
Fake Twitter #27


I chose this kasi eto yung overarching theme ng mga paboritong non-fiction books na nabasa ko last year. Eto ang sagot sa overthinking, sa anxiety, sa pag-eenjoy, sa pag-create ng good relationships. When I’m truly present, I only focus sa kung anong nangyayari right in front of me, right at this moment. I’m forced to get rid of the past (where it’s nice to revisit sometimes until you get stuck) and the future (where everything is uncertain, pressuring the brain to do a lot of guesswork which leads to overthinking and anxiety). So instead, I will do my best to let the present be my default mode and only pay brief visits to the past and future when needed.
Eto ang mga sinabi kong susubukan kong gawin nung 2022. Bago ako gumawa ng 2023 game plan, ire-review ko muna:
Outcome: Needs improvement
Nagkakaron ako ng phase na healthy for a few weeks tapos babalik nanaman sa food deliveries. Pero super nag-eenjoy na ko sa mga vegan meals. Minsan pipiliin ko yung vegan option pero hindi ko nafi-feel na may kulang. Kasi may mga vegan/vegetarian meals na masarap naman talaga.
Ang hirap pala ng walang pang-amoy at panlasa. Feeling ko false negative talaga yung tatlong COVID test ko kasi mas malala pa yung symptoms ko kay Kenneth. Tapos eto na nga, pareho kaming hindi nag-eenjoy kumain.

So almost isang taon na pala ‘to sakin. Everyday ko naman syang ginagamit pero hindi ko alam kung nakadagdag ba sya ng value sa buhay ko. Nung una oo kasi excited pa, dami kong apps na dinownload. Pero nung tumagal, ginagamit ko na lang sya pang-check ng oras at weather. Siguro yung pinaka-best feature nya for me ay yung remote camera.
Happy (?) New Year. Hays sumama nanaman ang pakiramdam ko. Kala ko pagaling na ko. More than a week na kong may sakit gusto ko nang gumalinggg..