Categories
Books Insights Non-Fiction Personal Development

Digital Minimalism by Cal Newport | Book Review + Notes [Part 3: Minimalists vs Maximalists]


Ang freeing nung phrase na you will “happily miss out on everything else.” Naalala ko yung pinakinggan ko na podcast medyo recently lang. First time ko narinig yung term na JOMO.

Replace FOMO with JOMO (Joy of Missing Out). When everybody is off drinking and making shallow conversations, you are actually doing something deep and meaningful that brings more value to yourself and maybe to other people as well.

The Minimalists Podcast [Episode 250.5]

Sobrang tinamaan ako dito. And hindi pa nakatulong na andito ko sa ibang bansa. Medyo na-lessen na rin naman simula nung nagkapandemic kasi nga ang dalang na lumabas ng mga tao.

Categories
Books Insights Non-Fiction Personal Development

Digital Minimalism by Cal Newport | Book Review + Notes [Part 2: Bakit Tayo Nagkaganito?]


Almost 1 week na since nag-start ako na baguhin yung unhealthy habits ko and so far, okay naman. Napapanindigan pa.

So balik ako dun sa book, meron daw iba’t ibang “ingredients” bakit nga nakaka-hook ang technology or social media. Two of those:

  1. Intermittent positive reinforcement

Eto na nga yung unpredictable rewards na sinasabi which releases more dopamine. Back to the slot machine analogy.

It hurts but it’s true 😭

And ang interesting neto. Nananadya talaga sila.

Categories
Books Insights Non-Fiction Personal Development

Digital Minimalism by Cal Newport | Book Review + Notes [Part 1: Ganito Ka Din Ba?]


Heto na ang mga quotes and commentaries sa book na to. Self explanatory naman yung title so wala nang intro.

Huhu. So true.

In all honesty, naaapektohan talaga yung mood ko and sometimes hindi ko ma-pinpoint kung bakit. Sometimes obvious yung reason pero minsan basta naapektohan na lang ako. Parang nasisira na agad yung araw after ko magcheck ng iba-ibang social media apps.

CALL TO ACTION: Wag nang magcheck ng phone sa umaga. Do your morning routine first. Magtiklop ng kumot, maglinis ng litter box, pakainin ang mga kitties, load dishwasher, etc.

Categories
Insights Life

Kids or No Kids

Sa ngayon, especially dahil nagkaron ng pandemic, ayaw ko pang mag-baby. Ilang taon ko na ring napag-desisyonan ‘to—although minsan aaminin kong napapaibig ako—kaso for the wrong reasons naman.

Minsan pag may mababalitaan akong parent na hindi maganda ang trato sa anak nya, mapapaisip ako na, “Pag ako naging magulang hindi ganyan ang gagawin ko, ganito dapat…” or “Ano kayang magiging itsura ng magiging anak namin?” or “Pag ako nagkaanak ganito ko sya papalakihin, i-eenroll ko sya sa foreign language class or sa piano or sa ballet…”

So in short, more of ako yung masa-satisfy, and for self indulgence lang yung reasons. Kaya bumabalik at bumabalik ako sa desisyon na ayaw ko pa, or ayaw ko talaga forever.

Categories
Calm Insights

Calm Quotes

We must always try to picture the worst that could happen and then remind ourselves that the worst is survivable. The goal is not to imagine that bad things don’t unfold, it’s to see that we are far more capable of enduring than we currently think of.

The School Of Life, Why Stoicism Continues to Matter

And I thought about how, actually, if you wanted to, you could say the same thing about life. That life is terrifying and overwhelming and it can happen at any moment. And when you’re confronted with life you can either be cowardly or you can be brave, but either way you’re going to live. So might as well be brave.

Someone Who Will Love You in All Your Damaged Glory — Raphael Bob-Waksberg

Instead of assuming you’re behind, you can ask: “Where did I get the idea that I’m supposed to be following someone else’s timeline?”

Instead of assuming other people are better than you, you can ask: “Do I really believe any human is inherently better than another or am I just trying to find more ways to be hard on myself?”

Instead of assuming you can’t change, you can ask: “What if assuming I can’t change is one of the factors making it hard for me to change?”

Instead of assuming other people must feel a certain way about you, you can ask: “What would it be like to let other people have their own feelings instead of trying to assume I always know what those feelings are?”

