Kanina ko pa sinasabi na magbabasa ako bago matulog (Before the Coffee Gets Cold by Toshikazu Kawaguchi) pero palipat-lipat lang ako sa Instagram, Messenger at TikTok. Tapos nag-detour pa ko dito sa WordPress. Magbabasa na talaga ko.
Category: Ramblings
Sana May Blog ang Lahat ng Tao

Kahapon sa French class, may nakaklase akong yayamanin. Sure akong rich kid kasi student pa lang daw sya (fashion student) pero nung tinanong sya ni teacher kung nakapunta na syang Paris, 4x na raw.

I am overstimulated right now. Kailangan ko ‘tong ilatag. Dapat talaga hindi muna ako tumitingin sa phone ko sa umaga.
- Kinakati yung kamay ko na mag-doom scroll sa TikTok
- Gusto kong mag-take ng “Which Hogwarts house do you belong to?” quiz
- Lagi kong nalilimutan yung French word for “go to”
- Gusto kong panoorin yung Everything Everywhere All at Once as in NOW NA pero pinipigilan ko yung sarili ko kasi mas may importante pa kong gagawin
- Ang cute nung nakita kong plush toy sa IG. Parang gusto ko rin.
- Gusto ko na ulit gumawa ng meal plans pero iniisip ko pa lang yung paghahanap ng recipes, na dapat well thought out para hindi masayang yung mga ingredients, tinatamad na ko
- Ang dami ko pang pending blogs from my PH trip
- Hindi pa ko tapos sa isa kong commission
- Nasa Manila sila ngayon. FOMO nanaman.
- Lumabas na yung bagong season ng Peaky Blinders
- Gusto kong mag-start ng Patreon pero alam kong walang mag j-join
- Ang dami ko pang kailangang i-save na slides from our French classes
- Gusto ko nang mag-drawing pero hindi pa rin maganda ang lagay ng kamay ko
- Magluluto pa ko mamaya
- Nasa chapter 1 pa lang ako ng June book namin
- May book discussion kami bukas so kailangan kong gumising ng maaga
- Kanina pa nakapasak yung ear buds ko pero wala namang sounds

Bakit kaya hindi pa ko inaantok. Ang aga kong nagising, hindi ako nag-nap, tapos 3AM na ngayon pero buhay pa yung diwa ko. Mga 5-10% pa lang yung antok ko.
Siguro dahil masyado akong nadadala sa mga ganaps sa Stranger Things. Ang galing pa din ng Duffer brothers. Super engrossed at interested pa rin ako sa mga nangyayari sa kanila both major and supporting characters. Kelangan ko pang mag-warm up dun sa bagong monster nung una pero ngayon nakasakay na ko. I am here for the ride. Roller coaster talaga yung emotions kahit episode 4 pa lang kami.


Di ako masyadong mapakali. Parang ang dami kong kailangan isipin pero di ko maisip kung ano. Malapit na kasi akong umalis pauwi ng Pinas. 1 week na lang. Feeling ko ang dami ko pang nalilimutan. Iniisip ko yung mga dapat kong ibilin kay Kenneth. Kanina naturuan ko na sya kung pano diligan yung mga halaman ko. At least naka-install na yung pet cam, mababantayan ko sila. Ano pa ba.
βAng Tanga Mo Nanamanβ

