Categories
Books Mystery YA

Two Can Keep a Secret by Karen McManus | Book Review

This is our book club pick for October and kakatapos lang namin mag-discuss about it.

SUPER QUICK & TAMAD SUMMARY:

May serial killer sa town nila na pumapatay ng magagandang babae. Ang bida ay si Ellery na mahilig mag-play detective. Kasi feeling nya may connection yung pagkawala ng aunt nya from 20 years ago dun sa recent murders.

At first, kala ko super YA vibes. Yung typical highschool ganaps na ang annoying nung mga characters. Pero hindi naman sya naging heavy sa ganon kaya naging okay naman. Nag-focus talaga yung author sa suspense/mystery aspect which is good. Nag-enjoy ako manghula.

START OF SPOILERS

Naaasar ako kay Ellery kasi labas ng labas. Kita na nga na may killer on the loose. Although very typical yun sa mga horror movies, na parang nawawala sa tamang pagiisip yung character tapos lalabas pa din ng kwarto or ng bahay na as if ang tapang tapang nya.

Nafrustrate pa ko nung itutuloy pa din yung homecoming dance. Bakit itutuloy?? Bakit hindi sila nagiisip? Pero it turned out, wala naman nangyari. Pa-effect lang na feeling mo may mangyayaring masama nung araw na ‘yon.

And ang useless na lang din nung pagka-worry ko for Ellery kasi hindi naman sya yung target talaga nung killer. Si Brooke talaga (recent victim).

Sobrang dami kong napagbintangan na killer sa book na ‘to. Pero may tumama naman sa hula ko. Yung mga obvious suspects like Ryan and Vance or even Declan, inalis ko na sila sa list ko kasi ang dali naman kung sila na agad. Dumaplis sa isip ko na si Peter yung killer kasi dinescribe sya ni Ellery as, “good looking” and “charismatic”. So naisip ko, ah so mukang papasa ‘tong matandang ‘to sa mga teenage girls. So dun na-form yung theory ko na baka may secret relationship sila ni Lacey noon (the second victim).

Mga 85% into the book, naumay na ko manghula. Matatapos na wala pa ding hard clues. Pero shortly after, ni-reveal na din na si Peter na talaga.

So eto na nga yung ending. Yung last line na, “I thought she was your mother.” Super chillz! Yung akala mo tapos na kasi na-reveal na yung killer pero may twist pa sa huli.

My status updates sa Goodreads while reading the book 😆

RATING [3.5 🌟]

So dahil sa last line na ‘yon, imbis na 3 out of 5 stars yung ibibigay ko, nagi syang 3.5 stars. Walang lingering effect yung story for me. Yung tipong after ko basahin irerecall ko pa yung mga series of events? Hindi sya ganon for me. After ko matapos and ma-woah sa ending, okay na na ko.

Book club meeting

QUOTES

[I found this part sweet.] Your brother saved you, Nana had said. She was right. I just didn’t realize which one.


Our next book is The Devil and the Dark Water by Stuart Turton. Suspense/mystery ulit so I’m excited!

Categories
Books Insights Non-Fiction Personal Development

Digital Minimalism by Cal Newport | Book Review + Notes [Part 1: Ganito Ka Din Ba?]


Heto na ang mga quotes and commentaries sa book na to. Self explanatory naman yung title so wala nang intro.

Huhu. So true.

In all honesty, naaapektohan talaga yung mood ko and sometimes hindi ko ma-pinpoint kung bakit. Sometimes obvious yung reason pero minsan basta naapektohan na lang ako. Parang nasisira na agad yung araw after ko magcheck ng iba-ibang social media apps.

CALL TO ACTION: Wag nang magcheck ng phone sa umaga. Do your morning routine first. Magtiklop ng kumot, maglinis ng litter box, pakainin ang mga kitties, load dishwasher, etc.

Categories
Art Career

How You Like That?

I’m not the biggest fan but I watched the BLACKPINK docu because it seemed really interesting. The question that came to mind after watching it was, “What is your goal and how badly do you want it?” It made me realize that I am doing very little to reach my goal and made me question myself. How badly do I want it? The docu is good btw.