— Lisa Olivera
Categories
Insights

Motivation Hack #1

Haha eto nanaman ako sa blog series ko. Masundan kaya tong ‘motivational hacks’ ko na to. Basta may nadinig kase ako sa isang podcast na sobrang na-inspire ako and up to now nag-stick sya sakin.

Sya daw ay everyday pumupunta sa gym. So tingin siguro ng mga tao sa kanya ay “this guy enjoys working out”. Pero hindi daw. Sobrang hate daw nya mag-gym. Pero kaya pa din nya ginagawa is kasi yun yung type of person na gusto nyang maging — a person who goes to the gym. And that keeps him going. So yun. Kaya everytime tinatamad ako o ano man (whether drawing, reading or exercise), naiisip ko yun lagi.

So yun lang ang motivational hack for the day. Sobrang kelangan ko ng mga ganito kasi nga fulltime freelancer na ko. Hindi ako pwedeng parelax relax lang. Okay goodluck!

Categories
Canada Food Pilipinas Wellness

Cooking Skills + Virus

Lately, sobrang nahihilig akong magluto at magbake. Hindi ko sure kung nahihilig ba o kelangan lang kasi wala naman ibang magluluto dito. Sino bang madaming free time saming dalwa, syempre yung walang trabaho. Pero parang mixed na hilig at no choice kase natutuwa din naman ako lalo na pag masarap yung gawa ko (which is 90-95% of the time). Yun eh sa panlasa ko lang ha. Baka kay Kenneth lang pumapasa yung luto ko. But nevertheless, na-upgrade talaga yung cooking skills ko habang tumatagal and lalo ngayon na mas napapadalas ang pagluluto ko. Exhibit A to C:

Crispy pork binagoongan. Sarap!
Chewy chocolate chip oatmeal cookie. Ang sarap!
Lomi. Sabi ni Kenneth masarap pero sakin sakto lang.

Tapos thank you saking Etsy shop, hindi zero ang nacocontribute ko sa household na to. May ilan pa din na bumibili ng stickers despite of COVID-19. Madaming nagsu-support sa mga small businesses. Pero syempre, konti lang ang kinikita ko dun. Kelangan ko pang mag-isip ng ibang source of income. Sa ngayon, pagiging illustrator na talaga ang tina-target ko. May special place pa din sakin ang graphic design pero mukang nage-enjoy akong magdrawing nowadays. We’ll see kung sa ang punta nito.

My messy desk

And konting balita lang sa mga nangyayari ngayon para sa future self ko pag binalikan ko tong post na to:

  • Pataas pa din ng pataas ang cases ng COVID-19 positive. Sa Pinas, naka-lockdown pa din sila and mukang maeextend pa din ang quarantine. Dito naman sa Canada, specifically sa Manitoba, pwede naman lumabas pero strict ang pag-observe ng social distancing.
  • Isa sa mga struggles nila sa Pinas ay ang pagbili ng pagkain. Kung san makakapag-grocery. Tapos may schedule din kasi ang pag-labas. Ang Papa naman, ang struggle nya ay kung pano makakatiis na wag umalis ng bahay. Napagalitan ko nga nung minsan kasi lumabas daw tapos naginom. Sinumbong sakin ni Tricia. Eh di chinat ko pinagsabihan ko. Pero sineen lang ako hehe. Baka tampo sakin.
  • Yung isa sa mga pinakamasaklap na nabalitaan ko eh yung mga bangkay na nakatambak lang sa hallways ng ospital kasi hindi na kasya sa freezer sa sobrang dami. Grabe yung video nakakapanindig balahibo. Grabe talaga. Kaya Papa please wag kang makulit. Kasi kahit sabihin na ayos kami dito, hindi ka naman masasatisfy ng ganun kung alam mong yung mga kamaganak mo sa Pinas ganun ang sitwasyon. Hays. Kung pwede lang talagang dito na kami lahat.
  • Madaming galit sa gobyerno at madaming nagaaway-away.

Okay wala na kong maisip. Hanggang sa muli.

Categories
Insights

Fear

Crush na crush ko si Daniel Padilla so syempre pinanood ko yung uncut interview nya sa TWBA. Buti tinapos ko kahit ang haba kase ang ganda nung usapan sa huli.

