Categories
Art Life

Productivity

Nung last day ng April ni-log ko yung ginawa ko sa isang buong araw para ma-check kung productive ba ko. Kasi nga feeling ko parang ang konti ng nagagawa ko simula nung nag-freelance ako. So ito ang kinalabasan:

7:10 am Woke up

7:15 am Pooped

7:30 am Nagiisip ng gagawin kung magw-workout

7:40 am Food prep

7:45 am Workout

8:05 am Rest

8:30 am Vacuum

8:45 am Prep and cook (with social media in between kasi pinapakuluan pa yung sopas)

9:45 am Ligo while sopas is cooking

10 am Continue cooking

10:20 am Brunch

10:40 am Impis dishes + laundry

11:10 am Chill

11:35 am Work (ended up journaling)

12:15 pm Figure out what productive thing to do (ate sopas)

12:40 pm Chill

1 pm Work (Etsy store, new listings, business social media posts)

4 pm Chill and eat

5 pm Piano

5:55 pm Chill

7 pm Work (new designs + future plans)

9:45 pm Chill

10:45 pm Zzzz

So ico-compute ko yung hours na productive ako and chill lang. Pero eto ang gusto ko sa freelance. Magbbreak ako kung kelan ko gusto. Hindi katulad sa office na minsan sasapit ang 10 or 11 am tapos antok na antok na ko pero hindi ako makapag-break dahil 12 pm pa ang lunch break ko. Tapos 30 mins lang yung lunch break. Okay so eto ang kinalabasan:

  • Work – 5 hrs 45 mins
  • Chill – 3 hrs 55 mins
  • Homemaking – 1 hr 40 mins
  • Eat – 1 hr 45 mins
  • Self care – 2 hrs 10 mins
  • Daily routine – 30 mins

Hindi ako ganun kasaya sa work hours ko pero since araw-araw naman ako nagttrabaho (including weekends), okay na siguro ang 6 hours a day. Pero siguro yung chill hours ko need kong bawasan ng konti, gawin kong mas productive like reading or learning a new language. Yung sa pagkain ko talagang mabagal na ko kumain ever since so normal na yan. So mukang ang need ko lang i-adjust is yung chill hours. Kahit reduce lang to 3 hours kasi hindi ako pwede nang nas-stress dahil nga ang dami kong health issues.

Ang saya palang mag-keep track ng daily activities. Gagawin ko uli to bukas.

Si Cashew na laging tulog pero sobrang ingay pag gising
Categories
Canada Food Pilipinas Wellness

Cooking Skills + Virus

Lately, sobrang nahihilig akong magluto at magbake. Hindi ko sure kung nahihilig ba o kelangan lang kasi wala naman ibang magluluto dito. Sino bang madaming free time saming dalwa, syempre yung walang trabaho. Pero parang mixed na hilig at no choice kase natutuwa din naman ako lalo na pag masarap yung gawa ko (which is 90-95% of the time). Yun eh sa panlasa ko lang ha. Baka kay Kenneth lang pumapasa yung luto ko. But nevertheless, na-upgrade talaga yung cooking skills ko habang tumatagal and lalo ngayon na mas napapadalas ang pagluluto ko. Exhibit A to C:

Crispy pork binagoongan. Sarap!
Chewy chocolate chip oatmeal cookie. Ang sarap!
Lomi. Sabi ni Kenneth masarap pero sakin sakto lang.

Tapos thank you saking Etsy shop, hindi zero ang nacocontribute ko sa household na to. May ilan pa din na bumibili ng stickers despite of COVID-19. Madaming nagsu-support sa mga small businesses. Pero syempre, konti lang ang kinikita ko dun. Kelangan ko pang mag-isip ng ibang source of income. Sa ngayon, pagiging illustrator na talaga ang tina-target ko. May special place pa din sakin ang graphic design pero mukang nage-enjoy akong magdrawing nowadays. We’ll see kung sa ang punta nito.