So how badly do I want to be a great artist? Not as much? Is that why I’m not doing the best I can? Is it because I don’t really want it that bad? Is that fine? Am I lacking passion? Is it okay to not be so passionate about something? Is it because we can get by even if I’m unemployed? So is that the reason why I don’t put much effort because nothing is at stake? That is possible.

I enjoy doing art, sure. But when I feel pressured because I’m not as good as the artists that I look up to, it’s not so fun anymore. Maybe I’m just not the type of person who works well under pressure. But sometimes, without that pressure, I tend to relax too much. Which isn’t good also. So the answer is? BALANCE.

Gusto ko talaga yung mga ganitong moments na tanong ko sagot ko. Galing ko talaga mag-advice. Sana naman i-follow ko.

Categories
Games Hobbies

Games

May bago kaming gadget! Bumili kaming Nintendo Switch nung isang araw. Wala talaga sa plano naming bumili ng Switch kasi PS5 ang natitipuhan namin. Pero hindi kami gamers, so nung nabalitaan namin na sold out na yung pre-orders ng PS5, hindi kami nalungkot.

Excited pa rin kahit hindi adik sa games 😄

Kaya lang din pati namin naisipan bumili ng console, parang regalo lang sa sarili namin. Kasi hindi kami mahilig bumili ng damit, sapatos, hindi din kami yung tipong palit phone every year. Napapagastos lang kami sa pagkain. Kahit nung nasa Pinas pa kami mahilig kaming kumain at magtry ng iba-ibang kainan. So hanggang dito nadala namin. Mahilig kaming magpadeliver so parang yun na yung luho namin.

Commercial muna ng niluto ni Kenneth na roast pork. Sarap!

So yun na nga. Out of curiosity and para lang din may paglibangan kami pag naiinip, naisipan namin bumili ng PS5. Pero since sold out, aantayin na lang namin yung official release date which is mga 2 weeks from now. Eh kaso nakausap ko yung kaibigan namin. Kino-convince ako na Switch na lang yung bilhin. Eh na-convince naman kami so bumili kami nung mismong araw na yun 😂

Grabe yung gastos nung araw na yun at yung sumunod na araw. Kasi syempre pag bumili ka ng Switch, sunod sunod na yung pagbili ng accessories. Screen protector, hard case, another set of controller, charging dock ng controllers, ano pa ba. Basta yung mga yun.

💸💸💸

At ang isa pang unexpected buy, yung AirPods Pro. Haha. Naconvince ko si Kenneth. Sabi ko ibabawas ko dun sa napagbentahan ko ng stickers and sa mga art commissions ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naatat. Siguro dahil malapit nang mag-end of the world.

So yun. Ayaw ko pang tingnan yung credit card bill namin kung magkano na. Kakabayad ko lang last week nung kalahati ng bill eh. Ano na kayang itsura non ngayon.

So far, enjoy na enjoy naman kami paglalaro. Yun pa pala yung isa pang expense, games. Ang mahal pala ng mga laro. Kala ko 1k lang sa peso. Nasa 3k din pala. So pumili sya ng game which is yung The Legend of Zelda: Breath of the Wild kahit wala kaming idea sa story ni Zelda 😂 Pero since lahat ng pinanood at binasa namin ay Zelda daw yung the best, eh di yun na. tapos ang pinili ko ay Overcooked 2 at Two Point Hospital.

Kagabi naglaro kami with the couple next door. Ang saya 😄

Nilalaro ko din yung Zelda. Inabot na ko ng tanghali paglalaro simula nung pagkagising ko. Kaya bukas ayoko munang hawakan yung Switch hanggat hindi pa ko tapos sa mga chores at tasks ko.

Mario lang alam ko 😄

Ang mga naka-line up na games sa next purchase namin ay Mario Kart 8 at Super Mario Odyssey. Siguro next year na yun pag may bonus na 😄

Orayt 10 PM na. Antok na din ako. Hindi dumating yung meal kit namin from Chef’s Plate. Sana dumating na bukas para may ready to luto na.

