In dark moments, it’s important to welcome every bit of light that makes its way in.
ILY Mommy
More than two weeks na ang Mommy (lola sa Mama’s side) sa ospital. There were bad days, and not-so-bad days. Yung ibang kamaganak namin, ang madalas na tanong sa Mommy ay, “Uuwi na tayo?” kahit super unknown pa naman kung kelan talaga makakauwi ang Mommy. Feeling ko nakukulitan na ang Mommy kasi paulit-ulit na uuwi raw pero hindi naman nangyayare. Hindi nya pa kayang magsalita, pero sa mga times na nasa mood sya or may energy syang mag-respond, tumatango lang sya or umiiling. And if we’re lucky, she smiles 🥹