My messy desk

And konting balita lang sa mga nangyayari ngayon para sa future self ko pag binalikan ko tong post na to:

  • Pataas pa din ng pataas ang cases ng COVID-19 positive. Sa Pinas, naka-lockdown pa din sila and mukang maeextend pa din ang quarantine. Dito naman sa Canada, specifically sa Manitoba, pwede naman lumabas pero strict ang pag-observe ng social distancing.
  • Isa sa mga struggles nila sa Pinas ay ang pagbili ng pagkain. Kung san makakapag-grocery. Tapos may schedule din kasi ang pag-labas. Ang Papa naman, ang struggle nya ay kung pano makakatiis na wag umalis ng bahay. Napagalitan ko nga nung minsan kasi lumabas daw tapos naginom. Sinumbong sakin ni Tricia. Eh di chinat ko pinagsabihan ko. Pero sineen lang ako hehe. Baka tampo sakin.
  • Yung isa sa mga pinakamasaklap na nabalitaan ko eh yung mga bangkay na nakatambak lang sa hallways ng ospital kasi hindi na kasya sa freezer sa sobrang dami. Grabe yung video nakakapanindig balahibo. Grabe talaga. Kaya Papa please wag kang makulit. Kasi kahit sabihin na ayos kami dito, hindi ka naman masasatisfy ng ganun kung alam mong yung mga kamaganak mo sa Pinas ganun ang sitwasyon. Hays. Kung pwede lang talagang dito na kami lahat.
  • Madaming galit sa gobyerno at madaming nagaaway-away.

Okay wala na kong maisip. Hanggang sa muli.

Categories
Art Food

Productivity + Chef Bumburumbum + Underwhelming Ramen

First of all, medyo naffrustrate talaga ako sa productivity ko simula nung nagresign ako. Sabi ko nung may trabaho pa ako, nasasayang yung oras ko sa office. Imbis na nakakapag-art attack ako and maka-attract ng potential clients, nasa office ako. Sabi ko, makapagresign lang ako, ang dami ko sanang oras para makapag create. Pero ngayong resigned na nga ako, hindi ko ma-utilize yung oras ko ng maayos. Sobrang distracted ako sa Instagram. Hays. The temptations.

Although hindi naman ako naging zero percent productive, ang konti pa din ng nagagawa ko. Nakaka-disappoint. Tapos magi-guilty ako eh kasalanan ko naman talaga. Kanina, kakatapos lang nung ginagawa ko na art set. Ang theme is baking cookies. Happy naman ako sa kinalabasan.

Set 1: Objects
Set 2: Experience

So yan lang yung nagawa kong productive. And 2 weeks ko syang ginawa. Pero feeling ko kaya ko tong gawin in 2-3 days. Hindi ko alam kung bakit pero wala talaga ako sa mood gumawa sa umaga. Yung pag maliwanag. Mas gising yung utak ko and mas nakakapagisip ako pag gabi. Kaso ang tendency ko, pag tapos na si Kenneth sa trabaho, gusto kong mag-bonding kami kaya sinasabayan ko syang mag-chill. Pero ang lame ng excuse ko kaya kelangan ko pa din magbago.

Pagdating naman sa cooking skills ko, feeling ko ang tino ko na talagang magluto. Sobrang nakaka-proud kasi almost everytime nagluluto ako, wala nang sukatan. Tancha tancha na lang. Dati kasi for example magluluto akong nilaga, pag sinabing 1 tsp salt, susukatin ko talaga. Sobrang noob. Pero ngayon hindi na. Tsaka minsan hindi ko fina-follow yung recipe unlike dati na kung ano yung nandun, yun lang yung gagawin ko. Kaya nung sinabihan ako ni Aryan na gumawa na daw akong ng separate IG account para sa mga niluluto ko, gumawa nga ako kasi naisip ko din magandang reference pag nauubusan ako ng ideas ng mga lulutuin. Chef Bumburumbum yung pangalan, si Kenneth ang nakaisip. Bumburumbum kasi kilala ang mga Pagbilaoins sa word na to. Mga niluto ko the past 2 weeks:

