Categories
Games Ramblings

Tamagotchi Deprived Adult

Tandang tanda ko nung elementary ako, nasa mall kami ng Mama (sa Ocean Palace Mall na wala na ngayon). Hindi ako yung tipo na nagpapabili ng mga laruan kasi alam kong di kami mayaman. Kaya gulat na gulat ako nung tinanong ako ng Mama kung ano daw gusto ko. First time ko narinig sa kanya yun tapos nasa mall kami! Di ako nagsayang ng segundo, tamagotchi agad ang sinabi ko.

Categories
Canada Food Games Pals

Apple Chips + Isko + Cool People

Nagpapahinga muna ako sa paglalaro ng Axie. So magsusulat muna ako dito. Mga nangyayari sa buhay ko ngayon. In general ano nga bang nangyayari sakin ngayon? Ah. Medyo nagiging busy ako ngayon. Kasi manager na ko. Haha. Wala akong magagawa kasi manager yung tawag nila pag meron kang pinapalaro na Axie teams sa iba. Yun yung pinagkakaabalahan ko these past few days. Pagha-hire ng scholars. Hindi ko rin alam bakit sila tinawag na scholars.

Tanginang shield yan

Busy din ako paglalaro. Yun lang naman yung routine ko eh. Make sure na may pagkain kami during meal times whether magluto ako or umorder online, matapos yung paglalaro ko ng Axie, at try na isingit ang pagbabasa between those two. Plus maki-update sa nangyayari sa cryptoverse para maging at ease na meron pa kaming pera pagdating ng retirement namin. Yun. Importante na meron tayong routine para hindi kung ano-anong pumapasok na mga unnecessary things sa utak natin.

Na-discover namin sa Costco. Crispy apple chips. Kakaadik.
Isa sa mga nil-look forward ko sa araw-araw ay ang magmeryenda

Kausap ko kagabi ang Mama. Nagkkwentuhan lang kami at kinakamusta ko sila kasi nag-positive sila ni Tricia. Ayoko munang makampante hangga’t hindi pa sila nakakarecover talaga. Basta everyday winiwish ko sana maging okay na sila at maging back to normal na. So sa pagkkwentuhan namin, tinanong nya ano daw hapunan namin. Sabi ko ito:

Ayun. Tapos ngayon anniversary nila. Hindi sila makapag-celebrate ng maayos dahil nga naka-quarantine pa sila. Baka umorder na lang daw sila ng food or magluto ang Papa. Hays sana talaga ok na sila. Buong family kasi ng kuya nag-positive din. Daddy rin ni Kenneth. Buti naka-recover sila ❀️ Kaya Mama at Tricia magpagaling na kayo.

Kahapon ‘to nung nasa totoong office nila si Kenneth. So sya muna officemate ko kahapon.

Dami naming nadiscover sa Costco last week. Nung nasa Costco kami ewan ko pero parang walang topak si Kenneth. Anything na ituro ko umo-okey sya. Madalas kasi laging kontra. Mahal daw etc. Pero that day di sya masyadong kontra so ang dami naming snacks. Pero nung pauwi na nag-away kami haha. Biglang naging masungit. Lagi talaga yun! Umiinit ang ulo pag naggrocery kami. Sinabi ko na nga na wag na syang sumama. Mag stay na lang sya sa sasakyan. Nakakahawa kasi yung negative energy. Ang saya saya kong maningin ng mga prutas, karne, chocolate, tapos biglang pag tingin mo sa kanya feeling mo tinotorture sya. Kakasura.

Eto yung nakakaadik

Ah tapos last week, pumunta kami sa birthday-an nung officemate ni Kenneth. So na-meet ko din officemates nya. Ang saya din nung gabi na yun. Ang sarap ng food at company. Tapos may karaoke pa so nagkantahan din. Nagpalitan lang kami ng mic ni Hope (katabi ko) kasi mahilig din pala syang kumanta. Sana maulit!

