Ang kyut ng Mama’t Papa. Di baga’t uuwi nga ako sa April (tangina sana talaga di magkaproblema na maiden name pa din yung nakalagay sa passport ko), eh kausap ko ang Mama kaninang umaga tapos nabanggit nya na pinapaayos daw nila yung aircon. Kasi daw sabi ng Papa baka daw mainitan ako paguwi ko. Hahahahaha. Ang kyuttttt!
Pero lamigin naman ako kaya feeling ko di naman ako magkakaproblema sa init. Tsaka pag summer naman dito sa Winnipeg kasing init lang din halos sa Pilipinas. Pero ang kyut nung dalwa. Haha excited.
Lalo din tuloy akong na-excite umuwi. Hay nako sana talaga di magkaproblema or hindi mabago ang protocol. Okay yun lang.