You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍
Super kinilig ako nung dumating si Kenneth from his 3-week vacation. Pagbigyan nyo na ko dahil minsan lang kami ganito. Kasama ko pagsundo sa airport yung isa naming couple friend (thanks for volunteering sa pagsundo kay Kenneth!) Nung tinanong nila ko ng, “Excited ka na?” Nagpakipot pa ko. Sabi ko sa mga pasalubong ni Kenneth ako excited. Pagdating namin sa airport, nakita ko na sya agad. Pagsakay ni Kenneth sa sasakyan, kausap ko si Kosh tapos si Kenneth nakanguso na. Eh parang nahiya naman ako na kinakausap pa ko tapos bigla kaming sweet-sweetan sa harap nya. Ilang seconds lang naman tapos pinansin ko na rin si Kenneth. Sabi ko, “Hiii.” tapos sabi nya, “Hiiii.” Tapos parang tinawanan kami nung dalwa. Gusto ko syang i-hug pero ewan ko bakit ba ko nahihiya dun sa dalwa haha.
Subscribe to continue reading
Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.
Out of sorts ako ngayong month na ‘to. Kung ano-anong iniisip ko. Magbabakasyon kasi si Kenneth sa Pilipinas, and although I’m excited for him kasi this is the first time na uuwi sya since nag-move kami dito sa Canada 7 years ago, I will be lying kung sasabihin kong 100% excitement yung nararamdaman ko. I’m just overall worried. Plus first time kong magsosolo sa bahay at hindi ko alam kung anong i-eexpect. Sobrang maiinip ba ko? Magiging mabait ba si Kenneth? Baka may mag-break in dito sa bahay! Kenneth will be gone for 3 weeks and being alone here—especially in this new city—is a foreign concept to me.
You’re reading this because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍
First, my best buy and bye-bye of the week:
Best Buy
This $10.37 paper blinds. As in papel lang talaga sya, but it does the job. Wala pa kaming pambili nung blinds na gusto namin kaya ito muna pansamantagal. Natuwa ako dito kasi dumilim yung office ko somehow. Nakakairita kasing tumambay dito pag tanghali tapos sobrang liwanag. Mas nasa mood akong gawin yung mga gagawin ko pag madilim. Pansin ko na noon na mas ganado akong magsulat pag madaling araw at gabi. Mas relaxing lang. Kaya lagi akong niloloko ni Kenneth na vampire.
Subscribe to continue reading
Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.
I miss hearing Kenneth say, “Wowwww..” everytime nagluluto ako. Medyo nakukulitan pa ko sa kanya dati kasi araw-araw nya kong tinatanong, “Anong pagkain natin?” Pero ngayon, wala nang nagtatanong ng ganun. Nami-miss ko yung dependency nya sakin pagdating sa food. Yung dating annoying, hinahanap-hanap ko na ngayon. Ugh life.
Since medyo malungkot ang previous post ko, it’s time for my recent happy things!
Byeeee!
Last day ko na bukas!! As much as I love this job, I’m not sad about getting a nice long break from sitting and typing all day. Nung nagpaalam ako sa boss ko na mawawala ako ng almost 2 months (pero binanggit ko rin na willing akong bumalik after that period), ang dali nyang kausap! That same day, nagkaron agad ng arrangement na last day ko sa January 31st (bukas), pero pababalikin nila ko sa April. Favorite na kita TL!
My current job is seasonal/contractual kaya may ganitong hanash.
Isang rare occasion ang nangyari! Lumabas kami ng apartment hindi para mag-grocery, kundi para mag-stroll at mamasyal ng kauntian. Thank you sa aming kapitbahay, nakita ko yung mga pics nila dito sa lugar na ‘to. Buti na lang din nasa mood akong magtanong non. Kasi nga since wala akong craving na lumabas ng apartment, useless na itanong ko kung san sila pumunta dahil wala naman kaming balak lumabas. Pero tinanong ko. At nung sinabi nya na malapit lang daw yun dito sa apartment namin, naisip ko, “Ano nga kaya? Lumabas nga kaya kami?”
At yun na nga ang nangyari. Sinama rin namin ang mga kitties kasi ang tagal na nung last family picture namin na ang setting ay sa labas ng apartment. Muntik pa nga hindi matuloy kasi Saturday yung original plano ko. Pero sabi ni Kenneth Sunday na lang daw kasi yung Sabado ay grocery day. Hindi fan si Kenneth na gawin ang mga bagay-bagay sa isang araw lang. Ang gusto nya one activity per day. Sobrang tamad talaga.
Cutie pies 😻
Pagdating ng Sunday, medyo nawala na ko sa “tara labas tayo” mood. Medyo lumipas na yung excitement. Pero alam ko, for a fact, na hindi namin ire-regret na lumabas. Kasi ang tagal na rin talaga simula nung lumabas kami ng for fun lang. So kahit medyo tamad, tumuloy kami. Binanggit din namin kila Trix and Kris na pupunta kami dun. Game din sila kaya nag-meet kami dun and kahit papano nakapag-catch up.
Ang saya ko lang talaga nung araw na yun. Ang rare kasi for us na nasa labas kami ng bahay with friends tapos ang backdrop pa is nature. Kaso nung pahuli super nag-worry kami kay Walnut. Nanginginig na sya tapos nag-poop na sya sa carrier. Super stressed na sya kaya umuwi na rin kami. Pero okay na sya ngayon. Kaya next time hindi na namin sila isasama pag ganun kalamig.
Balak ulit sana namin bumalik dun ngayon. Kaso hindi nag-cooperate ang weather. Masyadong malamig. Hindi na masaya mag-stroll.
Dito pala madaming ganito hindi na kelangan bumili
I hope magkaron pa ng madaming ganitong moments this year. Yung hindi namin papairalin yung katamaran namin na lumabas at mag-explore. Buti na lang natututo na si Kenneth na ma-appreciate yung paglabas at umalis sa comfort zone. Sana maka-travel din kami outside Manitoba. Gusto kong makapunta sa BC at Alberta. Sana soon.