TITO B: Ang natututunan ko, minsan, yung hindi natin alam, excites us.

D: You have to control your fear. Mahirap pag nagpakain ka sa takot. Parang nagpapakain ka na sa dilim. Hindi pwede. Kelangan mo syang i-convert into excitement. Ako kase nilalabanan ko yun. Minsan may mga bagay kang pagsisisihan kase natakot ka eh. So mas magandang talunin mo na. Nag-fail man ako, pero buti ginawa ko.

O diba. Haha. Super helpful kasi nito sakin kasi over thinker ako. Ang OA na minsan. So thank you sa advice ng aking crush haha.

Categories
Canada Insights Life Ramblings

Fleeting Dreams

ELEMENTARY

Nung elementary ako (specifically nung grade 5 and 6) ang wish ko lang ay:

  • Maging kasing cool ni Jolina Magdangal

Sobrang idol ko non si Jolina ginagaya ko yung hairstyle at fashion nya.

  • Palaguin ang stationery collection ko

Sobrang uso noon samin ang mga stationery. Pagandahan ng stationery tapos susulatan mo yung mga kaibigan mo. Kahit noon ang hilig ko na talaga sa mga paper goods. Kaya nung nadiscover ko yung Papemelroti ang saya saya ko.

  • Magka-menstruation

Inis na inis ako non. Kelan ba ko magkaka-menstruation?! Yung mga kaklase ko meron na. Kumbaga sa millennials ngayon: major fomo. Haha. Cool ka pag nagka-period ka na. Eh wala late bloomer ako. First year highschool na ata ako nagkaron.

  • Gusto ko lang laging tumambay sa bahay ng bestfriend ko na si May at magkwentuhan tungkol sa mga crush namin sa school at mga crush naming boyband

Ang crush ko noon si Justin Timberlake at si Ben ng A1. Ayoko pang maging highschool nung mga time na yun kasi magkakahiwalay kami ng bestfriend ko. Sa ibang school kasi sya papasok. Pag nagtatanungan kaming mga classmates kung saan papasok ng highschool, iba ibang school yung sinasabi nila. Hindi dun sa school na papasukan ko. So pagdating ng highschool wala akong kakilala.

HIGHSCHOOL

Nung highschool ako, ang wish ko lang ay:

  • Tanggalin yung curfew ko at payagan akong mag-inom ng mga magulang ko

Gusto kong tumambay kasama ang barkada ko na hindi ako kukulitin ng Mama na umuwi na. Gusto ko ng madaming adventures nung highschool kaso nga, lagi akong papauwiin ng maaga.

  • Bukod sa pagtambay with friends, ang gusto ko lang non ay mabili ko yung mga gusto kong libro sa National Book Store

May time na since wala akong pambili, tatambay ako sa NBS tapos dun ko babasahin yung libro. Kaso hindi ko naman yun matatapos so nabibitin ako pagbabasa.

So may internal monologue na nangyayari sa isip ko, “Pag ako may trabaho na, bibilhin ko to, at ito, at ito. Lahat ng librong gusto ko.” Fast forward na may trabaho na ako at hindi pa uso ang e-books, ang kuripot ko pa din bumili ng libro. So sa Booksale ako madalas pumupunta.

Jackpot

Hahaha

  • Gustong gusto kong magka digital camera

Kaya nung niregaluhan ako ng tito ko na nasa UK ng pambili ng digi cam, tuwang tuwa ako. Mahilig kasi akong magpicture ng kahit ano. Yung patay na butiki sa tagiliran ng SM, yung mga kinakalawang na barbwire dun sa damuhan ng isang subdivision, scotch tape, mga sinampay, every single inuman documented, tapos syempre sarili ko. Ang emo ko pa naman dati so very dramatic yung mga shots ko.

Ngayon hindi na ko ganun kahilig magpicture ng very random na mga bagay. Namiss ko yung old self ko na yun. Ngayon parang laging Instagrammable dapat. Kaya siguro ang hilig kong mag-reminisce. Naaalala ko yung mga traits ko noon na gusto kong ibalik at gusto kong dalhin hanggang pagtanda ko.

My 1st digital camera. Wala pang IG ng panahon na to pero may pa-flat lay tayo.

