Tuwing may naiisip akong gustong isulat dito—mga insights na nabasa ko sa libro, learnings na napakinggan ko sa podcast na gusto kong i-process, interesting na nangyari na gusto kong balikan—hindi ko matuloy kasi feeling ko walang time. Pero feeling ko lang pala.
Kamusta nga ba ako nowadays? Gusto kong malaman. Araw-araw naman akong nagsusulat sa daily journal app ko, pero sa kasalukuyan, in general, ano bang lagay ko ngayon? Ang hirap sagutin. Parang ang naiisip ko kasi, masaya na may bursts of sadness/anger/indifference.
May mga araw na masaya, may mga araw na malungkot sa umaga pero nakakaaliw nung gabi (and vice versa), may mga araw na mabilis, mga araw na tamad mag-trabaho, may mga moments na limot, mga moments na sobrang entertaining tapos biglang mabo-bore, mga moments na mahirap tapos mamaya madali. Basta. Sobrang daming variations.
Siguro naninibago ako kasi ibang-iba yung mga araw ko nung hindi pa ko nagsisimulang magtrabaho. Nami-miss ko yung mga araw na yun at siguradong pag wala na ulit akong trabaho, ito naman yung mami-miss ko.
In hindsight, natutuwa ako. Hindi laging masaya pero alam kong dun din bumabalik. May mga bad moments, pero yun ang indication na nabubuhay ako. Naalala ko dito yung sabi dun sa podcast:
No stress is not the answer. If you’re not feeling some amount of stress, you’re not really living—you’re not engaging in the gifts of life.
Dr. Elissa Epel on Huberman Lab
Ayun. Ito ang tumatakbo sa isip ko ngayong gabi. Na-miss kong magmuni-muni. Okay ako at sana okay din kayo.