UPDATE: Ang laki ng bill namin! Waaa. Buti na lang dumating na yung welcome bonus. Welcome bonus yung $300 (around 11.5k sa peso) na promo ng bank pag nag-open ka sa kanila ng account. Tapos yung credit card namin may cashback na $200 (mga 8k) eh di may $500 na kaming pambayad na hindi nanggagaling sa bulsa namin. Free money talaga sya kung iisipin. Kaya din malakas yung loob ko na medyo gumastos kasi alam kong may paparating na pera hehe. Pero kahit ibawas sa bill namin yung $500, ang laki pa din 😅😫 Bawas delivery muna and tipid tipid.

Categories
Canada Food Life

Organization + Meal Kits + Socialization

Medyo madaming happenings ang naganap na gusto kong mabalikan in the future kaya kelangan ko na tong isulat bago pa lumipas. Gawin ko na lang chronological order.

Singit ko lang yung binili ko sa Dollarama. Ganda 😍

Few weeks ago, napa-binge watch ako ng vlogs ni Penelope Pop. Matagal ko na syang finafollow and aware ako noon na may Youtube channel sya pero hindi ko masyadong pinapanood. Pero nung napanood ko yung isang vlog nya about organization, ayun nagtuloy tuloy na. So peg na peg ko sya ngayon and sya yung naging driving force ko para i-organiza ang space namin. As of today, ang dami ko nang naayos and super happy ako sa result.

Made this para di ako masyadong malito

Yung isa pang bago, meron akong sinubukan na meal kit subscription from Hello Fresh. Malaki yung discount nya for first time customers kaya napa-try ako. Pumatak lang na less than $5 (P185) ang isang meal and since mahina akong kumain, yung isang serving ay 2 servings sakin. Mura na yun kase ang typical meal dito ay $10 (P380) so naging $2-3 per meal lang yung sakin (around P95). And in fairness, not bad yung mga food. Mostly masarap pa nga. Ikaw pa rin ang magluluto pero okay lang naman kasi mahilig din akong magluto. Kaso pag tapos na ang promotion, papatak na $10-11 ang isang meal.

Jerennn
😍
Living for the visually appealing packaging

Next week, Chef’s Plate naman yung parating na box samin since malaki ulit ang discount kase first time ulit. May isa pa kong gustong i-try. Goodfood naman ang pangalan nung company.

Meal #1 – 5/5 🌟
Nice infographic
No more excess parsley na malalanta lang

Ang question ko sa sarili ko ay, oorder pa din ba ko after ng promotion kahit papatak na $10-11 ang isang meal? I think yes. Worth it pa din naman. Lalo na kasi nga nakakadalwang kainan ako sa isang serving nila. And totoo din kasi na kapag sarili naming grocery, ang daming nasasayang lalo na yung mga gulay kasi hindi mo naman pwedeng ifreezer yun. So more or less same gastos lang. Ang difference lang pag naggrocery compared sa meal kits ay food waste. And ayaw naman natin magaksaya ng pagkain. So I think yes. May mga weeks pa din siguro na go kami sa meal kits lalo na kung masarap yung menu nila ng week na yun. Every week kase iba iba yung nasa menu and ikaw ang pipili kung anong meal kit yung gusto mong ipadala nila.

Meal #2 – 2.5/5 🌟
Cuteee

So yun another discovery and fun experience sa mga meal kits. Namiss ko tuloy nung nagpapadeliver pa ko ng food sa Dear Diet. Ang sasarap din ng food nila and yun, luto na. So mas convenient tapos may mga healthy desserts pa. Talagang another proof na mas spoiled tayo sa Pinas.

Meal #3 – 4/5 🌟

Next naman. Nahulog si Walnut sa bathtub 😅 Lately kasi nagiinarte si Kenneth and nahilig syang magbathtub para daw relaxed and chill. So pag nagbabathtub sya, lumalapit si Walnut and Cashew tapos naglalakad lakad sila dun sa edge ng bathtub. So ayun si Walnut nadulas. Takbo ako agad kase ang lakas nung splash tapos alam ko na kung anong nangyare. Kawawa yung dalwa kase syempre basang basa si Walnut tapos si Kenneth ang daming kalmot 😅 Bathtub pa more 😆

After a few minutes…
Kawawa ka naman Walnut 😂
Tried Lush for the first time
Smells so good pero and mahaaaal

May mga social events din na naganap tulad ng baking and dinner party. Pumunta dito si Trix (kapitbahay namin) and nagyaya magbake kasi ang dami daw nilang peanut butter. Ayung nagbake kami ng peanut butter swirl brownies. Masarap sya pero lately naumay ako. Nakarami na ako masyado ng kain.