The patay na butiki sa tagiliran ng SM. Not a joke.

How poetic 😁

  • Gusto kong maging rockstar

No explanation needed.

Kilig ako dito kasi nameet ko yung crush ko na bassist ng Hilera

COLLEGE

Nung college ako, ang wish ko lang ay ganun din:

  • Tanggalin yung curfew ko at payagan akong mag-inom at umuwi ng madaling araw

Inggit na inggit ako sa mga kaklase ko na pinapayagan silang uminom at abutin ng madaling araw paguwi. Sinasabihan ako ng mga kaibigan ko na ang tanda ko na daw, bakit hindi pa din ako pinapayagan uminom? Asa pa naman na payagan ako. So lagi na lang sikreto.

Inuman sa gutter while stargazing

  • Magpabutas sa kilay katulad nung kay Amy Lee ng Evanescence

Hindi ko to nagawa. Gawin ko kaya ngayon?

  • Ang isa pa pala, gusto kong payagan na akong magboyfriend

Ayaw naman ng Papa. Tandang tanda ko yung laging dialogue ng Papa na, “Pagka graduate mo, pagbabang pagbaba mo ng stage, kahit mag-asawa ka na agad.” Basta wag lang daw habang nagaaral. So ayun, lagi ulit sikreto.

Pero kahit naman bawal uminom, bawal abutin ng madaling araw at bawal magboyfriend, ginawa ko pa din yun lahat. Kaya sobrang sakit ng ulo nila sakin. As in sobra. Dalwang beses akong lumayas sa bahay. Yung isa pala ako na yung pinalayas.

Okay ang grades ko sa school, naging scholar pa nga ako at one point. Yun ang pang-bargain ko sa kanila. Pero pag inabutan ako ng galit ng Papa ko, sasabihin sakin na, “Hindi ko kailangan ng matalinong anak! Ang gusto ko ay sumusunod!”

  • Magkaron ng sariling piano

Yung piano kasi nasa bahay ng lola ko. Pwede naman akong magpractice dun kaso, yung pinsan ko na baby pa at that time, naiistorbo ang pagtulog pag nagpa-piano ako. So pagsasabihan ako ng tita ko na hinaan ang pagtugtog. Ang hirap naman ng ganun. So medyo nawalan na ko ng gana.

Internal monologue: “Pag ako nagkabahay, bibili ako ng piano. Hindi pwedeng walang piano.”

  • Mas dumami yung wish ko nung college. Wish ko din non na tumira ako sa Maynila.

Lagi akong nagd-daydream na makatira ako sa Maynila. Tapos naiimagine ko na ang ganda ng kwarto ko, hindi makalat. Tapos nakaupo ako sa may bintana habang nagbabasa ng libro or nanonood ng tv series tapos umuulan sa labas. Sobrang comforting nung thought na yun sakin. Parang hot chocolate na may mini marshmallows. Mahilig din kasi akong magbasa ng teen magazine non. Dun ko napipicture yung Manila life kasi nakikita ko dun yung mga featured nilang hangout spots, mga restaurants na wala sa probinsya namin, mga magagandang malls, etc. Parang ang saya sayang tumira sa Manila based dun sa mga magazines na yun.

Internal monologue ko nung college: “Gusto ko nang magsolo sa bahay. Yung walang magsasabi sakin kung anong oras ako dapat umuwi. Yung hindi puro na lang bawal lahat. Pag yun na-achieve ko, sobrang saya ko na. Parang wala na kong hihilingin pa.”

My old room

Fast forward na nakatira na ko sa Maynila, na-experience ko na yung mga hangout spots. Natikman ko na yung cookie sa Brother’s Burger na based dun sa teen magazine na nabasa ko, the best cookie daw. Ginupit ko pa yun dun sa magazine tapos dinikit ko sa dingding ng kwarto ko. Na-experience ko nang mag-solo sa apartment habang nagbabasa at umuulan sa labas. Ang sarap talaga. Hanggang ngayon isa pa din yun sa mga favorite kong mangyare. Pero hindi totoo yung, “Wala na kong hihilingin pa.” Ang babaw lang talaga ng mga gusto ko noon.

