Categories
Art Life Today's Log TV

Today’s Log 13 | Tamad

SATURDAY

8:40 PM

Gabi na pala akala ko 3 PM pa lang. Na-distract ako masyado paglalaro ng Cozy Grove at panonood ng The Avengers and Thor: The Dark World.

Pero eto, nanonood na uli ako ng class ni @rossdraws. In fairness ang sulit nung bayad kasi 2.5 hours yung lesson tapos real time sya nag-ddrawing so kita mo talaga yung process. Medyo nab-bore lang ako ng konti, at ang salarin ay yung attention span ko. Pero tina-try ko naman iimprove.

Ang saya makinig ng lesson kasi weekend. Walang pasok si Kenneth so medyo tahimik dito sa office. Pero minsan ang ingay pa din kasi naglalaro din sya ng COD for ilang hours.

I-close ko na muna yung Discord nadidistract ako.

9:36 PM

Nakakaaliw panoorin yung class. Kasi dalwa sila. Yung artist, si Ross, plus si Stella, the “student voice”. So ang ganda na merong student voice kasi sya yung nagtatanong habang nagpe-paint si Ross. Mga questions like, “How did you make this shadow?” or “What are you thinking while doing the sketch?” At ang galing nyang student voice kasi ang thorough nya. Lahat talaga tinatanong nya. Tapos may mga moments na nagkukulitan sila so natatawa ako. Parang hindi lang sya rigid na video tutorial, medyo pang podcast din kasi may mga chika moments.

10:14 PM

Done with the lesson! Hindi pa pala portraits yung pinagaaralan namin. Concept illustration from reference pala. Bukas ko na sisimulan yung assignment kasi pag sinimulan ko ngayon baka alas-tres ng madaling araw na ko makatulog.

11:49 PM

Just watched 2 productivity videos by 2 popular productivity YouTubers.

Parang lahat nung productivity tips na minention hindi ko fina-follow. Pero lahat na-try ko na, wala lang talagang nag-stick 😂 Parang napaisip tuloy ako baka kelangan ko pa ng konting structure. Bukas ko na pagiisipan ng matindi.

Categories
Life Today's Log TV

Today’s Log 12 | Comfort Food

THURSDAY

10:47 AM

Nakaka-anxiety yung driving lesson ko mamaya. Hindi talaga ko nag-eenjoy mag-drive. Or bitter lang ako kasi hindi pa ko makapasa sa road test. Para ba syang isang bagay na matagal ko nang isinulat sa to-do list ko na gustong gusto ko na syang maalis sa list pero hinding hindi ko macheck-an. Gusto ko nang makapasa kasi gusto ko na syang matapos. Wala na kong pakealam dun sa perk na pwede na kong mag-drive at makalakad ng solo. Gusto ko na lang talaga sya matapos!!

For my smoothie bowl

Ang ingay dito sa apartment may ginagawa sa labas. Ang daming pukpok at drilling sounds. Hindi nakakatulong sa anxiety ko. Kaya naman, sobrang sakto yung recommended video ko sa YT kanina:

In fairness sobrang nakatulong 😂 Sya yung author ng The Subtle Art of Not Giving a F*ck. Hindi ko pa natatapos yung book nya. Pero buti naisipan nyang gumawa ng YT channel.

2:38 PM

Bakit nga kaya nakaka-comfort ang junk food pag stressed or bad mood. Kakatapos lang ng driving lesson namin tapos may mga sablay nanaman ako so medyo agitated pa rin ako hanggang ngayon. Nakakainis kasi hindi ako pwedeng magkamali kasi maaaksidente ako at pasahero ko. So ngayon eto ang kinakain ko.

Nakaka-feel better kahit hindi healthy. Eh kelan ba nangyari na pag stressed ka pagkatapos kakain ka ng salad or vegetable sticks? May tao bang ganun??