Tapos nung isang araw naman 25th anniversary ng tito and tita ko so ayun nagdinner kami sa kanila. Actually medyo nabother ako kasi ang dami nilang bisita. Puno yung taas and baba ng bahay nila kase ilang families yun. Kaya after non parang ayaw muna namin makipag socialize. Pass muna sa mga gatherings at mahirap na.

Doubled the recipe
Happy silver wedding anniv!
Foooood

So yun lang pala ang mga nangyari. Ay wait hindi pa pala! Nung Friday nag e-numan kami with the Linya-Linya team dahil last day na namin as an intern sensation! Super mami-miss kong maging part ng Linya-Linya Creatives Team. Bukod sa pagddrawing, isa sa pinaka mamimiss ko eh magdeliberate ng mga new shirts. Feeling ko yun yung favorite part ko 😂 May access kami sa mga future shirts na gagawin and kinukuha nila yung input namin kung okay ba sya, bebenta ba sya, etc.

Medyo successful heart 😂
Nice meeting everyone!😊

Lastly, pinanood ko sa Netflix yung famous na documentary nowadays called The Social Dilemma. Really really interesting. Buko sa personal concerns ko, mas naging concern ako sa mga bata na sobrang adik and nagkakaron sila ng poor body image. Nakikita ko kasi to sa mga pinsan ko and as much as gusto kong sabihan yung nanay nila, ang hirap din namang maki-epal. And hindi ko naman sila nakakasama 24-7 so baka dinidisiplina naman sila, hindi lang namin nakikita. Sana. And with that, I’m gonna end this blog post.

Watch it!

Random pics throughout the past few weeks:

One of the many video calls with Gillian and Kuya ❤️
💙💙💙
😆
Beautiful sight 😻
Categories
Art Career Life

Linya-Linya Intern Sensation + Happy Mail

  • Siguro yung pinaka-major is intern ako ng Linya-Linya. Fan ako ng Linya-Linya so super happy ko nung na-accept ako. Tapos nakatrabaho ko si Ali and si Rob Cham na magaling na artist. Masaya yung experience kasi first time kong maging part ng Creatives Team. So maganda din na may ganito akong klase ng experience since kina-career ko nga nga ang maging artist. One month lang yung internship which is okay lang naman kase namimiss ko na din na mag-focus sa sarili kong art. And ang saya din na may mga tao na nakaka-relate sa ginagawa mo which is yun ang wala ako before this. Wala kasi akong friends na artist/illustrator.
Ang topic namin dito is Tiktok 😂
  • Siguro etong past few months yung all time high record ng sales ng online shop ko. Nagugulat ako minsan halos araw-araw may orders. So ang saya. Tapos si Dale din may mga illustration na pinapagawa so another extra income. Kelangan ko lang talagang mas maging masipag pa. Hindi pa din ako happy sa productivity ko.
Rainy day ❤️
Love my “cactus plant” 😅
  • Natupad yung isa sa mga nasa wish list ko which is yung Wacom Cintiq 16 na tablet! Yehey. In fairness sa pessimistic self ko, nag-improve naman talaga ko sa pagddrawing pero hindi pa din ako satisfied. Masyadong mataas ang standard ko para sa sarili ko which is okay naman yun pero minsan masama rin. So lagi ko din chinecheck yung sarili ko pag masyado akong nagiging too hard on myself.
Happy day
  • Super ganda ng It’s Okay to Not Be Okay. K-drama sya. Kaya din extra maganda kase nagustuhan din ni Kenneth so bonding namin yung panonood nito. Rare makagusto si Kenneth ng k-drama tapos love story pa so yun.
Hihihi
At nakagawa pa ko ng fan art 😂
  • Pina-spay na namin si Walnut. Buti okay naman yung recovery nya and halos back to normal na sya ngayon. Medyo delicate pa din kami sa paghawak sa kanya just in case tender pa yung surgical site.
😽😽😽
  • Another bonding moment, yung game na Codenames. Parang ito yung game na pinakang nag-enjoy kami na kami lang yung naglalaro. Basta fun game sya.
Kahit cooperative game sya, nagawa pa din naming maging competitive sa isa’t isa 😂
  • Naka 1 year na yung podcast naman ni Nick! Haha akalain mo yun.
  • Yung recent is yung pa-free Google Nest Mini ng Spotify. So far nakakaaliw syang gamitin.
“Hey Google make me rich“

