Categories
Happy Things

Happy Things #1 ๐Ÿ“บโŒš๏ธ๐Ÿฅ๐Ÿ“š๐Ÿ˜ป๐Ÿฅช

Heto nanaman ako sa pa-series. Meron akong favorite conversations series, today’s log series, throwback series (na hindi na nasundan) at yung iba naka-private na series. Ngayon ito naman, happy things series. Tingnan natin kung masusundan

Binge

Natapos na ni Kenneth yung lumang Dexter kaya pinapanood na namin yung bagong Dexter. Ok lang. Biased lang siguro ako. Pero hindi ko ide-deny na hindi sya ganun kaganda although hindi pa namin sya natatapos. Pero mababa lang naman ang expectations ko. Usually naman sa mga ganitong sequels mahirap talagang tapatan yung una. Ine-enjoy ko na lang kasi na-miss ko si Michael C. Hall.

Also, may Ozark season 4 na!!

Apple Watch

Nag-eenjoy ako dito sa Apple Watch. Ang daming cool na pwedeng gawin. Plus nale-lessen yung screen time ko sa phone. Since bago pa, enjoy na enjoy akong makita kung naka-ilang oras ako ng tulog gabi-gabi. Kung dire-diretso ba o paputol-putol. Hindi ko na rin nalilimutan uminom ng vitamins at supplements ko. Mukang sulit buy ito.

Ultrasound

Naka-schedule ako bukas. Kasama โ€˜to sa โ€œhappy listโ€ kasi ang bilis kong nakakuha ng slot! Dito kasi sa Kenede libreng magpa-ultrasound. At since libre, once may doctorโ€™s request ka na, mga ilang months pa bago ka mabigyan ng schedule. Isa pang example, ni-refer ako sa ENT specialist last December, pero May this year pa ko matitingnan. Nakakatawa na nakakaasar. Libre nga eh.

Pero etong recent ultrasound, after 2 weeks may sched na ko. Katamad lang lumabas kasi ang lamig pero yay pa rin.

Currently Reading

Dalwa ang binabasa ko ngayon. Do Nothing at yung book of the month ng book club, Manโ€™s Search for Meaning. Mukang kailangan ko nang magbasa ng fiction. Masyado na kong nawiwili sa non-fiction. Susubukan ko na ulit ituloy basahin yung The Girls Iโ€™ve Been or Jane Eyre.

Kitties

“Tuna” Spread

Masarap! As usual nag-expect akong ma-disappoint kasi nagkaron ng time na yung mga tina-try kong vegan at vegetarian recipes, hindi naman masasarap. Pero eto okay. Dami kong nakain. Pati si Kenneth kumain din.

Hanggang sa muli.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s