pusa. Tapos ang sarap nung feeling na hindi ako nagmamadali. Wala akong hinahabol na oras. Tapos paglabas ko pa ng kwarto medyo nahapyawan ko pa yung sunrise. Kaya ang saya ko din ngayon eh kase fall na. Hahaba na ulit ang gabi. Maaabutan ko na lagi ang sunrise. So yun ang routine ko sa umaga at more than 2 weeks na ata na ganito. Sobrang amazing nun for me kasi hindi talaga ko nagtitiklop ng pinagtulugan namin dati. Kasali ako dun sa mga advance magisip na magugulo din naman. Pero may inner joy talaga pag maayos ang kapaligiran.

So ang sarap din ng agahan ko. Laing at tinapang bangus. Eto rin ang dinner at tanghalian ko kahapon and ang sarap talaga. Sobrang Pinoy feels and yun yung mga small things na nagpapasaya samin since nandito kami sa ibang bansa. Sana may tira pa para agahan ko uli bukas.

Good job Mama Nors!

Siguro mga past 10am na ko natapos kasi mabagal akong kumain and mabagal nga akong gumalaw. Sumaglit ako sa office at nagtrabaho ng konti. Inasikaso ko lang yung mga orders sa sticker shop ko at nagprint ng konting stickers. Sa wakas gumana na yung Cricut machine ko! Sa wakas talaga.

New sticker sheet

So since magla-lunch time na rin, nagprepare ako nung binili kong salad. Bago sya sa paningin ko nung naggrocery kami kahapon kaya gusto kong subukan (avocado ranch). At since medyo bumibigat na ko eh gusto kong magpaka-healthy ng konti. So another masarap na pagkain nanaman tapos pinaresan ko pa ng ube cheese pandesal na order ko lang din online. Panalo pati tanghalian. I’m on a roll!

Maiba naman muna sa caesar salad

Pagkatapos ng konting trabaho, pumasok ako sa kwarto at nagbasa ng aming September book of the month. As mentioned before, meron kaming book club with my pod sibs at ang book na binabasa namin ngayon ay Stardust by Neil Gaiman. Ang ganda nanaman sa mood kasi ang ganda nung story. Mamaya magbabasa ako ulit kasi malapit na yung discussion namin. So nung nasa almost 20% na ko, as expected, nakatulog na ko. At hindi dahil nakakaantok yung book kasi nga maganda sya. Ganun lang talaga ko pag nagbabasa whether pangit or okay yung book. Kaya maganda din magbasa sa gabi, pampatulog. Pagkagising ko sa idlip ko, nakapagbasa pa ko ng konti so 23% na yung progress ko ngayon.

Ano kayang mangyayari kay Tristan

After non naglaba ako tapos nung napansin kong 4:30 PM na, nag-ready na akong magluto ng hapunan. Eto yung meal kit ulit from Chef’s Plate naman. Hindi ako masyadong nasarapan pero since ang sarap naman nung agahan at tanghalian ko, pwede na. Pagkatapos ng hapunan, ligpit ligpit ng pinagkainan habang naliligo si Kenneth. Tapos nagbonding lang kami sa salas ng konti. May pinapanood syang bagong series na hindi ko trip. Ratched yung pangalan. Ang warm nung hug namin kaya ang sarap sa feeling.

Maple teriyaki pork chops. Ayos ba yung plating?πŸ˜„

Pagkatapos ng few minutes na hug pumunta na ko dito sa office para ipagpatuloy yung pinagaaralan ko na gesture drawing. I think may improvement naman. So habang nagddrawing ako nakikinig lang ako ng mga new podcast episodes (Eve’s Drop and Telebabad Tapes) tapos ang ganda pa din ng mood ko. Hindi ko pa actually natapos yung isang podcast kase dun ko biglang narealize na ang ganda ng araw na to tapos tinigil ko muna para ma-document ko dito. So ayun. Andito na tayo sa present time. After nito ipagpapatuloy ko na yung pagbabasa ko. Bukas na ko ulit magddrawing habang nakikinig ulit ng podcast.

Medyo excited akong ipagpatuloy bukas kasi nagiimprove na ko 😁

Goodnight! Sana wag ma-jinx please!

Categories
Ramblings

Balahibong Pusa

Since mahilig kami sa mga fluffy cats, sobrang daming fur everywhere. Kaya din kami bumili ng air purifier para mabawasan kahit konti. At since sobrang daming fur everywhere at mahilig silang sumampa sa table lalo na pag kumakain kami, napupunta ang fur nila sa pagkain namin. Minsan makikita ko may isang balahibo dun sa isusubo ko.

Kaya ko naisip banggitin dito kasi natawa ako nung sinabi ko kay Kenneth na β€œPag may nakikita akong balahibo sa pagkain ko pinapabayaan ko na kinakain ko na rin” tapos ang sagot nya β€œAko din.” Haha nung una kasi tinatanggal ko pa. Tapos nasanay at naumay na ko.