So far yun lang naman yung highlight ng August and September 2020 namin. Tuloy pa din yung monthly book discussions namin and tuloy pa din yung online art courses ko. Medyo nawala yung sipag ko sa pagluluto pero paminsan minsan ginaganahan. Okay din kami ni Kenneth. Feeling ko pa-improve ng pa-improve ang relationship/partnership namin kahit may mga pinagaawayan at pinagtatalunan. Orayt next time ulit. Nanonood ako ng The Notebook ngayon. Kanina Sweet Home Alabama tapos kahapon Legally Blonde 😄

Noah and Allie 😍
Categories
Books Dystopian

The Ballad of Songbirds and Snakes by Suzanne Collins | Book Review

Nung Sunday, nagtipon tipon uli kaming mga Pod Sibs Book Club members at nagdiscuss nung book of the month which is: The Ballad of Chuchu by Suzanne Collins. All this time, ang pronunciation ko ay “Su-zahn”. Pero nung nabanggit nung isang member yung author’s name, “Su-zeyn” pala. I stand corrected.

Ang saya nung discussion kahit ang gulo ng thoughts ko and kahit feeling ko wala akong masyadong na-contribute sa usapan. Pero ang saya pa din at ang ganda ng effect sa soul/spirit/being kasi ang tatalino nung mga members at may napupulot ka talaga pag may ibang tao kang kausap na outside of your usual circle.

Daming attendees this month

Ang interesting nung napunta kami dun sa isang question na: Do you agree with Coriolanus and Dr. Gaul’s worldview that people are inherently violent or do you believe in Lucy Gray’s worldview that people are inherently good? Muntik ko nang hindi isali tong question na to kasi naisip ko parang ang dali lang naman nung sagot. Pero nung pinaguusapan na namin, dito kami nagtagal. Ang daming insights. Ako conflicted din sa sagot ko. Yung initial ko kasing thinking, inherently good. Maliban na lang sa mga mentally ill kasi hindi sila makakapagisip ng maayos. Pero ang nagpalito sakin eh yung na-come across kong article noon about sa isang performance artist. Parang experiment kasi sya. Yung artist, nagprovide ng 72 objects ranging from a feather and flower to pointed objects and a gun with a single bullet. For 6 hours, nakatayo lang yung artist at inallow nya yung mga tao na gawin ang gusto nilang gawin sa kanya gamit yung 72 objects. After 6 hours, hubad na yung artist, ang dami nyang sugat sa katawan at sobrang na-defile na yung katauhan nya. So bakit ganun? Bakit ganun yung mga tao dun? Ang wirdo lang na porke walang repercussions na mangyayari sa kanila, ginawa nila yung mga ganung bagay dun sa female artist. Kung hindi ko nabasa yung article na yun, 100% sure ako na inherently good ang mga tao. Pero dahil dun, hindi ko na alam.

For July, since pride month last month, yung book namin ay Will Grayson, Will Grayson by John Green and David Levithan. Excited na ko for the next discussion. Parang bitin nga yung monthly parang gusto kong gawin na bi-weekly. Kaso may mga days na super tamad ko naman magbasa kaya baka hindi ako maka-commit.