Frittata cups
Baked macaroni
My favorite, maja blanca

Since naka self-quarantine pa din kami, hindi ako makapag-grocery. So naubusan na ko ng mga lulutuin. Ubos na ang mga gulay namin so ang limited lang ng mga recipes na pwedeng lutuin, wala nang pangsahog. Eh as much as possible ayaw ko pang lutuin yung mga de lata namin. So madalas nagpapadeliver din kami sa labas which is isa pang gusto kong iwasan kasi mahagad talaga. Pero minsan wala din talaga kong disiplina. Tapos yung latest pinadeliver namin ni Kenneth eh yung medyo matinong ramen dito sa Winnipeg. Pero compared mo sa ramen places sa Manila, sobrang inferior pa din netong nandito. High yung expectation namin nung una kase chef daw from Japan so ine-expect ko, yung lasa, at par dun sa mga ramen na natry namin sa Japan or at least yung sa Pilipinas. Pero ang waley pa din. Matabang yung broth. Kaya sobrang na-appreciate ko yung mga ramen places sa Manila. Ganun pala talaga siguro kahirap gumawa ng masarap na ramen.

The underwhelming ramen
Hinati ko yung ramen kasi alam kong hindi ko mauubos yung buo

Balak ko nga palang gumawa ng Youtube channel about sa art ko. Why not. Malay mo may manood. Pero naiisip ko ang matrabaho masyado. Hindi pa nga ako nakaka-gain ng momentum sa art stuff ko tapos sisingitan ko pa ng iba nanamang activity. Hays. Kakaasar. Nakaka-disappoint talaga. I will try my best pa din.

Ordered some books. Yung graphic design book lang talaga ang intended kong bilhin. Extra lang yung iba para umabot ng $45 para free shipping.
Categories
Art Career Life

Freelancer/Housewife

Kahapon yung first day na ang situation ay:

  • Weekday = workday
  • Tapos pareho kaming nasa bahay ni Kenneth
  • Pero work from home sya (gawa ng COVID-19)
  • Tapos ako jobless kasi nag-resign na ko to pursue ang aking career in art/design
In our mini office

So kahapon, parang feel na feel namin yung pagka-house wife ko. Feel na feel ni Kenneth. Kasi the night before, gumawa na ko ng daily schedule ko para productive ako throughout the day at nakakakain kami sa oras. Since alam kong 12PM ang lunch break nya, nasa schedule ko na 11AM, magluluto na ko. Para 12PM, ready na ang pagkain at sabay kaming mag-lunch.

Best nilaga ever daw

Few minutes after 12PM, lumabas na sya sa mini office namin tapos ang sabi, “What’s for lunch?” habang nakangiti. Halatang halata na gusto nya yung inaasikaso sya. Haha. Kasi kahit noon pa, may usapan kami na magiging house wife ako kapag kaya ng sweldo nya para nga ma-pursue ko yung art career ko. Ngayon parang kaya naman pero yung tipong wala na kaming maiipon masyado. Saktong sakto lang sa mga bills and groceries. Kaya ginagalingan ko dito sa freelance ko para makapag-contribute ako kahit papano. And yun yung purpose nung daily schedule na ginawa ko, para di ako ma-sidetrack. Ang daming distractions pag freelancer. Ang daling manood na lang ng Netflix, tapos kain tulog. Hindi pwede.

Taking notes sa pinapanood kong illustration class

So kahapon yun. Kanina, tinuloy ko lang yung tine-take kong online class. Ang dami kong natutunan. Excited and kabado at the same time kasi after ng theories, application naman ang next. Di ko alam kung bakit every time magddrawing ako kinakabahan ako. I think sa sobrang gusto kong makapag-produce ng quality work, inaatake ako ng doubt and anxiety. Nauunahan ako ng kaba. Pero sabi nga sa podcast na napakinggan ko, fear is okay. Kasi the moment na wala na yung fear, ibig sabihin non parang bored ka na sa ginagawa mo or wala ka nang gana.