5:35 PM

Cozy Grove time

10:05 PM

Kakatapos ko lang sa Iron Man 2. Ang gandaaa. Medyo minadali nga lang yung ending. Parang bitin yung fight scenes kay Ivan Vanko nung huli. Next sa lineup is Thor. Baka bukas ko na panoorin magaaral muna ako. Nagsend na ng class package si @rossdraws! Yung Lesson 1.1 is about portraits. Weakness ko yun kaya excited ako matuto.

10:45 PM

Tagal magdownload nung class. Dahil jan, simulan ko na yung Thor hehe.

Categories
Art Life Today's Log TV

Today’s Log 11 | Marvel Marathon

WEDNESDAY

8:11 AM

1 AM na no nakatulog kanina pero hindi ko pa rin natapos yung Captain America: The First Avenger.

Ang kapal pa rin ng snow. Mahihirapan nanaman akong magdrive bukas 😭

1:09 PM

Kelangan ko nang magbreak ang dami ko nang nagawa. Gutom na rin ako. Ipagpapatuloy ko na yung marathon ko ng Marvel movies.

Sobrang nagagandahan ako kay Peggy 😍

I super love her character and bagay na bagay sa kanya yung hairstyle nya.

2:21 PM

Enjoy na enjoy ako panonood kasi wala na ko halos maalala. Parang pinapanood ko sya for the first time.

2:44 PM

Huhu di natuloy date nila ni Peggy. Next na. Captain Marvel.

3:03 PM

Inaantok ako wala akong maintindihan. Ano ba ang Kree. Di ko alam kung nasang world sila. Google ko nga muna.

4:16 PM

Kasama ko na sin Kenneth manood ng Captain Marvel. Nag-eenjoy syang makinood. Pero break muna, tumawag ang Kuya. Aga gumising ng Kuya 5 AM pa lang dun. Nagkwento lang sya about sa quiz nya. Nagte-take sya ng Vet Med.

5:31 PM

Ganda ng Captain Marvel!!! Bakit nung time na lumabas yung movie sinasabi nila na parang hindi daw okay tapos ayaw nila kay Brie Larson. Okay kaya.

Gusto na ni Kenneth na matapos ko kasi gusto na rin nya panoorin yung WandaVision. Haha baka ilang linggo pa bago ko matapos lahat. Okay, Iron Man naman next.

7:56 PM

Napaibig ako sa matamis. Nagbake ako ng brownies.

8:50 PM

Tapos na ko sa Iron Man. Nakaka-inlove si Tony Stark 😍

12:29 AM

Buti hindi ako na-tempt tapusin yung Iron Man 2. Nakapag-paint ako kahit papano.

Panggulo

In fairness natuwa ako sa gawa ko ngayon. Ayoko dapat isama yung sarili ko dun sa painting, balak ko yung vending machines lang. Pero mukang good decision kasi nagkaron ng focal point. Tsaka okay yung pagkaka-paint ko dun sa payong. Yun yung favorite part ko. Kasi ang ganda nung effect tapos hindi sya ganun kahirap i-achieve.

Categories
Art Life Today's Log TV

Today’s Log 10 | Couch Potato

TUESDAY

8:16 AM

Mukang hindi tumigil ang snow kagabi. Itsurang winter nanaman dito. May driving lesson pa naman ako sa Thursday. Sana matunaw na.

Natigil na ko sa pagbabasa ng Deep Work kasi nag-expire na yung loan ko sa library. Ang binabasa ko naman ngayon ay Lifespan by David A. Sinclair. Sinasabi dun sa book na ang pagtanda daw ay isang type of disease. And may mga diniscuss sya na ways para macombat ang aging. Merong mga practical ways tapos meron ding pwedeng i-take na pills.

Skeptical ako sa mga nababasa ko dito pero interesting. Sometime daw in the future, magiging average na daw yung age na 120 y/o. Pero hindi lang lifespan yung focus nya dito, yung healthspan din. Kasi kung hahaba nga yung buhay ko pero uugod ugod naman ako or parang lantang gulay, wag na lang. Pero sinasabi dito na possible daw maging youthful pa din yung energy kahit mareach mo yung age na 60 or 70 or more.