In conclusion, mas mabuti nang kumain ng balahibo ng pusa, wag lang buhok ng tao. Goodnight.

😻😻😻

Categories
Canada Food Life

Organization + Meal Kits + Socialization

Medyo madaming happenings ang naganap na gusto kong mabalikan in the future kaya kelangan ko na tong isulat bago pa lumipas. Gawin ko na lang chronological order.

Singit ko lang yung binili ko sa Dollarama. Ganda 😍

Few weeks ago, napa-binge watch ako ng vlogs ni Penelope Pop. Matagal ko na syang finafollow and aware ako noon na may Youtube channel sya pero hindi ko masyadong pinapanood. Pero nung napanood ko yung isang vlog nya about organization, ayun nagtuloy tuloy na. So peg na peg ko sya ngayon and sya yung naging driving force ko para i-organiza ang space namin. As of today, ang dami ko nang naayos and super happy ako sa result.

Made this para di ako masyadong malito

Yung isa pang bago, meron akong sinubukan na meal kit subscription from Hello Fresh. Malaki yung discount nya for first time customers kaya napa-try ako. Pumatak lang na less than $5 (P185) ang isang meal and since mahina akong kumain, yung isang serving ay 2 servings sakin. Mura na yun kase ang typical meal dito ay $10 (P380) so naging $2-3 per meal lang yung sakin (around P95). And in fairness, not bad yung mga food. Mostly masarap pa nga. Ikaw pa rin ang magluluto pero okay lang naman kasi mahilig din akong magluto. Kaso pag tapos na ang promotion, papatak na $10-11 ang isang meal.

Jerennn
😍
Living for the visually appealing packaging

Next week, Chef’s Plate naman yung parating na box samin since malaki ulit ang discount kase first time ulit. May isa pa kong gustong i-try. Goodfood naman ang pangalan nung company.

Meal #1 – 5/5 🌟
Nice infographic
No more excess parsley na malalanta lang

Ang question ko sa sarili ko ay, oorder pa din ba ko after ng promotion kahit papatak na $10-11 ang isang meal? I think yes. Worth it pa din naman. Lalo na kasi nga nakakadalwang kainan ako sa isang serving nila. And totoo din kasi na kapag sarili naming grocery, ang daming nasasayang lalo na yung mga gulay kasi hindi mo naman pwedeng ifreezer yun. So more or less same gastos lang. Ang difference lang pag naggrocery compared sa meal kits ay food waste. And ayaw naman natin magaksaya ng pagkain. So I think yes. May mga weeks pa din siguro na go kami sa meal kits lalo na kung masarap yung menu nila ng week na yun. Every week kase iba iba yung nasa menu and ikaw ang pipili kung anong meal kit yung gusto mong ipadala nila.

Meal #2 – 2.5/5 🌟
Cuteee

So yun another discovery and fun experience sa mga meal kits. Namiss ko tuloy nung nagpapadeliver pa ko ng food sa Dear Diet. Ang sasarap din ng food nila and yun, luto na. So mas convenient tapos may mga healthy desserts pa. Talagang another proof na mas spoiled tayo sa Pinas.

Meal #3 – 4/5 🌟

Next naman. Nahulog si Walnut sa bathtub πŸ˜… Lately kasi nagiinarte si Kenneth and nahilig syang magbathtub para daw relaxed and chill. So pag nagbabathtub sya, lumalapit si Walnut and Cashew tapos naglalakad lakad sila dun sa edge ng bathtub. So ayun si Walnut nadulas. Takbo ako agad kase ang lakas nung splash tapos alam ko na kung anong nangyare. Kawawa yung dalwa kase syempre basang basa si Walnut tapos si Kenneth ang daming kalmot πŸ˜… Bathtub pa more πŸ˜†

After a few minutes…
Kawawa ka naman Walnut πŸ˜‚
Tried Lush for the first time
Smells so good pero and mahaaaal

May mga social events din na naganap tulad ng baking and dinner party. Pumunta dito si Trix (kapitbahay namin) and nagyaya magbake kasi ang dami daw nilang peanut butter. Ayung nagbake kami ng peanut butter swirl brownies. Masarap sya pero lately naumay ako. Nakarami na ako masyado ng kain.

Tapos nung isang araw naman 25th anniversary ng tito and tita ko so ayun nagdinner kami sa kanila. Actually medyo nabother ako kasi ang dami nilang bisita. Puno yung taas and baba ng bahay nila kase ilang families yun. Kaya after non parang ayaw muna namin makipag socialize. Pass muna sa mga gatherings at mahirap na.