11:08AM na so kelangan ko nang magluto. As for me, masaya ako. Syempre sino ba namang hindi sasaya na mas hawak mo yung oras mo. Pero yun nga. Nakaka-pressure din and may guilt feelings kasi wala na kong nacocontribute na income sa household. Never naman akong nakarinig kay Kenneth ng kahit ano. Suportado nya talaga ko. Yung malikot na utak ko lang ang kalaban ko. Madaming naiisip na hindi na naman dapat ika-worry. Basta ang goal ko ay mag-focus dito sa art ko which will lead to potential clients. Good luck sakin. And sabi ko nga, worse comes to worst, may balikan naman. Pwede naman akong bumalik sa office job kung hindi ito mag-workout. Pero bago mangyari yun, ita-try ko muna ang best ko. Okay magluluto na ko.

A rare sight! Normally suplado si Cashew pero tumabi at umupo sya sa legs ko ๐Ÿ˜
Categories
TV

Think Before You Share

Nakatulugan ko yung pagluluto ng adobo. Akala ni Kenneth tapos na yung adobo so nilagay na nya sa ref. Ni hindi ko pa man lang natitikman anong lasa. Sabado ng umaga ngayon tapos Thursday ng gabi ko sya niluto. Hindi pa namin nakakain. Buti adobo.

Medyo mabigat yung loob ko ngayon kasi may napanood akong morbid na docu series sa Netflix. Putangina talaga yun. Nakakabadtrip si Nick kung maka-recommend alam naman nyang magiging sensitive sakin yung palabas na yun. Bastos. Kase exagg na ngayon yung fascination ng mga tao sa mga serial killers. Super bini-binge nila sa Netflix yung mga ganun, tapos may podcasts na din about dun. Hindi ko kaya kasi empath nga ako. Kaya naiinis ako kay Kenneth pag nanonood ng mga ganun kasi pano ka nagiging okay after manood ng mga ganun. Ako kasi hindi ko maalis agad sa isip ko sobrang nakakadisturb yung mga pinaggagawa nila. Tapos naimagine ko yung mga victims. Ugh.

Pero may napulot ako dun sa pinanood ko na yun. Yung particular na murderer na yun, bullying yung parang naging root cause talaga. Si Ted Bundy din ang alam ko nabully eh. Hindi kasi ako nagp-pay attention nung pinapanood ni Kenneth so di ko sure. And may extreme narcissistic behavior sila. And dito yung nagiging isa sa mga problema. Nagffeed sila sa attention na binibigay ng mga tao.

Kaya yung mga tao na akala nila harmless lang yung fascination nila sa mga glorified serial killers, kasi iniisip nila out of curiosity lang naman, gusto lang nilang malaman pano nakaka-get away tong mga to sa simula, and yung iba nabibilib kung gano katalino or pano nila natatakasan yung mga evil ways nila. Akala nila wala silang ginagawang negative pero in some ways kase, eto kasi yung gusto ng killers. Na i-focus sa kanila yung attention ng mga tao kasi narcissists nga sila. So katulad ngayon na nabibigyan sila ng lime light, gustong gusto yun ng mga aspiring serial killers. For sure somewhere out there nagpa-plano na sila pano sila magkaka docu series sa Netflix. Pagalingan na sila nyan para mapansin sila. Oo maganda din naman maging aware ang mga tao kung ano yung nagiging origin or pano sila naging ganun para ma-prevent in a way. Kaso ang exaggerated na lang talaga ngayon kasi ang dami na, sobra, kasi alam nilang bumebenta eh. For me hindi na healthy yung amount.