So mga ganyang books yung interest ko ngayon. About improving health. Since ang dami ko kasing medical conditions, nagiging proactive ako ngayon na magseek ng ways to be more healthy. Kaka-signup ko nga lang sa isang webinar about gut health and hormones naman.

10:47 AM

Kanina pa nagmumuni muni

11:49 AM

Pagkatapos kong kumain, maglinis ng bahay, maligo at manood ng latest vlog ni Ivana Alawi, nandito na ko sa office namin. Ready na ulit akong matuto. Ipagpapatuloy ko yung sa Design Fundamentals. Actually pala, napagaralan ko na ‘to sa isang course na tinake ko sa Red River College. Pero Graphic Design kasi yung focus dun. Dito naman painting.

1:02 PM

Getting distracted. Too much cuteness.

Break muna.

2:05 PM

Sarap ng idlip ko. One of the perks na pinaka thankful ako ngayong freelancer na ko—makaidlip kahit anong oras ko gusto. Hindi ko malilimutan yung mga times sa office na sobrang antok na antok na ko tapos gusto ko lang pumikit kahit 2 minutes lang pero hindi ko magawa kasi hindi pa oras ng break ko.

3:07 PM

Done with the course! Okay naman sya. I was not expecting too much kasi parang hindi nya masyadong forte yung magturo talaga. May mga ganun kasi. Yung magaling sila sa isang bagay pero hirap silang magturo. Lalo na yung mga natural na talented talaga. They depend more on feelings. Yung hindi nila ma-explain pero sa kanila “it feels right”. Ganun yung instructor. I appreciate na he’s trying his best to be helpful. May binigay syang list of artists and books for further studies at nag-iwan din sya ng personal e-mail address nya. Sana magreply sya pag dumating yung time na kelangan kong may itanong sa kanya.

Galing talaga

Magbabasa muna ako or Duolingo. Naka 3 chapters ako ng Anxious People kanina nung nagbreak ako. Dapat maka 10 chapters a day ako para matapos ko in time yung book bago ma-expire yung loan.

5:41 PM

Magd-drawing sana ko kaso sumasakit nanaman yung batok ko. Nanood na lang ako ng shorts from Pixar. Eto yung isa kong pinanood. Ankyut.

So yun pala yung shorts na lagi kong nadidinig sa mga animation peepz. It’s a short film na ang running time ay 40 mins or less. Tulad nitong The Blue Umbrella, 7 mins lang sya.

Eto pa sobrang gandaaaa. Day & Night yung title.

At dahil nasa recommended videos ko si Lea Salonga nung mga nakaraan, hindi ko alam kung bakit, sabi ko papanoorin ko ulit ‘to.

10:31 PM

Painted this for 2.5 hrs while A Whole New World, Part of Your World and Defying Gravity is on loop.

https://www.instagram.com/p/CNoYX_sD4tv/?igshid=1tdqfg6eyzgec

11:09 PM

Since na-curious ako sa WandaVision after ko pakinggan yung latest episode ng The Eve’s Drop kanina, gusto ko rin panoorin. Kaso yung knowledge ko about Marvel mababa lang. Bits and pieces lang. Yung Endgame di ko pa rin napapanood. So naisip ko na panoorin muna sya mula simula.

Nung nagreresearch ako, hindi pala according sa timeline yung order of release nung movies. So pinagiisipan ko nung una kung pano ko sya papanoorin. Napagdesisyonan ko na papanoorin ko sya according sa timeline. So sinimulan ko sa Captain America: The First Avenger. Napanood ko na ‘to dati pero gusto ko ng refresher sa lahat.

12:40 AM

Sa salas kami natulog
Categories
Art Canada Life Today's Log

Today’s Log 9 | Agawan ng Taba + Art Diaries

MONDAY

8:49 AM

Nag-snow.

