Bakit ang swerte ko? Hindi ako makapaniwala na meron akong MacBook Pro. Meron akong iPad Pro tapos parating na yung Apple Pencil? Tapos meron akong iPhone? Tapos meron akong Airpods?? Tapos padating din yung Apple Watch??? Paano ako napunta dito??
Hindi talaga ako makapaniwala. Ang saya ko ngayon pero ang saya din nung old self ko. Yung mga panahon na bago pa lang akong nagtatrabaho at wini-wish lang sa universe na sana magkaron ako ng mga ganitong bagay. Na kelan ko kayo ‘to mabibili? Anong ginawa ko bakit ako pinagbigyan?
Ang swerte ko talaga. Parang gusto kong sabihin dun sa 23-year old self ko na after 10 years, mabibili nya yung mga ilalagay nya sa wish list nya at mapapaupo na lang sya sa isang sulok at isusulat kung gano sya ka-amazed.
Ewan. Gusto kong magtatalon sa tuwa pero stunned pa rin ako. Si Kylie Jenner kaya nakaka-feel ng ganito. Or bored na sya sa pagiging billionaire. Kaya ayoko talagang maging billionaire eh (asa). Kasi nababawasan yung mga bagay na pwedeng magpasaya sayo. Kasi ang bilis mo lang syang nakukuha kaya nawawalan na ng meaning. Kaya yun ang goal ko sa buhay. Hindi ako magiging billionaire. Millionaire na lang.
🤣🤣🤣