- Na parang hindi na ko madaldal sa stories ko. Di na ko masyadong ma-caption. Phase lang ba ‘to o nagbago na ko? Hindi naman ako malungkot, nasa mood naman ako. Bakit kaya?
- Na ang takaw ko.
- Na nababawasan na yung pagka-involve ko sa drama ng ibang tao. Legit man o hindi legit yung drama. Which is nagugustuhan ko kasi masyadong affected ako dati to the point na nagiging overbearing na sa mental load ko. Na nalilimutan kong hindi ko nga pala yun problema. Inaangkin ko masyado. Ngayon, pakiramdam ko, sakto lang yung involvement ko. Ibig kong sabihin, nakakapagbigay pa din ako ng solicited advice, magaling pa din ang listening skills ko, pero hindi ko na dinadala yung worries hanggang maghapon or kinabukasan.
- Na hindi na masyadong maingay ang utak ko. Hindi na sya naliligaw masyado at kung saan saan napupunta.
- Na nahihirapan akong makaisip ng pang-lima para makumpleto ‘tong post ko. Gusto ko lang na lima sana. Ah. Napansin ko lang na hindi na ko tambay ng TikTok. Sa IG, diretso ako agad sa account na gusto kong tingnan. Di na ko nags-scroll kasi naman padami na ng padami yung ads at sponsored posts.