Kakatapos ko lang magbasa. Inaantok ako sa binabasa ko. Deep Work pa rin ni Cal Newport. Medyo nadisappoint ako sa book nyang ‘to. Sobrang nagustuhan ko kasi yung isa nyang libro. Yung Digital Minimalism. Try kong ituloy yung pagbabasa pero pag inantok pa rin ako, magbabasa na lang ako ng ibang libro.

10:19 AM

Nagluto akong sinigang na bangus belly. My favorite. Kahit ano namang luto ng bangus paborito ko. Kala ko hindi masarap tapos kulang pa sa sahog. Pero in fairness masarap naman.

Sa bangus compatibility test, compatible kami ni Kenneth. Kasi mahilig ako sa taba tapos sya ayaw nya. Pag sa bahay sa Pinas madami akong kaagawan. Lahat gigil sa taba. Pero nakakamiss makipag-agawan ng taba huhu. Eto nanaman nagiging senti nanaman ako. Gusto ko nang makauwi 😭😭

11:57 AM

Finally, something productive. I packed a few orders. Ship ko na lang mamaya pag sinisipag na kong lumabas. Ang lamig nanaman. Kahapon 16 na tapos -10 ngayon. Nakakatamad maligo. Mag-Duolingo na lang muna ako.

12:34 PM

It’s a joke. Hindi ako nag-Duolingo. Nadistract na ko sa new episode ng WUWJS.

Tungkol sya sa astrology. After nito maliligo na talaga ko.

2:03 PM

Good news. Nakaligo na ko. Kakatapos ko lang din mag-lunch. Ang sarap nitong binili namin sa Sobeys. Kaso hindi healthy.

So eto na ang simula ng pagiging super productive ko. Magaaral na ko nung mga binili kong online courses. Sana ma-apply ko yung “deep work” na sinasabi ni Cal Newport. Hindi ko pa rin natapos yung book. Pero mga 70% done na ko.

2:37 PM

Nakapanood na ko ng 2 videos about Character Design. Nabili ko ‘tong course na ‘to for $5 lang kasi naka-sale. Yung instructor is nagtrabaho sa Disney for 21 years, si Aaron Blaise.

So far, sa 2 videos na napanood ko, ang natutunan ko sa character design ay to do research first. “Don’t draw too soon.” sabi nya. Yung initial reaction ko is, “Katamad.” Bakit kelangan pang mag-research? Drawing na agad! Pero kung iisipin mo, pano magkakaron ng dynamic or richness yung characters kung magbe-base lang ako sa kung anong alam ko ngayon.

And ngayon ko lang talaga naa-appreciate kung gano pinagiisipan ng mga artists or ng studio yung bawat characters sa mga movies nila. Sobrang daming elements na kelangan i-consider para hindi lang sya magmukang maganda, kundi para din makapag-evoke sya ng emotion. Kasi kung maganda nga yung visual pero wala namang feelings, hindi naman bebenta yung movie.

Okay next video.

3:20 PM

Video #3 is all about expressions. At this point, medyo inaantok na ko. Wala pang 1 hour bumababa agad yung focus and energy ko. Gusto kong manood ng isang animated film para makita ko kung pano in-apply yung character design dun sa movie. Pero parang too early pa kasi 23 videos ‘to. Nangangalahati pa lang ako sa 3rd video. Need to focus!!

3:44 PM

Nag-break lang ako at nagbasa ng 3 chapters ng Anxious People. G na ulit.

Pampagana

4:31 PM

On our third winter:

After ko matapos yung video #3, sinipag na kong lumabas para magship ng orders. Nagpapabili rin ng bawang si Kenneth.