Haha nakakatawa naki-twinning pa si Kenneth dun sa may birthday

Ang saya din pala nung baby shower nila Trix kaso wala akong picture. Noon na lang ako ulit nakapaglaro ng Pusoy Dos tapos super cute ni Muy.

Ang lawak at ang ganda ng bahay nila. Nakaka-inspire.

Wala na kong maisip na significant na nangyari. Ah last. May Nintendo Switch na sila Nick so naglaro kami nung minsan ng Overcooked 2.

Bulok ni Nick! Hahaha joke. Pero medyo kasi merong game na tarantang taranta sya (naka-video call kami) tapos sigaw ng sigaw pero yung character nya nakatayo lang 🀣🀣🀣 Tanga eh hahaha. Sana maging available ulit sya gusto ko ulit maglaro. At para magamit naman yung Switch namin na naka tengga na lang.

I LOVE YOU!😻

Ayun.

Categories
Games Life Today's Log

Today’s Log 8 | Emerald

SUNDAY

10 AM

Kakatapos ko lang magbasa at mag-Duolingo. Yung binabasa ko kanina ay yung Deep Work pa rin ni Cal Newport. After reading yung chapter na yun, nag-imagine lang ako na sana sa next titirhan namin may sarili akong office. Share kasi kami ni Kenneth ng office ngayon tapos madalas marami syang ka-meeting. Nakakadistract. Ang lakas pa ng boses ni Kenneth tapos laging tawang tawa.

Ang tagal kong nag-Duolingo kasi meron akong nilalagpasan. Sa Duolingo kasi may leagues (nasa Ruby league ako). Para maka-advance ka sa next league, dapat nasa top 10 ka. Eh top 11 na ko so nilalagpasan ko yung top 10. Eh yung top 10, active din. After ko sya malagpasan, lalagpasan nya ko ulit. Nakakatawa na nakakatuwa na nakakainis. So nagtuloy tuloy ako para malagpasan ko yung top 8 para wag na nya kong guluhin.

Yan yung kalaban ko yung hindi ko matype ang pangalan

10:27 AM

Nakahiga. Nagiisip kelan kaya matatapos ang pandemic.

12:09 PM

Grabe. Grabe yung binabasa kong libro. Eto yung April book ng book club naminβ€”Anxious People. Grabe ang gandaaa. Pero nasa chapter 10 pa lang ako (74 chapters in total). Chapter 1 pa lang the best na. Sana consistent until the end.

12:19 PM

5:50 PM

Kakatapos lang mag-grocery. Nag drive-thru kami sa KFC kasi gutom na ko. Zinger twister again tapos nag add lang kami ng gravy para sa roast chicken na binili namin. Excited na ko manood ng Vincenzo.

Gusto ko sanang i-try kaso ang mahal

6:10 PM

Tumawag ang Kuya Jon2 (tito ko pero nasanay kami na kuya ang tawag). Pinagsasabihan nanaman ako sa driving ko. Ayusin ko daw. Pina-practice nya kasi ako nitong mga nakaraang araw eh laging sablay yung pagliko ko. Yung pagkanan lang. Pag left turn very good naman ako. Kelangan ko nang gumaling kasi malapit na ko ulit mag-road test.

6:48 PM

Naglalaro na kong Cozy Grove. Mamaya na daw kami manood ng Vincenzo sabi ni Kenneth. Makikipaglaro daw muna sya ng COD.

Tapos tumawag ang Kuya. Chika chika lang as always. Mga 1 hour kaming magkausap habang naglalaro ako ng Cozy Grove.

My turf

8:04 PM

Gumagabi na. Aakitin ko na si Kenneth manood ng Vincenzo (sa probinsya namin akitin is yayain). Chinat ako ni Trix kanina. Tinatanong ako kung napanood na namin kasi ang ganda raw. Na-excite ako lalo panoorin.

8:12 PM

Chineck ko yung Duolingo, Emerald league na ko! Haha.

