Tuwing may naiisip akong gustong isulat dito—mga insights na nabasa ko sa libro, learnings na napakinggan ko sa podcast na gusto kong i-process, interesting na nangyari na gusto kong balikan—hindi ko matuloy kasi feeling ko walang time. Pero feeling ko lang pala.
Month: April 2023
Fake Twitter #31
Kanina punuan sa bus at madami nang mga nakatayo. Yung isang babae sa harap ko, yung seat sa katabi nya eh bag nya ang nakalagay. Nung may nag-attempt umupo sa katabi nya, sabi nya, “I have a personal space problem.”
La lang kwento lang.
Fake Twitter #30
Sa bus stop habang nagaantay, may school bus na tumigil sa harap ko tas nag smile ako dun sa mga bata. Nung paandar na yung school bus, kumaway sila sakin. Haha cute!
Happy Things #17
Finally, I ordered my slime!

Sobrang tagal ko nang gustong bumili ng slime kay @snoopslimes. Nanghihinayang lang ako. Kaya nung first sweldo ko, sabi ko bibili na talaga ko nung slime. Naka-order na ko at excited na kooo!
It’s the weekend! And April na! Ambilis. Ngayon ko extra na-appreciate ang weekends nung nagka office work na ko ulit hehe. Lumabas kami kahapon. Gusto kong maglakad lakad kasi feeling ko ambilis kong mamamatay sa trabaho ko. May nabasa kasi ako na mas dangerous daw ang sitting for long periods of time kesa sa smoking. Eh sa work ko, kung gusto kong ma-reach yung target, walang galawan. Tapos minsan napapansin ko parang hindi na ko humihinga, or sobrang shallow ng paghinga ko. Kasi feeling ko konting kibo lang mamamali na ko ng type. Kaya naman during breaks, naglalakad lakad ako tapos maghahagdan ako instead of escalator.