Buti nasa tapat lang ng apartment ‘tong mailbox

5:20 PM

Ang kalat talaga magluto ni Kenneth

7:21 PM

Haysss nakakafrustrate. Nagpaint ako ngayon (yung photo sa taas as reference) tapos sabi ko hindi ako map-pressure. Sabi ko for fun lang. Pero nag-end up na nastress nanaman ako kasi hindi ako natuwa sa result. Pag nasstress kasi ako, sumasakit yung batok ko tapos parang nangingimi yung muka ko. Yun ang indication na kelangan ko munang tumigil. Anyway, pinost ko pa rin kahit dismayado ako sa gawa ko. Kelangan ko pa talagang magaral.

Makakain na nga. Or Cozy Grove. Or Gilmore Girls. Or all of the above.

8:06 PM

Kaya sya nagpabili ng bawang

9:15 PM

Currently reading Anxious People. Ang ganda talagaaaa. No dull moment 😍

9:50 PM

Took a break from reading.

11:13 PM

I purchased another course from this great artist. Sobrang fan ako ng style nya 🤩 Nasimulan ko yung first video dun sa course pero since malapit nang mag-hatinggabi, inaantok na me. Kaya ko pa naman pero gusto kong magising ng mas maaga bukas. Lagi na lang akong past 7AM nagigising. Gusto ko yung dati kong gising na mga 6AM.

Orayt goodnight!

Categories
Games Life Today's Log

Today’s Log 8 | Emerald

SUNDAY

10 AM

Kakatapos ko lang magbasa at mag-Duolingo. Yung binabasa ko kanina ay yung Deep Work pa rin ni Cal Newport. After reading yung chapter na yun, nag-imagine lang ako na sana sa next titirhan namin may sarili akong office. Share kasi kami ni Kenneth ng office ngayon tapos madalas marami syang ka-meeting. Nakakadistract. Ang lakas pa ng boses ni Kenneth tapos laging tawang tawa.

Ang tagal kong nag-Duolingo kasi meron akong nilalagpasan. Sa Duolingo kasi may leagues (nasa Ruby league ako). Para maka-advance ka sa next league, dapat nasa top 10 ka. Eh top 11 na ko so nilalagpasan ko yung top 10. Eh yung top 10, active din. After ko sya malagpasan, lalagpasan nya ko ulit. Nakakatawa na nakakatuwa na nakakainis. So nagtuloy tuloy ako para malagpasan ko yung top 8 para wag na nya kong guluhin.

Yan yung kalaban ko yung hindi ko matype ang pangalan

10:27 AM

Nakahiga. Nagiisip kelan kaya matatapos ang pandemic.

12:09 PM

Grabe. Grabe yung binabasa kong libro. Eto yung April book ng book club namin—Anxious People. Grabe ang gandaaa. Pero nasa chapter 10 pa lang ako (74 chapters in total). Chapter 1 pa lang the best na. Sana consistent until the end.

12:19 PM

5:50 PM

Kakatapos lang mag-grocery. Nag drive-thru kami sa KFC kasi gutom na ko. Zinger twister again tapos nag add lang kami ng gravy para sa roast chicken na binili namin. Excited na ko manood ng Vincenzo.

Gusto ko sanang i-try kaso ang mahal

6:10 PM

Tumawag ang Kuya Jon2 (tito ko pero nasanay kami na kuya ang tawag). Pinagsasabihan nanaman ako sa driving ko. Ayusin ko daw. Pina-practice nya kasi ako nitong mga nakaraang araw eh laging sablay yung pagliko ko. Yung pagkanan lang. Pag left turn very good naman ako. Kelangan ko nang gumaling kasi malapit na ko ulit mag-road test.

6:48 PM

Naglalaro na kong Cozy Grove. Mamaya na daw kami manood ng Vincenzo sabi ni Kenneth. Makikipaglaro daw muna sya ng COD.

Tapos tumawag ang Kuya. Chika chika lang as always. Mga 1 hour kaming magkausap habang naglalaro ako ng Cozy Grove.

My turf

8:04 PM

Gumagabi na. Aakitin ko na si Kenneth manood ng Vincenzo (sa probinsya namin akitin is yayain). Chinat ako ni Trix kanina. Tinatanong ako kung napanood na namin kasi ang ganda raw. Na-excite ako lalo panoorin.