Eto na. Manonood na talaga kami.

Categories
Career Games Life Today's Log

Today’s Log 7 | LF: Artist Friend

Bigla kong naisip na gawin ulit β€˜to pero late na ko nakapagsimula.

5:18 PM

Nasimulan ko na yung step #1 sa “The Steps”. And true enough, mas lalo ko ngang na-appreciate ang animation. Sobrang daming moving parts para makapag-produce ng isang animated film. From an outsider’s point of view, akala ko basta may magddrawing lang tapos i-a-animate nila yung drawings. Yun pala merong in charge sa pag-design ng characters, props and background. Tapos merong gagawa ng 3D models nung characters and all tapos may tinatawag na sculptors. Meron ding term na “rigging” na lagi kong nadidinig pero wala akong idea kung ano. After non merong in charge sa surface or texture nung characters, may in charge sa visual effects, lighting, sound, etc. Basta ang dami pa!!!

So after ko panoorin yung video na yun, mas trip ko talaga yung visual development department especially yung sa background design. Pwede ko rin siguro pagaralan yung sa characters and props. Pero isa pang interested ako eh yung matte painting. Sana talaga mapili ako as mentee dun sa WIA Mentorship Program! Yung visual/character effects mukang okay din.

May mga iba pa kong pinanood after. Super favorite ko yung movie na Inside Out so nakakatuwa na makita yung behind the scenes.

6:22 PM

Tumawag yung kapatid ko. Si Tricia, yung bunso namin. Nagusap lang kami about exercise bikes at yung dysmenorrhea nya. Sabi ko magpa-ultrasound na sya. Nakausap ko rin ng very light ang Mama at Papa. Minanok na baka ang ulam nila. Kakamiss sila. COVID matapos ka na!!!

7:11 PM

Watching an animation online course and I’m learning about this “squash and stretch” thing. The kitties are being distracting though.

Super nac-curious sila pag binubuksan ko yung bintana

7:23 PM

Watched another YT video about different animation softwares.

7:30 PM

I might try to learn how to use Blender. Magcheck out pa ko ng ibang videos about it.

For now, magbabasa muna ako ng The Midnight Library. Popular sya sa book community so na-curious ako. Yung genre nya ay fantasy. Medyo wala akong idea kung tungkol saan so excited akong simulan.

8:11 PM

Finished reading. Kumakain na ko ng dinner. Pero instead of reading The Midnight Library, I continued reading Norwegian Wood. Nafeel ko lang. Tapos habang binabasa ko yung Norwegian Wood, may naisip akong concept for a movie. Tapos parang magandang Pixar ang mag-produce. Hahaha. Nag-iimagine ako ng mga scenes sa utak ko habang kumakain ng tocino at dinuguan.

8:55 PM

Duolingo time after eating.

In fairness madami na kaming vocab na alam at nakakapag-construct na din kami ng sentences. Je suis content! πŸ˜‚

Maglalaro muna ako ng Cozy Grove tapos siguro papanoorin namin yung new episode ng Vincenzo. Sana makapagbasa ako uli mamaya.

10:10 PM

Ngayon pa lang ako maglalaro ng Cozy Grove kasi humanash pa ko kay Kenneth. Kinekwento ko sa kanya na gusto kong magkaron ng friend na nakakarelate sa ginagawa ko ngayon. Gusto kong magkaron ng isang person na kachikahan ko about the world of illustration tapos masusubaybayan namin yung journey ng isa’t isa. Kaso nga sa ganitong age, ang hirap. And mas lalo syang pinahirap ng COVID.

Medyo tanggap ko nanaman kaso nakakamiss lang na magkaron ng work friend tapos same kayo ng struggles and makakarelate kayo sa achievements ng isa’t isa. Mas masaya sana kung may ganun.