Doubled the recipe
Happy silver wedding anniv!
Foooood

So yun lang pala ang mga nangyari. Ay wait hindi pa pala! Nung Friday nag e-numan kami with the Linya-Linya team dahil last day na namin as an intern sensation! Super mami-miss kong maging part ng Linya-Linya Creatives Team. Bukod sa pagddrawing, isa sa pinaka mamimiss ko eh magdeliberate ng mga new shirts. Feeling ko yun yung favorite part ko πŸ˜‚ May access kami sa mga future shirts na gagawin and kinukuha nila yung input namin kung okay ba sya, bebenta ba sya, etc.

Medyo successful heart πŸ˜‚
Nice meeting everyone!😊

Lastly, pinanood ko sa Netflix yung famous na documentary nowadays called The Social Dilemma. Really really interesting. Buko sa personal concerns ko, mas naging concern ako sa mga bata na sobrang adik and nagkakaron sila ng poor body image. Nakikita ko kasi to sa mga pinsan ko and as much as gusto kong sabihan yung nanay nila, ang hirap din namang maki-epal. And hindi ko naman sila nakakasama 24-7 so baka dinidisiplina naman sila, hindi lang namin nakikita. Sana. And with that, I’m gonna end this blog post.

Watch it!

Random pics throughout the past few weeks:

One of the many video calls with Gillian and Kuya ❀️
πŸ’™πŸ’™πŸ’™
πŸ˜†
Beautiful sight 😻
Categories
Ramblings

Coincidence

Share ko lang dahil nacool-an lang ako ng very slight.

Two people named Bea DMed me on Instagram almost at the same time (as in few seconds lang yung interval) thanking me.

The first Bea thanked me for sending her resources because she’s also interested in art and graphic design then the second Bea thanked me for sending them a free box of Hello Fresh.

La lang yun lang πŸ˜„

Categories
Art Career Life

Linya-Linya Intern Sensation + Happy Mail

  • Siguro yung pinaka-major is intern ako ng Linya-Linya. Fan ako ng Linya-Linya so super happy ko nung na-accept ako. Tapos nakatrabaho ko si Ali and si Rob Cham na magaling na artist. Masaya yung experience kasi first time kong maging part ng Creatives Team. So maganda din na may ganito akong klase ng experience since kina-career ko nga nga ang maging artist. One month lang yung internship which is okay lang naman kase namimiss ko na din na mag-focus sa sarili kong art. And ang saya din na may mga tao na nakaka-relate sa ginagawa mo which is yun ang wala ako before this. Wala kasi akong friends na artist/illustrator.
Ang topic namin dito is Tiktok πŸ˜‚
  • Siguro etong past few months yung all time high record ng sales ng online shop ko. Nagugulat ako minsan halos araw-araw may orders. So ang saya. Tapos si Dale din may mga illustration na pinapagawa so another extra income. Kelangan ko lang talagang mas maging masipag pa. Hindi pa din ako happy sa productivity ko.
Rainy day ❀️
Love my β€œcactus plant” πŸ˜…
  • Natupad yung isa sa mga nasa wish list ko which is yung Wacom Cintiq 16 na tablet! Yehey. In fairness sa pessimistic self ko, nag-improve naman talaga ko sa pagddrawing pero hindi pa din ako satisfied. Masyadong mataas ang standard ko para sa sarili ko which is okay naman yun pero minsan masama rin. So lagi ko din chinecheck yung sarili ko pag masyado akong nagiging too hard on myself.
Happy day
  • Super ganda ng It’s Okay to Not Be Okay. K-drama sya. Kaya din extra maganda kase nagustuhan din ni Kenneth so bonding namin yung panonood nito. Rare makagusto si Kenneth ng k-drama tapos love story pa so yun.
Hihihi
At nakagawa pa ko ng fan art πŸ˜‚
  • Pina-spay na namin si Walnut. Buti okay naman yung recovery nya and halos back to normal na sya ngayon. Medyo delicate pa din kami sa paghawak sa kanya just in case tender pa yung surgical site.
😽😽😽
  • Another bonding moment, yung game na Codenames. Parang ito yung game na pinakang nag-enjoy kami na kami lang yung naglalaro. Basta fun game sya.
Kahit cooperative game sya, nagawa pa din naming maging competitive sa isa’t isa πŸ˜‚
  • Naka 1 year na yung podcast naman ni Nick! Haha akalain mo yun.
  • Yung recent is yung pa-free Google Nest Mini ng Spotify. So far nakakaaliw syang gamitin.
β€œHey Google make me richβ€œ

So far yun lang naman yung highlight ng August and September 2020 namin. Tuloy pa din yung monthly book discussions namin and tuloy pa din yung online art courses ko. Medyo nawala yung sipag ko sa pagluluto pero paminsan minsan ginaganahan. Okay din kami ni Kenneth. Feeling ko pa-improve ng pa-improve ang relationship/partnership namin kahit may mga pinagaawayan at pinagtatalunan. Orayt next time ulit. Nanonood ako ng The Notebook ngayon. Kanina Sweet Home Alabama tapos kahapon Legally Blonde πŸ˜„

Noah and Allie 😍