Kaya yun din yung message nung docu series na yun nung huli. Think before you share. Kasi pag nag-viral sila, accomplishment sa kanila yun. Pero may other side din na pag hindi naman sila mapansin, baka gumawa sila ng mas extreme na bagay para mapansin sila. Ang hirap. Siguro ayusin na lang yung docu series na wag masyadong i-glorify kung gano sila ka-scheming and devious. Kasi dito sa pinanood ko may nagsabi na ang “brilliant” daw nung killer. I-leave out na lang nila yung mga ganung comments. Mas ipakita na lang nila kung gano ka-pathetic and ka-loser tong mga demonyo na to.

Yung iba kasing tao, sobrang nabibilib and naa-amaze sa kanila. Siguro ang dali lang sa kanila na maging ganun kasi hindi nila kakilala yung victim, hindi nila kamaganak or kaibigan. Ang key takeaway nila after manood is, “Ang clever naman nung killer!”, tapos nalilimutan na nila yung victims. Kaya stop na. Wag na natin masyadong tangkilikin yung mga ganyan. Hindi na cool.

 

Categories
Books Horror

The Stand by Stephen King | Book Review

The StandThe Stand by Stephen King

My rating: 3 of 5 stars

Had a hard time finishing it. It it weren’t for our book club I would have put it down after reading the first few chapters. At first, I didn’t expect that there would be a supernatural element in the story. I think I would’ve enjoyed it better if there wasn’t. This was my first Stephen King novel and while I admire how detailed his storytelling is, sometimes I just can’t keep up. I find myself lost in some, if not most, of the references used in the book. But having said that, I know that this wouldn’t be my last King novel. The way he described those people dying of the super flu was really unsettling; it was very good and effective writing. Those chapters where it was getting close for the main characters to find their way to each other got me excited and gave me the extra push to finish the book.

FAVORITE SCENES:

When Stu faked his coughs while talking to Deitz. Deitz refrained from wearing the space-suit so he panicked when Stu suddenly displayed symptoms. Deitz was always withholding information from Stu so when Deitz asked him why he would pull something like that, Stu repeated Deitz words, “Sorry, that’s classified.” That was a cool move.

Glen Bateman’s superflu aftermath plan: Chill and paint. Then he said to Stu, “There is no one on earth painting better landscapes than Glendon Pequod Bateman, BA, MA, MFA. A cheap ego trip, but mine own.”

FAVORITE QUOTES:

PREFACE

Movies after all, are only an illusion of motion comprised of thousands of still photographs. The imagination, however, moves with its own tidal flow. Films, even the best of them, freeze fiction.

That is not necessarily bad… but it is limiting. The glory of a good tale is that it is limitless and fluid.; a good tale belongs to each reader in its own particular way.

NOVEL

PETER: But you have to remember, Fran, she’s too old to change, but you are getting old enough to understand that.

Structure is a necessary thing.

GLEN: (On dreams) I have always believed they served a simple eliminatory function, and not much more โ€” that dreams are the psyche’s way of taking a good dump every now and then.

But she suspected it was going to be held over by popular demand inside her head. (A more creative way of saying overthinking)

Well, for one thing, it might mean that all these people here were just an epilogue to the human race, a brief coda. (Tragic)

JUDGE: But you can only be one man. Isn’t that true?
LARRY: Yes.
JUDGE: And your choice is made?
LARRY: Yes.
JUDGE: For good?
LARRY: Yes, it is.
JUDGE: Then live with it.

There was a single final breath, the last of millions. (RIP Mother A)

(Tom’s chapter while spying in the West) They were nice enough people and all, but there wasn’t much love in them. Because they were too busy being afraid. Love didn’t grow very well in a place where there was only fear, just as plants didn’t grow very well in a place where it was always dark.


Click to view my digital book shelf.