Categories
Games Hobbies

Games

May bago kaming gadget! Bumili kaming Nintendo Switch nung isang araw. Wala talaga sa plano naming bumili ng Switch kasi PS5 ang natitipuhan namin. Pero hindi kami gamers, so nung nabalitaan namin na sold out na yung pre-orders ng PS5, hindi kami nalungkot.

Excited pa rin kahit hindi adik sa games πŸ˜„

Kaya lang din pati namin naisipan bumili ng console, parang regalo lang sa sarili namin. Kasi hindi kami mahilig bumili ng damit, sapatos, hindi din kami yung tipong palit phone every year. Napapagastos lang kami sa pagkain. Kahit nung nasa Pinas pa kami mahilig kaming kumain at magtry ng iba-ibang kainan. So hanggang dito nadala namin. Mahilig kaming magpadeliver so parang yun na yung luho namin.

Commercial muna ng niluto ni Kenneth na roast pork. Sarap!

So yun na nga. Out of curiosity and para lang din may paglibangan kami pag naiinip, naisipan namin bumili ng PS5. Pero since sold out, aantayin na lang namin yung official release date which is mga 2 weeks from now. Eh kaso nakausap ko yung kaibigan namin. Kino-convince ako na Switch na lang yung bilhin. Eh na-convince naman kami so bumili kami nung mismong araw na yun πŸ˜‚

Grabe yung gastos nung araw na yun at yung sumunod na araw. Kasi syempre pag bumili ka ng Switch, sunod sunod na yung pagbili ng accessories. Screen protector, hard case, another set of controller, charging dock ng controllers, ano pa ba. Basta yung mga yun.

πŸ’ΈπŸ’ΈπŸ’Έ

At ang isa pang unexpected buy, yung AirPods Pro. Haha. Naconvince ko si Kenneth. Sabi ko ibabawas ko dun sa napagbentahan ko ng stickers and sa mga art commissions ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naatat. Siguro dahil malapit nang mag-end of the world.

So yun. Ayaw ko pang tingnan yung credit card bill namin kung magkano na. Kakabayad ko lang last week nung kalahati ng bill eh. Ano na kayang itsura non ngayon.

So far, enjoy na enjoy naman kami paglalaro. Yun pa pala yung isa pang expense, games. Ang mahal pala ng mga laro. Kala ko 1k lang sa peso. Nasa 3k din pala. So pumili sya ng game which is yung The Legend of Zelda: Breath of the Wild kahit wala kaming idea sa story ni Zelda πŸ˜‚ Pero since lahat ng pinanood at binasa namin ay Zelda daw yung the best, eh di yun na. tapos ang pinili ko ay Overcooked 2 at Two Point Hospital.

Kagabi naglaro kami with the couple next door. Ang saya πŸ˜„

Nilalaro ko din yung Zelda. Inabot na ko ng tanghali paglalaro simula nung pagkagising ko. Kaya bukas ayoko munang hawakan yung Switch hanggat hindi pa ko tapos sa mga chores at tasks ko.

Mario lang alam ko πŸ˜„

Ang mga naka-line up na games sa next purchase namin ay Mario Kart 8 at Super Mario Odyssey. Siguro next year na yun pag may bonus na πŸ˜„

Orayt 10 PM na. Antok na din ako. Hindi dumating yung meal kit namin from Chef’s Plate. Sana dumating na bukas para may ready to luto na.

UPDATE: Ang laki ng bill namin! Waaa. Buti na lang dumating na yung welcome bonus. Welcome bonus yung $300 (around 11.5k sa peso) na promo ng bank pag nag-open ka sa kanila ng account. Tapos yung credit card namin may cashback na $200 (mga 8k) eh di may $500 na kaming pambayad na hindi nanggagaling sa bulsa namin. Free money talaga sya kung iisipin. Kaya din malakas yung loob ko na medyo gumastos kasi alam kong may paparating na pera hehe. Pero kahit ibawas sa bill namin yung $500, ang laki pa din πŸ˜…πŸ˜« Bawas delivery muna and tipid tipid.