As for my opinion sa June book, ang rating ko ay 3.5 stars. Napaisip pa nga ako kung gagawin kong 4 pero nag-decide ako na 3.5 na lang. Interesting yung book sakin. Siguro dahil limot ko na yung mga evil things na ginawa ni President Snow kasi limot ko na yung movie, limot ko na din yung book. Basta ang tanda ko lang si Katniss Everdeen yung bida (😂) and other vague scenes na wala si Snow. So medyo clean slate sakin si Coriolanus nung binasa ko tong Ballad of Chuchu. Super nacurious lang ako nung huli kung ano na kayang nangyari kay Lucy Gray. At para sa thorough review nung book, pakinggan nyo dito.


Click to view my digital book shelf.

Categories
Art Career Life

June 2020 Updates

Medyo madaming happenings compared sa mga nakaraan na linggo. Diba nag-apply ako sa Digital Media Design program. At medyo mabusisi yung requirements nila so big deal makapasok dun. Nagsubmit ako ng mga drawings, logo, game cover design, etc. So in short, nakapasok ako. At sabi nung ibang applicants, marahil daw isa ako sa mga matataas ang scores kasi isa ako sa mga naunang i-e-mail. Di na ako nagtaka. Jooooke.

Pero ayun nga. Nang dahil sa COVID, ito yung first time na gagawin nilang online yung program nila. Hindi pa din pwedeng magbukas ang mga schools. At dahil sa fact na yun, nawalan ako ng gana na tumuloy. Sobrang excited ako nung una pero kung pure online lang yung mangyayari, naisip ko na hahanap na lang ako ng ibang online courses at mag-self study na lang ako. Mas mura pa. Ang reason ko naman bakit gusto kong makapasok dun sa program ay hindi dahil para magkaron ako ng diploma na mailalagay ko sa resume ko. Ang rason talaga ay gusto yung sense of collaboration kapag nasa isang classroom kayo. Makikita ko yung gawa nila, matututo ako sa kanila, tapos may konting competition. Feeling ko yun ang makakapagpa-motivate sakin. Pero kung nandito lang ako sa bahay at solong gumagawa ng projects, bakit pa ko mageenroll. Hindi sulit. Tapos hindi pa nagbaba yung tuition. Ipambibili ko na lang ng magandang computer yung ipangti-tuition ko sana. So yun ang decision ko. Agree naman si Kenneth.

Ang mga supposed classmates ko na very Gen Z

Isa pa pala, since first time nga nilang gagawin na online ang lahat, parang magiging experimental ang year na to sa kanila. So wala ako masyadong tiwala na smooth and organized ang lahat sa end nila. Basta hindi talaga to yung ineexpect ko. Nakaka-disappoint. Pero ang good news pa din, nakapasok ako! Nakaka-validate lang. Kasi out of 100+ na nagsubmit ng portfolios nila, isa ako sa mga natanggap. At nakita ko yung mga gawa nung ibang applicants, magaling din yung iba tapos yung iba sakto lang.

Sobrang daming resources ngayon online at may mga magagaling na artists na hindi naman pumasok ng art school. Ang kalaban ko lang talaga dito ay yung katamaran ko. Ang tamad ko kasi. Hays. Minsan pag nanonood ako ng online courses aantukin ako agad. Ang dali na maglaro na lang ng Coin Master or manood ng Modern Family sa Netflix. Please naman sana naman wag na akong magpadala sa katamaran ko. Ilang beses ko na to sinulat dito. Nakasalalay ang kinabukasan ko dito.

Speaking of Coin Master, adik na adik kami ni Kenneth sa Coin Master. Mobile game sya na inintroduce ni Nick samin. Ang galing nung gameplay at sobrang naappreciate ko yung graphics at illustrations dun sa game. Kaya naman nung unang araw ng paglalaro ko, nagising ako ng 7am tapos hanggang 3pm naglalaro pa din ako. Halos hindi ako nakakain ng maayos kaka-spin. At isa pa pala, ang saya din nung community ng Coin Master players sa Facebook. Ang supportive nung mga players. Okay tama na ang tungkol sa Coin Master.

