1.
Sabi ni Kenneth ako daw ang bahala kung concert ng Kamikazee ang papanoorin namin next month or yung stand-up ni Jo Koy. Pareho kasi silang pupunta dito sa September. Pero nung napapagusto na ko sa Kamikazee, halata mong mas gusto nya si Jo Koy. So nagpa-poll ako (thanks pod sibs!) at eto yung result:

Mas madami na ngayon pero kahapon, 10 votes yung sa KMKZ tapos zero votes kay Jo-Koy. So nung pinakita ko, ayaw pa rin patalo. Magpapa-poll din daw sya! So gumawa sya ng poll at nag-survey sa mga kaibigan namin pero Kamikazee pa rin yung binoboto nila. Haha sorry!
Nag-reserve na ko ng KMKZ tickets. Super excited ako kasi first concert ko ‘to. Hindi ko rin alam kung bakit. Mahilig naman ako sa music pero somehow, hindi ako nagka time or budget maka-attend ng concerts or festivals.
2.
May PT ako kahapon at nakita ko sya as an opportunity to exercise. Nilakad ko mula apartment namin papuntang clinic na very doable naman kasi 30-min walk sya tapos maaliwalas ang panahon (22-24 °C). Susunduin ako ni Kenneth pagkatapos pero sinipag uli akong lakarin pabalik kaya naka 1-hr walk ako in total. Yay.

Last PT ko muna for now kasi na-max na yung coverage ko. Sobrang nag-improve nanaman yung kamay at braso ko. Itutuloy ko na lang ang mga exercises na tinuro sa PT. Mami-miss ko si Madison (my physiotherapist) kasi mahilig syang magkwento at napa-practice ang English ko. Chill lang din yung personality nya at ang pleasant nyang kausap.
3.
Eto ang kinagigiliwan ko ngayon, ang mag-plano at mag-journal gamit ang mga bago kong notebooks at pens. Una, kasi mas na-observe kong mas effective sakin pag sinusulat ko yung mga tasks ko compared to using an app. Pangalwa, since may aberya nga yung kamay ko, hindi ako maka-todo mag-drawing. Kaya gusto kong gawing creative outlet yung journaling. Pwede akong gumawa ng collage, mag-doodle ng konti, design ng layout, etc.

Excited na kong dumating yung mga in-order kong stickers sa AliExpress. Dumating na yung iba kaya na-decorate ko na yung cover ng notebook ko.
4.
Here are the three books that I’m currently reading:
- The Power of Now
Parang ayoko na syang tapusin. Feeling ko yung value na makukuha ko sa libro na ‘to ay nakuha ko na sa first 50 pages. The author is also starting to annoy me the further I read on.
- Black Cake
Our book club pick for August! So far (currently at 30%) sobrang gusto ko sya. Ang engaging magsulat nung author at ang interesting nung story.
- The Travelling Cat Chronicles
I feel like medyo heavy yung book namin for August so pumili lang ako ng light read to switch things up. May pagka-funny yung book (currently at 20%) pero may pakiramdam ako na maiiyak ako sa gitna or huli.

5.
Napansin ko na pabigat ng pabigat ang timbang ko. Hindi naman ako nagtataka kasi napapadalas ang late night food deliveries namin. Hindi rin ako mapakali na wala akong kakainin na matamis after every meal.
So nung lumabas sa feed ko itong video na ‘to, naisip kong mag cut back ng sugar. Imbis na ice cream at chocolates ang bilhin ko, bumili ako nitong mga healthy snack bars. Yung mababa ang sugar content. Kasi yung ibang snack bars mataas pa din sa sugar.

24 grams daw ang daily recommended sugar intake for women, 36 g for men. Itong brand na ‘to ay 6-7 g sugar per bar compared sa iba na 18 g. Tapos nagulat ako dito sa nougat na 61 g ang sugar content per 2 pieces!

6.
Ang daming magagandang podcast episodes na lumabas this week and for some reason, yun ang nag-urge sakin na magsulat dito. Gumawa ako ng playlist sa Spotify at pinangalanan ko syang ‘Listen Lineup’ para di ko malimutang pakinggan.
If you’re interested in self development, art, personal stories, health and science, click to see the full playlist.

2 replies on “Life Updates | Kamikazee vs Jo Koy + Weight Gain + Books & Podcasts”
Finally naka sub na ako, when po ang open niyo ng Patreon? 🙂
LikeLiked by 1 person
Para sayo i-oopen ko na 😆
LikeLiked by 1 person