8:12 PM

Chineck ko yung Duolingo, Emerald league na ko! Haha.

Eto na. Manonood na talaga kami.

Categories
Career Games Life Today's Log

Today’s Log 7 | LF: Artist Friend

Bigla kong naisip na gawin ulit ‘to pero late na ko nakapagsimula.

5:18 PM

Nasimulan ko na yung step #1 sa “The Steps”. And true enough, mas lalo ko ngang na-appreciate ang animation. Sobrang daming moving parts para makapag-produce ng isang animated film. From an outsider’s point of view, akala ko basta may magddrawing lang tapos i-a-animate nila yung drawings. Yun pala merong in charge sa pag-design ng characters, props and background. Tapos merong gagawa ng 3D models nung characters and all tapos may tinatawag na sculptors. Meron ding term na “rigging” na lagi kong nadidinig pero wala akong idea kung ano. After non merong in charge sa surface or texture nung characters, may in charge sa visual effects, lighting, sound, etc. Basta ang dami pa!!!

So after ko panoorin yung video na yun, mas trip ko talaga yung visual development department especially yung sa background design. Pwede ko rin siguro pagaralan yung sa characters and props. Pero isa pang interested ako eh yung matte painting. Sana talaga mapili ako as mentee dun sa WIA Mentorship Program! Yung visual/character effects mukang okay din.

May mga iba pa kong pinanood after. Super favorite ko yung movie na Inside Out so nakakatuwa na makita yung behind the scenes.

6:22 PM

Tumawag yung kapatid ko. Si Tricia, yung bunso namin. Nagusap lang kami about exercise bikes at yung dysmenorrhea nya. Sabi ko magpa-ultrasound na sya. Nakausap ko rin ng very light ang Mama at Papa. Minanok na baka ang ulam nila. Kakamiss sila. COVID matapos ka na!!!

7:11 PM

Watching an animation online course and I’m learning about this “squash and stretch” thing. The kitties are being distracting though.

Super nac-curious sila pag binubuksan ko yung bintana

7:23 PM

Watched another YT video about different animation softwares.

7:30 PM

I might try to learn how to use Blender. Magcheck out pa ko ng ibang videos about it.

For now, magbabasa muna ako ng The Midnight Library. Popular sya sa book community so na-curious ako. Yung genre nya ay fantasy. Medyo wala akong idea kung tungkol saan so excited akong simulan.

8:11 PM

Finished reading. Kumakain na ko ng dinner. Pero instead of reading The Midnight Library, I continued reading Norwegian Wood. Nafeel ko lang. Tapos habang binabasa ko yung Norwegian Wood, may naisip akong concept for a movie. Tapos parang magandang Pixar ang mag-produce. Hahaha. Nag-iimagine ako ng mga scenes sa utak ko habang kumakain ng tocino at dinuguan.

8:55 PM

Duolingo time after eating.

In fairness madami na kaming vocab na alam at nakakapag-construct na din kami ng sentences. Je suis content! 😂

Maglalaro muna ako ng Cozy Grove tapos siguro papanoorin namin yung new episode ng Vincenzo. Sana makapagbasa ako uli mamaya.

10:10 PM

Ngayon pa lang ako maglalaro ng Cozy Grove kasi humanash pa ko kay Kenneth. Kinekwento ko sa kanya na gusto kong magkaron ng friend na nakakarelate sa ginagawa ko ngayon. Gusto kong magkaron ng isang person na kachikahan ko about the world of illustration tapos masusubaybayan namin yung journey ng isa’t isa. Kaso nga sa ganitong age, ang hirap. And mas lalo syang pinahirap ng COVID.

Medyo tanggap ko nanaman kaso nakakamiss lang na magkaron ng work friend tapos same kayo ng struggles and makakarelate kayo sa achievements ng isa’t isa. Mas masaya sana kung may ganun.