Categories
Art

Dollar Dollar Bills Y’all

Sobrang saya ko lang talaga kasi may mga dumating ulit akong clients. Yung isa taga Vienna. Wow sosyal. Nahanap lang daw nya yung IG art account ko sa isa pang IG account. Pag may mga ganitong nagi-inquire, hindi muna ako nae-excite kasi may tendency na hindi sila magpush through pag binigyan ko na sila ng quote. Although masaya pa din kasi naf-flatter ako. Ibig sabihin nagustuhan nila ang mga gawa ko. So etong si Vienna sausage, ang gusto nyang ipagawa is illustration ng superhero na ang cape daw ay banana. Medyo nag-alinlangan ako kasi di ko forte magdrawing especially tao. Although alam kong kakayanin ko naman, nag-doubt pa din ako. Pero in-entertain ko pa din at sinendan ko ng quote. Miraculously, nagpadala na sya ng downpayment. Amaze na amaze na naman ako at tuwang tuwa. Sa isip ko kasi, I’m not worthy. Bakit ako? Eto na nga siguro talaga yung nababasa kong imposter syndrome. Nung una skeptical pa ko dito sa syndrome na to eh pero parang totoo nga sya. Nagkaka mild anxiety ako.

After pa non, may nag-inquire ulit sakin. Actually hindi nga inquiry eh. Ang wording nya is “Magpapagawa kami sayo ng invitation.” hindi “Magkano ang pagawa ng invitation?”. Taga Australia naman. Tsk sosyalin talaga ang mga clients ko. Birthday invitation naman so medyo nasa comfort zone ko. Twice na ko nakagawa ng kiddie invitation so hindi naman masyadong kabado. After ko isend yung quote, binayaran ako agad in full. Grabe talaga sobrang nakaka-overwhelm. Kaya ngayong maghapon, eto lang ang gagawin ko. Ang saya pag ganito everyday. Mabubuhay na ko pwede na ko talaga magresign. Plus gusto ko pa yung ginagawa ko.

Konting life updates: Nakapagrecord na kami ni Nick ng episode 11. The start of season 2. Ayos naman. Tagal ko na naman nageedit. Pero kahit matagal, feeling ko hindi ko kayang ibigay kay Nick yung task ng pag-eedit. Sobrang OC ko kasi. Haha.

Bago pa i-suggest ni Nick, naisip ko na talagang gumawa ng bagong intro outro song. Natuwa naman ako sa result. Parang gusto ko syang buuin parang maging 2-3 minute song. Pero priority ko muna ‘tong commissions ko. May ipapa-ship pa pala kong orders kay Kenneth. Thank you Dany for always patronizing my work! Sya talaga ang unang nagtiwala sakin at si Reagan. Super thankful ako sa binigay nilang confidence sakin. Ngayon mas naha-handle ko na yung overwhelming feelings. Nung una kasi talagang umiyak ako. Ganun pala yun.

O sya. Tanghali na. Dami ko pang gagawin. Kelangan ko na din matapos yung binabasa kong libro para sa book club discussion sa Sunday. Hindi ko alam kung anong mga ipagsasasabi ko dun. Babayu!

Categories
Art Wellness

Recovery and Art Updates

Umo-okay okay na ko. Nakakalakad na ko ng maayos, pero medyo dahan-dahan pa din. Yung isang incision ko medyo fresh pa. Tapos may mga sumasakit pa din ng pakonti-konti kaya alalay pa sa paggalaw.

Lugaw forever. With lechon belly ๐Ÿ˜‹

Dinalaw ako ni Sam kahapon. Nakakatawa ngayon lang kami nakapag-meet, lampas 1 year na kami dito sa Winnipeg. Nakakatuwa at nagi-guilty daw sya. Super okay lang naman kasi sobrang busy nya pagaasikaso ng pagiging nurse nya dito. Parang 3 years na daw nya inaasikaso yun grabe. Eh di kwentuhan lang kami ng kwentuhan. Nakakatuwa yung mga kwento nya kasi parang bumalik ako sa mundo ng ospital. Parang napa-reminisce ako ng konti pero tamang ganun na lang. Ayoko pa din mag-nurse.

