Nagkaron ako ngayon at na-relieve ako. Patanda ako ng patanda, paayaw na paayaw kong maging nanay. Okay na ko sa ate at tita roles.

Naka-private yung uncut version.
Nagkaron ako ngayon at na-relieve ako. Patanda ako ng patanda, paayaw na paayaw kong maging nanay. Okay na ko sa ate at tita roles.

Naka-private yung uncut version.
Ang dami kong gustong bilhin pero pigil na pigil ako. Worth $50 (Php 2,000) yung gusto ko pero kailangan kong magpigil. Apat na notebooks at limang pens yung $50. Hindi naman sya importante kaya nagpipigil ako. Pero GUSTO KO TALAGA!! Ughhh.
UPDATE: I did it 💸

May pinapakinggan akong podcast at minention nung guest (artist sya) yung importance of keeping a sense of wonder. Dinescribe nya yung point sa buhay nya na umay na sya sa pagka-umay everytime kelangan nyang mag-grocery or mag-car wash siguro. Yung mga menial tasks. Mga should-haves natin sa buhay.

Watching an IG live and she said: “I’m in my 30s and I’m finally becoming who I wanted to be!” I resonated with that 🤍
Kanina ko pa sinasabi na magbabasa ako bago matulog (Before the Coffee Gets Cold by Toshikazu Kawaguchi) pero palipat-lipat lang ako sa Instagram, Messenger at TikTok. Tapos nag-detour pa ko dito sa WordPress. Magbabasa na talaga ko.

Kahapon sa French class, may nakaklase akong yayamanin. Sure akong rich kid kasi student pa lang daw sya (fashion student) pero nung tinanong sya ni teacher kung nakapunta na syang Paris, 4x na raw.

I am overstimulated right now. Kailangan ko ‘tong ilatag. Dapat talaga hindi muna ako tumitingin sa phone ko sa umaga.

Bakit kaya hindi pa ko inaantok. Ang aga kong nagising, hindi ako nag-nap, tapos 3AM na ngayon pero buhay pa yung diwa ko. Mga 5-10% pa lang yung antok ko.
Siguro dahil masyado akong nadadala sa mga ganaps sa Stranger Things. Ang galing pa din ng Duffer brothers. Super engrossed at interested pa rin ako sa mga nangyayari sa kanila both major and supporting characters. Kelangan ko pang mag-warm up dun sa bagong monster nung una pero ngayon nakasakay na ko. I am here for the ride. Roller coaster talaga yung emotions kahit episode 4 pa lang kami.


Di ako masyadong mapakali. Parang ang dami kong kailangan isipin pero di ko maisip kung ano. Malapit na kasi akong umalis pauwi ng Pinas. 1 week na lang. Feeling ko ang dami ko pang nalilimutan. Iniisip ko yung mga dapat kong ibilin kay Kenneth. Kanina naturuan ko na sya kung pano diligan yung mga halaman ko. At least naka-install na yung pet cam, mababantayan ko sila. Ano pa ba.