Categories
French Hobbies School

Estudyante Feels

After 2 months of online classes, first time namin mag-meet in person kagabi! Pero di lahat nakapunta. Siguro half ng class nasa Zoom tapos kaming other half nasa classroom. Feel na feel ko talaga yung pagka-estudyante kagabi tapos ang ganda nung campus. 1818 sya tinayo so 204 y/o na sya. Gabi yung klase namin so hindi ko sya na-picturan ng maganda.

Sobrang lamig na

Yung location nung school ay nasa French-speaking neighborhood. Kaya pagpasok namin dun sa area nung hinahatid ako ni Kenneth, French na yung mga traffic signs. Pero may maliit na English translation naman sa baba nung French text so okay pa rin. Manageable.

Inside the campus
Naligaw pa ko
Parang study area nila
Tapos ayun yung library sa katabi

Ako ang pinaka-maaga dumating so no choice ako kundi chikahin si teacher (in French!😭). Pag naman hindi ko talaga kinakaya, nag-i-English na koβ€”or Franglish. Pero sinusubukan ko talaga ng very hard kasi di ako matututo pag nag-give up ako agad. Kung makikita mo kong makipag-usap, kita mo na eager na eager naman akong magsalita, pero nagkakaron ng gap kasi nga hindi ako fluent πŸ˜… Ramdam mo yung struggle ko. Pero finally, dumating na ang mga classmates ko.

The awesomest teacher 😍

Mararamdaman mo sa atmosphere na excited ang lahat mangamusta at makipag-kwentuhan. Parang eto lang kasi yung chance na ma-get to know ang isa’t isa kasi sa online hindi yun posible. Pero dahil alam namin na pagsasabihan kami ni teacher pag nag-English kami, limited lang tuloy yung mga chika namin. Pero nung distracted si teacher dahil nagkakaron sya ng connection issues para dun sa mga naka-Zoom, nagchikahan na kami nung katapat ko in English. Nakakatuwa ma-meet lahat tapos iba-iba pa kami ng lahi. Merong Syrian, Korean, Egyptian, Russian, Brazilian, tapos tatlo kaming Pinay. Ang friendly nila lahat. Nung break, nagtata-Tagalog na kami nung isang Pinay.

Everyone brought snacks. Super sarap nung ensaymada!

Ang saya sana kung every class ay in person. Pero dahil karamihan ay may mga full-time jobs at may mga kids, mas pinipili nilang online na lang. Mas convenient naman talaga ang online pero iba talaga yung energy at interaction pag sa personal.

Byeee

Eto ang last class namin bago mag winter break kaya nag-initiate yung teacher namin na in person yung last class. Buti marami pa rin dumating at na-meet ko sila. Tapos yung isa kong classmate na Pinay, kapitbahay lang pala namin! Haha. So nung uwian na, sinabay namin sya ni Kenneth pauwi. Tapos yung classmate ko na Russian, nag-add-an kami sa IG tapos in French kami magka-chat so maganda rin syang additional practice.

Angela, Mira, Karen, Elena, Camila, Hossam, Jennifer, Kat 🀍

January next year ang continuation ng klase. Ang wish ko ay sana hindi pa ma-approve yung citizenship namin para ma-continue ko yung language program. Open lang kasi β€˜to for permanent residents. Once Canadian citizen na, di na qualified huhuhu. If ever man magkaganun, happy pa rin ako na naka-attend ako ng class in person, na-meet ko yung mabait naming teacher and some of my classmates 🀍

Sobrang lakas ng snow paglabas namin. Winter na talaga πŸ₯²
Home 🀍
Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s