Categories
Hanash Life

Bawal Magtanong

Nasungitan ako ng isang artist na ina-admire ko. Yung halos everyday ko pinapanood yung YT videos nya (sometimes I watch her videos multiple times because I find so much value in it), nag-join ako sa Patreon nya, nag-eengage ako sa IG posts nya, basta support kung suport. Tapos nag-message lang ako sa kanya asking a harmless and pa-cute question with paawa eyes emoji, ang dami na nyang nasabi. Defensive mode agad at wag na daw ako mag-message sa kanya sa IG about Patreon concerns. Luh. Anyare. At ang labo kasi super promote nga sya ng Patreon nya sa IG nya. So san ako magme-message? Eh nag-try nga ako mag-message sa Patreon nya before, di rin naman sya nagrereply dun. Tss.

At first ako pa yung nag-worry kung may nasabi ba kong mali. Or baka mali lang yung tone ng pagkakabasa ko sa replies nya. Pero nag-survey ako at na-sense din nila yung katarayan. Na wala namang masama dun sa tinanong ko. Badtrip na badtrip yung kapatid ko haha. Si Kenneth naman nag-petty joke na magha-hire daw sya ng trolls para mag comment dun sa artist. Ano ba yan Kenneth 😅 Pero natawa naman ako so nag-lighten up yung mood ko. Pero nung sinabi nya na wag na rin daw ako bibili ng books nya, feeling ko yun yung hindi joke. Yung last ko na pinagsabihan yung final judge (hi Glenie 😂) kasi feeling ko hindi sya magiging biased. At yun nga, mataray nga raw.

Buti na lang hapon ko na nabasa yung reply nya kasi na-feel bad ako. Ang ganda pa naman ng mood ko nung umaga. Nakaka-disappoint lang talaga and nakakasad. From someone who’s open about her mental health, who shares a lot of her anxieties on her socials and her videos, I expected more kindness from her. Sabi nung isa kong pinagsabihan, baka daw may trauma sa mga nagme-message sa kanya (which is very possible) but in this scenario, ako yung na-trauma sa kanya.

In conclusion, I was contemplating between unsubscribing from her Patreon because it’s costing me money. But on the other hand, at the end of the day, I’m still a fan of her work. I know that I can learn a lot from her (creativity wise) so maybe I’m just gonna stick around. Hindi na lang siguro ako makikipag-interact ulit sa kanya. Maybe she is going through something but I hope she wouldn’t treat every inquiry, every comment, every quip as an attack. I still wish her well.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s