Tapos sobrang na-motivate akong ituloy yung pag-apply ko sa Graphic Design program. Eto yung full-time student na talaga ko. Hindi yung kinuha ko na part-time program lang. Pag full time, talagang kelangan magre-resign ako tapos 2 years akong estudyante. Recently kasi nagdadalwang isip ako kung itutuloy ko pa ba. Kasi nga insufficient funds (bigla kong naalala yung Red Alert). Pero nung nakausap ko si Sam, dun ko ulit na-realize na kaya naman talaga. May student loan naman tsaka pwedeng suportahan ng government. Although naisip ko pala baka hindi ako ma-approve dun sa loan kasi yung program, iisipin nila na arts arts lang. Pero bahala na. Push ko na talaga. Magpapa-schedule na ko ng CANTest next week. Sana makapasa ako! Kase pag hindi, hindi ako makakapag-apply dun sa program. So yun na lang muna ang first step. Pag di ako nakapasa, no choice. Next intake na lang ulit.

My sister, Tricia. I-drawing ko daw sya.

Netong nakaraang week. May pinanood akong class about digital illustration. So nasa mood akong mag-drawing drawing. Hindi pa ko fully satisfied sa mga ginawa ko pero hayaan na. Hindi naman siguro sobrang pangit.

Reading
First attempt

Proud din naman ako kasi hindi ko inexpect na kaya kong mag-drawing ng ganyang cartoon-ish tapos walang gayahan. Fan na ko ng hindi perfectly shaped na tao. Yung tipong hindi talaga match yung proportions. I-eexplore ko pa yung ganung style. Eto yung mga recent inspirations ko: @dianaillustrates at @jaromvogel.

Gusto ko pang mag-drawing kaso kelangan ko nang matapos yung book namin for this month (The Stand by Stephen King). May discussion yung book club namin next week. Kelangan ko nang humabol kasi mga tapos na sila. Babayu!

Categories
Art

Sleep is Magic

When I sleep, I sing songs I’ve never heard before. I see places and things so bizarre that it would make a great art piece. My creativity flourishes. But then I’d wake up. And all I’m left with is my boring, conscious thoughts.

Categories
Art Life

Slowmo

Minsan hindi ko talaga mapigilan maisip kung anong mangyayari sa art venture ko. Gusto kong isipin na ginagawa ko lang sya for fun. As a creative outlet kasi talagang meron akong satisfaction na nararamdaman pag nakaka-create ako ng something na matino. Kaso pag may nakikita ako na super successful sa creative business nila, gusto ko din maging ganun. So parang nap-pressure ako. Hanggang sa hindi na sya nagiging fun. Lagi akong naghahanap ng validation at nagiisip ng iba-ibang ways para masabi kong “I made it!”

Since wala akong magawa ngayon kahit nasa office ako at kelangan kong magtrabaho, nagbabasa-basa ako ng articles. Tapos may nabasa ako about sa “the gig economy”. About sa mga solo entrepreneurs. May na-mention about people na nagsimula sa hobby lang tapos super successful na ngayon. Bigla kong na-imagine kung pano kaya kung ako yun. Tapos di ako natuwa dun sa thought. Parang na-imagine ko na super busy ko tapos hindi na ako nag-eenjoy sa ginagawa ko kasi para sa clients lang lahat ng ginagawa ko. Imbis na ma-motivate ako dun sa article, parang nagka-urge ako na magslow down. Na wag i-pressure ang sarili ko na maging successful. Na truly i-enjoy ko na lang tong creative side ko. Yung impulses ko na “Sana dumami ang clients ko!” is nag-fade. Tingin ko good thing to sakin. Kase minsan yung utak ko hindi ko na ma-control parang and dami masyadong iniisip na hindi naman ganun ka-importante. Kaya siguro gustong gusto ko laging madistract kase kung hindi parang mababaliw ako. Non-stop kasi talaga ang utak ko sobrang sobrang dami kong iniisip mapa-past, present or future. Ang dami kong opinyon sa mga bagay-bagay at ang dami ko masyadong feelings. Overthinking to the max talaga. Kelangan ko na siguro talaga ng meditation.