Say bye to your balls Cashew

Isa pang balita, pinakapon na namin si Cashew nung isang araw. Nakaka-stress kasi nagkaron ng complication. Kaya awang awa ako kay Cashew at naiyak. Nagdadalwang isip tuloy ako kung dun pa namin ipapa-spay si Walnut at baka ang bulok nung clinic na yun. Mabuti naman at nakaka-recover na sya ngayon. Wala nang masyadong dugo sa incision site. Ang nakaka-stress lang ngayon ay ang sungit ni Walnut kay Cashew. Nagtataray pag nakikita si Cashew. Kasi nga sensitive ang pangamoy ng pusa at dahil galing sa vet si Cashew at meron syang wound, iba yung amoy nya para kay Walnut. Hindi narerecognize ni Walnut yung kakaibang amoy kaya feeling nya intruder si Cashew. Sana naman ay magbati na yung dalwa bukas kasi ang hirap din lagi ka dapat nakabantay tapos hindi pwedeng nasa isang kwarto lang sila. Kahapon kasi kinalmot ni Walnut si Cashew sa muka buti hindi tumama.

Still a cutie with his cone on

So ang plan of action ko ngayon, manood ng manood ng online courses, matuto, i-apply ang natutunan at mag-drawing ng mag-drawing as much as I can. Kung gusto kong makatipid, yan dapat ang mga gawin ko. Sisimulan ko na after nitong post ko na to. Kung kailan 11pm na itutulog na. Hay nako.

Ito ata ang pinaka-mahal na cookie na natikman ko pero isa sa pinakamasarap (if not the best)
Categories
Art Career

Art Binge

Nowadays, sobrang nagbi-binge ako sa anything art related na makita ko sa IG and Youtube. Tapos nagsupport pa ko ng mga artists sa Patreon. Nagiisip nga ako kung gagawa ba ko ng creator account sa Patreon pero for sure naman walang magiging interesado. And isa pa, wala naman akong maisip na content na worthy ng money nila. Btw, Patreon is a platform to support artists by subscribing to their paid content. And actually kung tutuusin affordable lang sya kasi may iba-ibang tiers. As low as $1, magkaka-aaccess ka dun sa ibang content. Pero the higher the tier, syempre mas valuable yung maa-access mo.

So currently, andun ako sa $10 tier ni Samantha Mash and Sara Faber tapos nasa $5 tier ako ni Janice Sung. Sila yung mga idols ko ngayon at kino-consume ko yung past posts nila simula nung nag-start sila ng Patreon nila. And meron ding artist like si Samantha Mash, may sticker freebies na exclusive lang sa “patrons” nya. So patrons yung tawag saming mga supporters.

Kaya ako na-engganyo magsubscribe kasi yung paid and exclusive content nila, merong thorough tutorials ng illustration process nila. And sobrang curious ako dun. At meron pang business related tips and advice. So yun yung mga kailangan ko ngayon dahil wala akong ibang source of info. And dito sa platform na to, sobrang generous talaga nila sa information.

Si Sara Faber yung bini-binge ko ang content ngayon. More than a year na kasi syang nasa Patreon and sobrang dami na nyang na-produce na content. May blogs, vlogs, tutorials, step by step process, weekly updates, ang dami talaga. And meron na syang 1k+ patrons. Ang galing nya and parang super sweet and bait nya. Worth it yung money. So yun lang halos yung ginawa ko maghapon.

Was able to finish this yesterday!

I’m happy dito sa latest creation ko. Mas gusto ko sya kesa dun sa huli. The colors, shadows and highlights mukang nag-improve naman. Kaso sobrang ngalay yung kamay at braso ko kaya pahinga muna ngayon. 8 hours yung total tracked time so sana sa next mas bumilis ako. Kasi kung commission to, mga USD200+ siguro isisingil ko dito. And hindi ganun kasulit yung 8 hours sa $200 ngayong nandito na kami sa Canada. Kung sa Pinas ang laking pera na ng $200 pero iba ang cost of living dito so sana mas gumaling pa yung skills ko para mas bumilis ako. And to give context, meron kaming grocery shopping (lalo na pag sa Asian store) na ang total babayaran namin nasa $150. Tapos hindi naman ako bumibili ng mga kung ano-ano. Sakto lang. So yung $200 parang ang liit na para sakin. Eh kung sa Pinas yun tapos icoconvert eh di around 10k pesos. Aba mga sampung groceries na yun! Oh well. Lagi na lang ako sinasabihan ng mga tao na “Wag ka kasing magcoconvert!” Ay sa hindi ko mapigilan.