Spot the cookie article

AFTER COLLEGE

Nung nagtatrabaho na ko (sa Pilipinas muna), ang wish ko lang ay:

  • Mabili yung mga gadgets na gusto kong bilhin

Gusto ko nung bagong iPhone, iPad, Macbook Pro. Gusto ko nung Fuji na mirrorless camera.

As of now, meron na ako ng mga ito kaya masaya naman ako. Pero yung saya or yung high, ang bilis lang. Since na-fulfill ko na yung karamihan sa wishlist ko, parang nababawasan na yung spark or yung spice sa buhay. Basta yung parang something na meron kang dine-desire at looking forward ka dun sa araw na mangyayari yun. Pag nawala yun, parang ang meaningless ng buhay. Kailangan ko ng panibagong wishlist and not necessarily materyal na bagay. Dadamihan ko pa para mas masaya.

Internal monologue: “Parang ang hirap maging billionaire katulad ni Kylie Jenner. Kasi pag dumating sa point na madali na lang sakin bumili ng kahit anong gusto ko, parang ang boring na. Kaya tamang millionaire na lang. ASA.”

  • Magsugal everyday

Mga nanghihingi ng balato 🤣 Hindi pa kami ni Kenneth dito haha.

Sobrang adik ko sa Texas Hold’em at pusoy dati. Nung nasa Maynila na, level up na. Casino na. Nagkaron pa ng time na pumupunta ko sa casino mag-isa. Buti ngayon tapos na yung phase ko na yun.

  • Ma-try yung mga restaurants na magaganda ang reviews

Nagkaron ng time na every week kami sa Ramen Nagi. Sobrang dami naming nakainan na masasarap. Di ko na ma-mention lahat basta ang dami at ang sarap. Ang daming choices. Nakaka-miss kumain ng masarap.

  • Makapag-travel every year sa iba ibang lugar

Ang saya na na-experience ko ang Japan, Singapore, Korea, Taiwan at Hong Kong + Macau. Hindi ganun kalaki ang sweldo namin sa Pilipinas pero nakakaipon at nakakatravel kami. Pero ngayong nasa Canada na at lumaki-laki na ang sweldo, anyare?

  • Ma-approve yung application namin sa Canada

Internal monologue: “Pag ako nakatira na sa Canada, hindi siguro ako mabobore dun. Ang dami sigurong pwedeng mapuntahan tapos ang sasarap ng pagkain. Mabibili ko na siguro lahat ng gusto kong bilhin tapos ibibili ko ang Mama nung branded na bag na gusto nya tapos ang Papa ibibili ko ng iPad. Makaka-travel kami kung san namin gusto. Tapos pag nasa Canada na kami wala na dun yung mga toxic na tao. Madali na rin akong makaka-attend ng mga concerts (hindi pa ko nakaka-attend ng concert hanggang ngayon). Last but not the least, siguradong safe dun (naholdap kasi ako sa Makati). Magkakaron na ako ng peace of mind.”

Pero ngayong nasa Canada na kami… ewan.

CANADA

Nung nagtatrabaho na ko dito sa Canada, ang wish ko lang ay:

  • Makauwi

Gusto ko nang magbakasyon sa Pilipinas. Hindi ko alam kung gusto ko bang bumalik na lang sa Pilipinas at iwanan na tong Canada or baka phase lang to. Hindi ko pa din alam. Pag namimiss ko ang Pilipinas, nalilimutan ko yung mga ayaw ko sa kanya. Yung traffic, yung paranoia na baka maholdap na naman ako, yung sweldo na maliit, yung mga nakakatakot na lindol, mga toxic officemates, yung masikip naming apartment, yan mga naiisip ko off the top of my head. Pag namimiss ko ang Pilipinas, ang naiisip ko mostly ay yung mga magagandang parts. Makakasama ko na ulit ang pamilya at mga kaibigan ko, makakakain na ko ng masarap, may lasa na ang hipon at kasag, walang madulas na snow, walang nakakamatay na weather, magkakaron na ulit kami ng nightlife, hindi ko na poproblemahin kung pano makipag-small talk sa mga puti, yung mga chismisan namin ng mga officemates ko, family and friends ko ulit. Ang hirap talaga ma-kuntento.

