Categories
Hanash

Sana May Blog ang Lahat ng Tao

Kahapon sa French class, may nakaklase akong yayamanin. Sure akong rich kid kasi student pa lang daw sya (fashion student) pero nung tinanong sya ni teacher kung nakapunta na syang Paris, 4x na raw.

Ewan ko, fascinated lang talaga ako kung pano mamuhay ang mga tao na iba ang estado ng buhay kumpara sakin at equally fascinated rin ako sa mga tao na super nakaka-relate ako. Parang gusto ko lahat ng tao may ganitong blog para mabasa ko yung mga nararamdaman nila, mga experiences nila in detail. Gusto ko silang maintindihan. Gusto kong matuto from them.

Sa TikTok naman, may napanood ako na kuya. Umuwi sya sa bahay nila na may dalang pizza para sa mga kapatid nya. Tapos halata mo sa box na hindi kamahalan yung pizza kasi puting karton lang tapos walang brand. Yung nakalagay sa caption, “First time nilang makakatikim ng pizza.” Syempre tuwang tuwa yung mga bata nyang kapatid. Sa isip siguro nila, yun na ang pinakamasarap na pizza na natikman nila.

Tapos naalala ko yung mga times na bumili kami ng pizza na matino naman yung lasa; pero since may mas masarap akong natikman dati, di ko masyadong na-eenjoy. Pero nung napanood ko yun, mas naging grateful lang ako sa mga bagay bagay. Tsaka nakatulong din sya na ma-reduce yung mga “negative” experience na hindi naman talaga negative kung titingnan sa ibang perspective.

Muni-muni done.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s