Categories
Life Today's Log

Today’s Log 6 | Good Day

Ngayon ko lang napagtanto na ang ganda pala ng araw ko ngayon. Ang dami kong nagawa and parang almost perfect day sya kung tatanungin ako kung anong perfect day para sakin. Tsk sana wag ma-jinx hindi pa tapos ang araw. Matulog na kaya ako.

Commercial 😄 Halloween costume ni Cashew 😂

Una, nagising ako ng 7:30 ng umaga tapos almost every morning ganun na yung routine ko. Magtitiklop ako ng kumot, aayusin ang kama, ilalagay yung mga tuyong pinggan sa lalagyan, magwawalis ng nagkalat na litter ng dalwa naming pusa. Tapos ang sarap nung feeling na hindi ako nagmamadali. Wala akong hinahabol na oras. Tapos paglabas ko pa ng kwarto medyo nahapyawan ko pa yung sunrise. Kaya ang saya ko din ngayon eh kase fall na. Hahaba na ulit ang gabi. Maaabutan ko na lagi ang sunrise. So yun ang routine ko sa umaga at more than 2 weeks na ata na ganito. Sobrang amazing nun for me kasi hindi talaga ko nagtitiklop ng pinagtulugan namin dati. Kasali ako dun sa mga advance magisip na magugulo din naman. Pero may inner joy talaga pag maayos ang kapaligiran.

So ang sarap din ng agahan ko. Laing at tinapang bangus. Eto rin ang dinner at tanghalian ko kahapon and ang sarap talaga. Sobrang Pinoy feels and yun yung mga small things na nagpapasaya samin since nandito kami sa ibang bansa. Sana may tira pa para agahan ko uli bukas.

Good job Mama Nors!

Siguro mga past 10am na ko natapos kasi mabagal akong kumain and mabagal nga akong gumalaw. Sumaglit ako sa office at nagtrabaho ng konti. Inasikaso ko lang yung mga orders sa sticker shop ko at nagprint ng konting stickers. Sa wakas gumana na yung Cricut machine ko! Sa wakas talaga.

New sticker sheet

So since magla-lunch time na rin, nagprepare ako nung binili kong salad. Bago sya sa paningin ko nung naggrocery kami kahapon kaya gusto kong subukan (avocado ranch). At since medyo bumibigat na ko eh gusto kong magpaka-healthy ng konti. So another masarap na pagkain nanaman tapos pinaresan ko pa ng ube cheese pandesal na order ko lang din online. Panalo pati tanghalian. I’m on a roll!

Maiba naman muna sa caesar salad

Pagkatapos ng konting trabaho, pumasok ako sa kwarto at nagbasa ng aming September book of the month. As mentioned before, meron kaming book club with my pod sibs at ang book na binabasa namin ngayon ay Stardust by Neil Gaiman. Ang ganda nanaman sa mood kasi ang ganda nung story. Mamaya magbabasa ako ulit kasi malapit na yung discussion namin. So nung nasa almost 20% na ko, as expected, nakatulog na ko. At hindi dahil nakakaantok yung book kasi nga maganda sya. Ganun lang talaga ko pag nagbabasa whether pangit or okay yung book. Kaya maganda din magbasa sa gabi, pampatulog. Pagkagising ko sa idlip ko, nakapagbasa pa ko ng konti so 23% na yung progress ko ngayon.

Ano kayang mangyayari kay Tristan

After non naglaba ako tapos nung napansin kong 4:30 PM na, nag-ready na akong magluto ng hapunan. Eto yung meal kit ulit from Chef’s Plate naman. Hindi ako masyadong nasarapan pero since ang sarap naman nung agahan at tanghalian ko, pwede na. Pagkatapos ng hapunan, ligpit ligpit ng pinagkainan habang naliligo si Kenneth. Tapos nagbonding lang kami sa salas ng konti. May pinapanood syang bagong series na hindi ko trip. Ratched yung pangalan. Ang warm nung hug namin kaya ang sarap sa feeling.

