• Bukod sa ang dami kong niluto today (2 dishes and 1 dessert), extra proud ako sa sarili ko dahil nag-grocery ako ng umuulan. Sobrang babaw pero ewan ko. Natuwa ako. Normally kasi, pag nakita kong umuulan, ipagpapabukas ko na lang ang paglabas. Tatamarin ako. Pero hindi ko alam kung bakit iba ngayon. Determined ako masyado na bilhin ang mga missing ingredients para sa menu of the day ko.

    (more…)
  • Eto nanaman ang hormones. Basta ang bigat ng pakiramdam ko pagkagising ko. Iniisip ko kung si Kenneth ba ang dahilan o overly sensitive lang ako. Or both. Tas pagtingin ko sa period tracker ko, 7 days na lang magkakaron na ko. Ughhh. Ang pangit sa pakiramdam. Naiisip ko nanaman na sana naging lalake na lang ako para wala na ng mga ganitong PMS shit. Kelangan ko ng serotonin boost.

    Nag-Google ako at eto daw yung mga nakaka-increase ng serotonin:

    • Nuts, salmon, cheese, eggs, tofu, probiotics
    • Sunlight exposure or Vitamin D supplement
    • Physical activity
    • Massage

    Maliligo na ko para maabutan ko ang before 10AM sun. Sana effective.

    UPDATE: Inunahan ako ni Kenneth sa CR kasi kailangan na daw nyang umalis. Grr lalong kumulo ang dugo ko. Hindi pa kasi nag-CR kanina inuuna pa ang laro. Nawalan na ko ng ganang lumabas.

  • I am overstimulated. Di ko alam ang gagawin. Di ko alam ang uunahin. Umidlip kaya muna ako.

  • The word ‘creative’ has been attached to me for a very long time. It’s just a common fact that some people are more into the arts and some people are more analytical and logical. And when your family and friends and other people tag you as a ‘creative’ as well, it’s hard to separate yourself from that label.

    (more…)
  • 1.

    Sabi ni Kenneth ako daw ang bahala kung concert ng Kamikazee ang papanoorin namin next month or yung stand-up ni Jo Koy. Pareho kasi silang pupunta dito sa September. Pero nung napapagusto na ko sa Kamikazee, halata mong mas gusto nya si Jo Koy. So nagpa-poll ako (thanks pod sibs!) at eto yung result:

    (more…)
  • Nasungitan ako ng isang artist na ina-admire ko. Yung halos everyday ko pinapanood yung YT videos nya (sometimes I watch her videos multiple times because I find so much value in it), nag-join ako sa Patreon nya, nag-eengage ako sa IG posts nya, basta support kung suport. Tapos nag-message lang ako sa kanya asking a harmless and pa-cute question with paawa eyes emoji, ang dami na nyang nasabi. Defensive mode agad at wag na daw ako mag-message sa kanya sa IG about Patreon concerns. Luh. Anyare. At ang labo kasi super promote nga sya ng Patreon nya sa IG nya. So san ako magme-message? Eh nag-try nga ako mag-message sa Patreon nya before, di rin naman sya nagrereply dun. Tss.

    (more…)
  • I had my French skills assessed today and honestly, hindi ako masyadong kinabahan. Hindi rin ako nag-prepare kasi gusto kong ma-gauge talaga yung totoong level ko. Hindi naman ‘to IELTS na dapat mataas yung score. In-evaluate yung speaking, listening, writing at reading skills ko.

    Speaking

    English pa sya magsalita nung una. Explain explain sya kung anong gagawin namin for the next few hours. Pero nung bigla na syang nag “Bonjour.” Ayan na! Kailangan nang paganahin ang brain cells, kailangan nang halukayin ang mga inaral nung mga nakaraang buwan. Eh di sabi ko rin, “Bonjour.”

    (more…)
  • April 24 – 29

    Etong time na ‘to, meron na lang akong 10 days at magbaba-bye na muna ulit ako sa Pinas. Pero bago ako magba-bye, mauuna munang umalis ang mga taga UK. Kelan kaya namin uli sila makakasama 😢

    (more…)
  • Grand Beach

    Holiday nung Monday so pumunta kaming beach with the Centinos. Ang saya lang nung change of scenery. Gusto kong bumalik tapos tatambay lang kami ni Kenneth. Sya tutulog, tapos ako magbabasa or drawing.

    (more…)
  • Eto na ata ang pangatlong beses na nabulukan ako ng avocado. Siguro time na para tanggapin ko na hindi talaga ko magiging mahilig sa avocado na madalas kong nakikita sa mga healthy salad at sandwiches sa IG feed ko. Hindi na ko magpapa-influence sa inyo fit influencers.