  • Makapag-resign sa boring kong trabaho at maging freelance artist na may sustainable na income

Gusto ko yung ganito. Nasa loob lang ako ng bahay, freelancer. Hawak ko ang oras ko. Pag low batt na yung iPad, magpapahinga muna ako sa pagddrawing at manonood ng tv series. Kaso nga, hindi stable ang income. Baka hindi kami mabuhay dito sa Canada.

  • Maka-move sa ibang province or sa Australia

Hindi talaga ako ganun kasaya dito sa Winnipeg. Minsan iniisip ko baka dahil homesick lang ako pero parang hindi talaga. Gusto kong mag-try sa ibang lugar. Baka mas dun ko mahanap yung balance. Ang layo kasi masyado ng Canada sa Pilipinas. Kaya iniisip kong mag-move kaya kami sa Australia? Yun ang gusto kong ma-figure out. Hindi naman ako naghahanap ng perfect na lugar, gusto ko lang na mas madami yung positives kesa sa negatives. Dito kasi parang ang dami kong hindi gusto. Sana mahanap ko yun.


So ayun. From Jolina-loving-gusto-ko-nang-magsolo-at-maging-independent to I-feel-miserable-buy-me-a-one-way-ticket-to-Pinas. Nakakatawa lang ang buhay. Dati gustong gusto kong makawala pero ngayon gusto ko nang makabalik. Kung may nagbabasa ng blog ko, i-message nyo nga ako. Do you feel me? Sabagay. Ang boring naman kung laging masaya.

Categories
Art Wellness

Recovery and Art Updates

Umo-okay okay na ko. Nakakalakad na ko ng maayos, pero medyo dahan-dahan pa din. Yung isang incision ko medyo fresh pa. Tapos may mga sumasakit pa din ng pakonti-konti kaya alalay pa sa paggalaw.

Lugaw forever. With lechon belly 😋

Dinalaw ako ni Sam kahapon. Nakakatawa ngayon lang kami nakapag-meet, lampas 1 year na kami dito sa Winnipeg. Nakakatuwa at nagi-guilty daw sya. Super okay lang naman kasi sobrang busy nya pagaasikaso ng pagiging nurse nya dito. Parang 3 years na daw nya inaasikaso yun grabe. Eh di kwentuhan lang kami ng kwentuhan. Nakakatuwa yung mga kwento nya kasi parang bumalik ako sa mundo ng ospital. Parang napa-reminisce ako ng konti pero tamang ganun na lang. Ayoko pa din mag-nurse.

Tapos sobrang na-motivate akong ituloy yung pag-apply ko sa Graphic Design program. Eto yung full-time student na talaga ko. Hindi yung kinuha ko na part-time program lang. Pag full time, talagang kelangan magre-resign ako tapos 2 years akong estudyante. Recently kasi nagdadalwang isip ako kung itutuloy ko pa ba. Kasi nga insufficient funds (bigla kong naalala yung Red Alert). Pero nung nakausap ko si Sam, dun ko ulit na-realize na kaya naman talaga. May student loan naman tsaka pwedeng suportahan ng government. Although naisip ko pala baka hindi ako ma-approve dun sa loan kasi yung program, iisipin nila na arts arts lang. Pero bahala na. Push ko na talaga. Magpapa-schedule na ko ng CANTest next week. Sana makapasa ako! Kase pag hindi, hindi ako makakapag-apply dun sa program. So yun na lang muna ang first step. Pag di ako nakapasa, no choice. Next intake na lang ulit.

My sister, Tricia. I-drawing ko daw sya.

Netong nakaraang week. May pinanood akong class about digital illustration. So nasa mood akong mag-drawing drawing. Hindi pa ko fully satisfied sa mga ginawa ko pero hayaan na. Hindi naman siguro sobrang pangit.

Reading
First attempt

Proud din naman ako kasi hindi ko inexpect na kaya kong mag-drawing ng ganyang cartoon-ish tapos walang gayahan. Fan na ko ng hindi perfectly shaped na tao. Yung tipong hindi talaga match yung proportions. I-eexplore ko pa yung ganung style. Eto yung mga recent inspirations ko: @dianaillustrates at @jaromvogel.

Gusto ko pang mag-drawing kaso kelangan ko nang matapos yung book namin for this month (The Stand by Stephen King). May discussion yung book club namin next week. Kelangan ko nang humabol kasi mga tapos na sila. Babayu!