Maple teriyaki pork chops. Ayos ba yung plating?😄

Pagkatapos ng few minutes na hug pumunta na ko dito sa office para ipagpatuloy yung pinagaaralan ko na gesture drawing. I think may improvement naman. So habang nagddrawing ako nakikinig lang ako ng mga new podcast episodes (Eve’s Drop and Telebabad Tapes) tapos ang ganda pa din ng mood ko. Hindi ko pa actually natapos yung isang podcast kase dun ko biglang narealize na ang ganda ng araw na to tapos tinigil ko muna para ma-document ko dito. So ayun. Andito na tayo sa present time. After nito ipagpapatuloy ko na yung pagbabasa ko. Bukas na ko ulit magddrawing habang nakikinig ulit ng podcast.

Medyo excited akong ipagpatuloy bukas kasi nagiimprove na ko 😁

Goodnight! Sana wag ma-jinx please!

Categories
Family Life Today's Log

Today’s Log 5 | Overthinker

  • Gumawa ako ng siomai pero hindi maganda yung wrapper na nabili ko. Masarap pa din naman.
  • Inayos ko yung website ko at yung listings ko sa Etsy shop ko
  • Since hindi ako ganun natuwa sa siomai, umorder ako ng takoyaki at maki
  • Masinsinan heart to heart with Kenneth kasi down nanaman yung pakiramdam ko ngayon
  • Ka-video call ko ang kuya kanina tapos napagkwentuhan namin ang Daddy nung buhay pa sya. Death anniversary ng Daddy sa July 14. Halos araw-araw kaming magkausap ng kuya at masaya ako na lagi pa din kaming nakakapagusap kahit magkakalayo kami.
  • Kachat ko din si Tricia nung umaga at na-share ko din sa kanya kung bakit ako down. Thanks Triciaba!
  • Umorder ako sa Amazon ng Neutrogena moisturizer and grippy socks
  • At nag-workout nga pala ako kaninang umaga. Pang 3rd consecutive day na ngayon.
Categories
Life Today's Log

Today’s Log 4 | Tired Cat

  • Ang fun makipaglaro sa mga kitties lalo nowadays kasi ang active na ni Cashew. Dati SOBRANG TAMAD. As in kahit anong cat toy hindi nya papansinin. And pag swerte ka, aabot-abutin nya lang yung laruan pero mags-stay lang sya sa pwesto nya. Hindi nya susundan at hindi man lang sya tatayo. Ngayon sobrang ligalig na kaya ang saya. Hindi sya magiging obese.
Labas dila sa pagod 😂
  • At last natapos din sa mga request nung mga pinsan at pamangkin ko na i-drawing ko daw sila. Makaka-move on na ko sa portraits at makaka-focus sa pagaaral magdrawing ng backgrounds and sceneries.
Illysa, Isabelle, Gillian
  • Productive ako today in terms of homemaking. Ang dami kong inayos na drawers at ang saya sa feeling.
  • Nagluto ako ng spaghetti. Hindi pinoy spaghetti for a change. Store bought marinara, sausage, bacon, spinach and parmesan cheese. Sarap.
  • Medyo badtrip ako sa Coin Master kasi naubos yung spins ko.
Kettle lang yung nirequest ko ang daming binigay 😄
  • Nag-binge ng podcast ni Saab and Jim. Feeling ko kelangan kong ulitin kasi hindi ko na-note yung mga words of wisdom.
  • Received 3 orders today! Nung minsan 7 orders yung pinack ko. Medyo nagiimprove naman yung sales ng shop.

Ang dami naman palang magandang nangyari ngayon. Nakakaasar kung bakit ba ko nagffocus sa maliliit na bagay na kinaaasaran ko. And since yun yung last na feeling na nararamdaman ko, parang nasira na tuloy yung buong araw. I need to be more in control of my emotions.