Ay. Naalala ko. Hindi dumating yung package ko. Ngayon dapat yun dadating ba’t kaya hindi dumating. Umorder kasi ako ng backing cards para sa shipping ng stickers ko. Excited pa naman akong makita. Umorder din ako ng stickers ni Samantha Mash hindi pa dumadating. Shipped from US kaya siguro medyo matagal. Sana bukas dumating na.

Ok yun lang. Back to binging na ko. Nasa January 2019 na ko ng posts ni Sara so medyo madami pa. Bukas try ko mag-drawing ulit. Medyo wala din kasi ako sa mood ngayon. Tapos sumakit pa yung dibdib ko kanina hindi ko alam kung bakit. Basta may mga episodes akong ganito na bigla na lang kikirot tapos mawawala after a few minutes. Medyo nakakatakot nga baka heart problem kasi may mga times din na basta parang may naffeel ako sa pagtibok ng puso ko (arrhythmia) tapos bigla akong mahihilo and mahihirapan huminga. Hays ano nanaman kaya to. Kailangan ko nanaman i-remind ang sarili kong mag-healthy living.

UPDATE:

Still reading through Sara Faber’s blog posts and it’s making me feel bad kasi ang problema nya eh sobra syang overworked. Na sobrang stressed sya kasi ang dami nyang nagagawa sa buong araw and mentally drained na sya. Tapos ako naman ang problema ko feeling ko ang chill ko naman masyado. Na parang napasobra naman yung pagrerelax and destress ko. Ewan ko. Actually hindi talaga yun ang feeling ko (gulo), feeling ko ang busy busy ko everyday pero kung ibabase ko yung pagka-busy ko sa napproduce kong art, unproductive ako. Pero kung i-eevaluate ko yung araw ko, hindi nga ako masyado nakakapanood ng Netflix. As in parang twice or thrice a week lang. Pero ang takaw ko sa IG at Messenger. Hindi lang talaga siguro ako magaling sa time management. Subukan ko nga gumawa ulit ng schedule.

Categories
Art

Puyat Everyday

Lately, lagi na lang akong 2 AM or 1 AM natutulog. Kasi nagsisimula yung mood kong mag-drawing and gumawa ng anything art related pag tapos na si Kenneth magtrabaho. So mga 5 PM sya matatapos, dun pa lang ako magsisimula. Kaya parang nanlalambot ako netong mga nakaraang araw. Tas wala pa kong exercise nga kasi kung ano ano nanamang sumasakit sakin. Kakawalang gana tuloy.

So feeling ko kelangan kong magbago ng routine. Kasi kahit isipin ko na productive naman ako kahit puyat ako, eh hindi naman maganda dahil baka kung ano nanamang maramdaman ko, mas makakasama pa in the long run. Kaya ngayon matutulog ako ng maaga. Mga 10:30 PM matutulog na ko. Tas sa mga susunod na days aagapan ko pa.

Anyway, excited na kong dumating yung washi tapes na inorder ko sa manufacturer. Apat na designs yun so nakakatuwa na makita yung designs ko sa ganung klaseng product. Sana maganda ang kalabasan. Bukas padating din yung order ko na backing slash thank you card para sa mga future orders. Mas professional na syang tingnan pag may ganun. Inutang ko muna sa savings namin yung pinambayad dun so sana naman kumita. Ang dami pa namang kompetensya na washi tapes sa Etsy tapos mas mura. Bahala na. Buti medyo mura lang naman kasi direct manufacturer.

Nakakainggit yung ibang artists na idols ko sa IG, talagang halos araw-araw sila nakakapag-drawing. Ako depende sa mood so ang konti ng napproduce ko. Ang hirap talaga pag innate na tamad. Naffrustrate ako sa sarili ko.

Drawing ko kahapon. Sana ganito everyday.

PS:

11:35 PM na. Matutulog na talaga ko. Toothbrush muna. Nakapag-drawing naman ako kahit papano.