
Sabi ko kahapon, for sure kakabahan ako 30 minutes before mag-start ang klase. Eto na yung sinasabi kong free language program ng province of Manitoba para sa mga permanent residents na gustong matutong mag-French (CLIC program ang tawag). Ine-expect ko nang mag “dug-dug” yung dibdib ko pero hindi dumating. Hindi ko alam kung dahil ba may bisita kami kahapon kaya wala na kong time kabahan? 6PM kasi yung klase tapos mga 5:35PM na sila nakaalis so nagmadali rin akong kumain bago magsimula. Wala lang. Ang unexpected lang na hindi ako ninerbyos.
Yung expectation ko sa 3-hour class namin, malulusaw yung utak ko sa sobrang intensive ng klase. At kung may break man, baka 15 minutes lang. Pero sobrang kabaliktaran. Sobrang chill. Ang cheerful nung teacher. Para kaming mga kinder students kasi tina-try nya kaming i-entertain at ang taas ng energy nya. Consistent yung taas ng energy nya for the whole 3 hours.
Mabagal yung pace ng klase compared sa Lingoda kasi medyo madami kami at sinisigurado nyang lahat ay may chance magsalita at lahat ay naiintindihan yung lesson. At ang super unexpected, dalwa yung breaks tapos 20 minutes each! Tapos nakakatuwa kasi merong stretching portion haha. Pinatayo kami nung teacher tapos pinag-stretching kami. Ang saya talaga 😂 Lalo kong na-feel na para kaming mga bata.

Sabi ko kay Kenneth day before ng class, “Sana hindi ako ang pinaka bulok.” Kasi ang fear ko nga ay ma-blangko at walang masabi tapos wala akong maintindihan. Nakakahiya na ako yung magpapabagal sa klase. Fortunately hindi naman. Halos magkaka-same level kami. At kung magiging honest ako, isa pa nga ata ako sa pinaka okay. Kaya naisip ko na sobrang worth it nung Lingoda classes ko.
Kung iko-compare ko yung 1 hour per session ng Lingoda compared sa 3 hours dito, mas madami kaming naco-cover dun sa 1 hour sa Lingoda. Dito kasi sa CLIC program, super slow paced. Kaya kung hindi na ko magiging qualified dito sa program na ‘to (pag naging citizen na ko), babalik ako sa Lingoda.
Gusto ko lang namnamin yung first day kasi ang tagal ko na ‘tong inaabangan simula nung nag-email sila na accepted ako. Tapos ang unexpected pa ng nangyari kasi nga chill naman pala. Ang lesson kahapon ay future tense so yay! Marunong na ko ng present, past at future tenses! Mabagal nga lang mag-process yung utak ko so yun yung kelangan ma-practice. Nalaman ko rin kung pano sabihin ang “Me neither” in French.

Bago mag-end yung klase, may pinakinig sya samin na French song. Ang cute! Nagja-jam lang kami dun sa kanta tapos yun, babay na. Bukas ulit 🤍