Nakakatawa. Bigla kong naisip yung mga nabasa at narinig ko about meditation. Ang tinuturo kasi, kapag nagta-try ka raw mag-meditate at may pumasok na thought, wag mo raw pigilan yung thought. Hayaan mo lang daw pumasok at umalis. Tapos kausapin mo raw yung thoughts mo without judgment. Tapos ang sasabihin mo raw ay, βHi thought. I see you thought. I acknowledge you chuchuβ basta something na very formal at gentle.
NEWS FLASH: Ngayon ko lang natanggap na pwedeng gamitin ang non-Pinoy brand tomato sauce sa mga tomato-based Filipino dishes.
Dati kasi, pag naisipan kong magluto ng afritada, o menudo, o pochero, tapos kumpleto na lahat ang ingredients except tomato sauce, at pwede naman akong bumili ng tomato sauce sa katapat naming grocery store, hindi ko pa rin itutuloy kasi foreigner yung brand ng tomato sauce nila. Ang pakiramdam ko, kailangan ko pang pumunta sa Asian store para makabili ng Pinoy brand tomato sauce, para matuloy ang balak kong lutuin.
“Eh di pumunta ka sa Asian store.”
Nagpa-booster shot ako kanina. Nakakainis kasi nanghihina ako pero ang ganda ng mood ko. Nagmi-mini concert ako dito sa home office namin pero ramdam ko yung katawan ko bumabagsak. Tapos yung sayaw ko unti unting nawawalan ng sigla. Nilalabanan ko pero baka magkasakit pa ko. Makapunta na lang sa salas at mag-doom scroll sa TikTok.
Millionaire > Billionaire
Bakit ang swerte ko? Hindi ako makapaniwala na meron akong MacBook Pro. Meron akong iPad Pro tapos parating na yung Apple Pencil? Tapos meron akong iPhone? Tapos meron akong Airpods?? Tapos padating din yung Apple Watch??? Paano ako napunta dito??
Hindi talaga ako makapaniwala. Ang saya ko ngayon pero ang saya din nung old self ko. Yung mga panahon na bago pa lang akong nagtatrabaho at wini-wish lang sa universe na sana magkaron ako ng mga ganitong bagay. Na kelan ko kayo βto mabibili? Anong ginawa ko bakit ako pinagbigyan?
Ang swerte ko talaga. Parang gusto kong sabihin dun sa 23-year old self ko na after 10 years, mabibili nya yung mga ilalagay nya sa wish list nya at mapapaupo na lang sya sa isang sulok at isusulat kung gano sya ka-amazed.
Ewan. Gusto kong magtatalon sa tuwa pero stunned pa rin ako. Si Kylie Jenner kaya nakaka-feel ng ganito. Or bored na sya sa pagiging billionaire. Kaya ayoko talagang maging billionaire eh (asa). Kasi nababawasan yung mga bagay na pwedeng magpasaya sayo. Kasi ang bilis mo lang syang nakukuha kaya nawawalan na ng meaning. Kaya yun ang goal ko sa buhay. Hindi ako magiging billionaire. Millionaire na lang.
π€£π€£π€£
Tuwing umaga pagkagising ko, lagi kong sinasabi sa sarili ko na, “Bukas ng umaaga lalabas ako ng mga 8AM tapos magiikot lang ako sa labas kahit mabilis lang.” Kasi feeling ko hindi man lang ako nasisinagan ng araw. Tapos pansin ko lagi akong lambot at tamad gumalaw. Low energy palagi kahit wala naman akong ginagawang nakakapagod. Kaya yun lagi ang dialogue ko sa umaga. Na mags-start ako bukas maglakad lakad. Pero kinabukasan, sasabihin ko ulit na bukas. Lagi na lang bukas tapos hindi natutuloy.
So kahapon, yun ulit ang sinabi ko. Maglalakad ako sa labas bukas ng umaaga. This time sinabi ko rin kay Kenneth. Nag-check ako ng weather bukas ng 8AM: -30, feels like -40. Tumawa si Kenneth. Alam na daw nya ang mangyayari. Pareho kami ng iniisip.

So kinabukasan (kaninang umaga) nagising ako ng past 8AM. Parang ine-evaluate ko yung sarili ko kung tototohanin ko na ba yung matagal ko nang balak. Siguro dahil gusto kong i-prove kay Kenneth na mali sya. Tsaka mabilis lang naman ako. Pero parang tanga lang kasi sa dinami-rami ng araw na gusto kong lumabas, pinili ko pa talaga yung araw na sobrang lamig na.



Bukas ulit?
