Categories
Art Food

Productivity + Chef Bumburumbum + Underwhelming Ramen

First of all, medyo naffrustrate talaga ako sa productivity ko simula nung nagresign ako. Sabi ko nung may trabaho pa ako, nasasayang yung oras ko sa office. Imbis na nakakapag-art attack ako and maka-attract ng potential clients, nasa office ako. Sabi ko, makapagresign lang ako, ang dami ko sanang oras para makapag create. Pero ngayong resigned na nga ako, hindi ko ma-utilize yung oras ko ng maayos. Sobrang distracted ako sa Instagram. Hays. The temptations.

Although hindi naman ako naging zero percent productive, ang konti pa din ng nagagawa ko. Nakaka-disappoint. Tapos magi-guilty ako eh kasalanan ko naman talaga. Kanina, kakatapos lang nung ginagawa ko na art set. Ang theme is baking cookies. Happy naman ako sa kinalabasan.

Set 1: Objects
Set 2: Experience

So yan lang yung nagawa kong productive. And 2 weeks ko syang ginawa. Pero feeling ko kaya ko tong gawin in 2-3 days. Hindi ko alam kung bakit pero wala talaga ako sa mood gumawa sa umaga. Yung pag maliwanag. Mas gising yung utak ko and mas nakakapagisip ako pag gabi. Kaso ang tendency ko, pag tapos na si Kenneth sa trabaho, gusto kong mag-bonding kami kaya sinasabayan ko syang mag-chill. Pero ang lame ng excuse ko kaya kelangan ko pa din magbago.

Pagdating naman sa cooking skills ko, feeling ko ang tino ko na talagang magluto. Sobrang nakaka-proud kasi almost everytime nagluluto ako, wala nang sukatan. Tancha tancha na lang. Dati kasi for example magluluto akong nilaga, pag sinabing 1 tsp salt, susukatin ko talaga. Sobrang noob. Pero ngayon hindi na. Tsaka minsan hindi ko fina-follow yung recipe unlike dati na kung ano yung nandun, yun lang yung gagawin ko. Kaya nung sinabihan ako ni Aryan na gumawa na daw akong ng separate IG account para sa mga niluluto ko, gumawa nga ako kasi naisip ko din magandang reference pag nauubusan ako ng ideas ng mga lulutuin. Chef Bumburumbum yung pangalan, si Kenneth ang nakaisip. Bumburumbum kasi kilala ang mga Pagbilaoins sa word na to. Mga niluto ko the past 2 weeks:

Frittata cups
Baked macaroni
My favorite, maja blanca

Since naka self-quarantine pa din kami, hindi ako makapag-grocery. So naubusan na ko ng mga lulutuin. Ubos na ang mga gulay namin so ang limited lang ng mga recipes na pwedeng lutuin, wala nang pangsahog. Eh as much as possible ayaw ko pang lutuin yung mga de lata namin. So madalas nagpapadeliver din kami sa labas which is isa pang gusto kong iwasan kasi mahagad talaga. Pero minsan wala din talaga kong disiplina. Tapos yung latest pinadeliver namin ni Kenneth eh yung medyo matinong ramen dito sa Winnipeg. Pero compared mo sa ramen places sa Manila, sobrang inferior pa din netong nandito. High yung expectation namin nung una kase chef daw from Japan so ine-expect ko, yung lasa, at par dun sa mga ramen na natry namin sa Japan or at least yung sa Pilipinas. Pero ang waley pa din. Matabang yung broth. Kaya sobrang na-appreciate ko yung mga ramen places sa Manila. Ganun pala talaga siguro kahirap gumawa ng masarap na ramen.

The underwhelming ramen
Hinati ko yung ramen kasi alam kong hindi ko mauubos yung buo

Balak ko nga palang gumawa ng Youtube channel about sa art ko. Why not. Malay mo may manood. Pero naiisip ko ang matrabaho masyado. Hindi pa nga ako nakaka-gain ng momentum sa art stuff ko tapos sisingitan ko pa ng iba nanamang activity. Hays. Kakaasar. Nakaka-disappoint talaga. I will try my best pa din.

Ordered some books. Yung graphic design book lang talaga ang intended kong bilhin. Extra lang yung iba para umabot ng $45 para free shipping.
Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s